Chapter 8

2942 Words
  Nag paalam ako kay Huxley at nag tungo na sa kwarto. Hindi naman ako hassel ngayong araw dahil dalawang subject lang kami at sabado na bukas wala akong pasok. Kinuha ko ang cellphone sa bag at halos kabahan ng makita ang sunod sunod na tawag mula sa unregistred number. Simula kagabi ay hindi ko na nabuksan ang cellphone dahil sa kaba, hindi rin naman ako mahilig mag cellphone dahil puro stress lang ang nakikita ko sa social media. Sinave ko ang number ni Devon at walang pag alinlangan na tinawagan ito pabalik. Sinagot niya ito sa pangalawang pag ring. " Hi .. si Louissa ito. " Ngayon na lang ulit ako kinabahan ng ganito. Palagi ko naman kausap ang mga pinsan at kaibigan sa phone pero never kumabog ang puso ko ng ganito. " Hi. Are you busy? " Hindi ko naman maiwasang mapangiti. Kahit hindi ko siya nakikita na iimagine kona agad kung anong hitsura niya. Nababaliw na talaga ako. " Ahm.. sorry nag usap lang kami ni Huxley. " " Did he scold you?" His voice was deep, it sounded like a drum .. rough and deeper. Feeling ko naka kunot na naman ang makakapal niyang kilay at namomroblema. " Hindi naman. Just a sibling conversation. " Napahinto naman ito ng ilang segundo bago ulit nag salita. " Do you have errands for tomorrow?" Napaisip naman ako doon, Wala naman bukod sa kailangan kong makisama dahil bibisita ang pamilya ni Jace bukas. " Ahm .. " Hinanap ko muna ang mga tamang salita bago sumagot. " My dad asked me to stay and help my Mom to prepare for a lunch. Bibisita kasi ang pamilya ni Jace." Malinaw kong narinig ang mabibigat niyang pag hinga kaya binago ko na agad ang topic. " Nakauwi ka naba? It's already eight fifty five."  " I'm lying in my bed. How about you?" " Same! You sound tired .. are you okay?" " Kanina pa pero okay na ako ngayon. I heard my Louissa voice." Tinakpan ko naman ang bibig at hindi na mapigilang kiligin. " So you telling me that my voice is your .." " My medication. Yes!" Parehas naman kaming natawa. Tinanong niya ako tungkol sa mga subject ko at kung saan nahihirapan. Nag insist din siya na kapag may hindi ako maintindihan ay pwede ko siyang tanungin. " You should rest now Louissa .. it's late " " You should do the same. " I heard his small chuckle. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, para akong naka lutang sa ulap.  " Good night Louissa. Sleepwell!" " Good night too Devon, Rest well." I off my phone with a smile on my face. Kinabukasan ay maaga akong nagising, Hindi ko na inantay sila Mommy na gisingin ako. Naligo na rin ako at nag ayos, suot ang isang plain peach dress ay agad na ako bumaba ng kwarto at naabutan si Gianna na naka salampak sa coach at busy sa pagkutkut sa Ipad niya. " Mag breakfast kana lang dyan Louis! Nauna na sila Daddy .. late na din ako nagising eh. " Nag tungo ako sa kitchen at kumuha  ng gatas saka bumalik sa sala para tabihan si Gianna. " Eh anong ginagawa mo dito? Saan ang lakad mo at naka ayos ka? " " Hindi ba pwedeng gusto ko lang." " It's not your thing Gianna. Dapat nga nasa kwarto ka lang at tinatapos lahat ng netflix series na favorite mo." Nag iwas naman ito ng tingin at hindi na ako sinagot. " Asan pala sila Mommy? Akala ko ba mag luluto kami?" " Tinamad na si Tita Erise kaya nag pa buffet na lang. Andoon sila sa backyard naka ayos na lahat." Tumango tango naman ako at napatingin kay Mommy na naka full outfit pa, akala mo ay mamumulitika. " Tumayo na kayo dyan at andoon na sila Jace sa backyard. " Inaya ko naman si Gianna na naka busangot. Gaya nga ng utos ni Mommy ay nag tungo na kami sa backyard at sinalubong ang pamilya ni Jace. " Hi Tita Zahava! " Niyakap naman ako nito pati si Gianna.  " Dyusko habang tumatagal ay gumaganda ang mga ito. Itago mo ito William at paniguradong madaming nag kakagusto sa kanya. Manang mana sa Mommy niya." Naupo naman kami at nag salo salo. Wala ang iba naming pinsan dahil meron silang pasok, Sila Huxley naman ay may internship kaya sobrang busy nila. " Kamusta ka naman Jace? Habang tumatagal ay gumagwapo ka ahh. Hindi na ako makapag antay na maitali ka rito kay Louissa." -Daddy Tiningnan ko naman si Jace na pilit ngumingiti kay Daddy. " Nakoo Jace kamusta naman si Louissa sa Brooklyn University marami bang nag kakagusto?" -Mommy Tiningnan ko naman si Jace at nilakihan ng mata. May mga senyasan kami na kami lang ang nakakaalam, parehas lang naman ang sagot namin sa kasal na gusto nila. IBA ANG GUSTO NI JACE AT IBA DIN ANG GUSTO KO. " Wala namang nakakalapit sa kanya Tita dahil sobra mag bakod si Austin, Huxley at Geon." Huminga naman ng malalim si Mommy tila na gustuhan ang narinig. Napatingin naman ako kay Jace na ngayon ay naka ngisi. " Hay nako mabuti naman kung ganon! Akala ko wala na silang oras kay Louissa at mga graduating na. Ikaw hindi kaba busy?" " Madami rin po akong ginagawa Tito pero alam ko pong mas madaming ginagawa si Huxley dahil top student din sya ng Brooklyn University." Ngumiti naman si Daddy tila proud sa anak na panganay. " How about you Gianna? Huwag ka munang mag boyfriend at ang ganda ganda mo panigurado  bantay sarado ka ng kuya Geon mo." " Bantay sarado din siya sakin. " Hindi ko naman maiwasan pamangisi ng masamhid si Gianna. Napaka loko talaga nitong si Jace! Noon pa man ay nahahalata kona itong si Jace dahil palaging naka samhid kay Gianna pero never naman siyang nag pakita ng motibo. Nababasa ko ang mata niya na minsan gusto niya kausapin pero natatakot siya kasi nuknukan din ng sungit si Gianna namimili ng kausap, May pag kakataon na nahuhuli ko sila nag uusap pero na uuwi din sa asaran. Natapos ang tanghalian kaya nag pasya akong ayain si akiko pumunta sa mall. Hindi naman siya tumanggi at nag mamadali pang kitain ako. "  For the first time ahh. Na bored ka sa inyo?" " Kinda. " " Bakit hindi mo man lang sinama si Gianna at baka na boboring na din yon?" " Nako konti na lang ay kaladkarin ko na pero ayaw talaga, manunuod na lang daw siya ng movie sa kwarto niya. Napaka unproductive niya talaga. " Dumaan kami sa ibat ibang store at tumingin. Wala naman akong nagustuhan maliban sa isang white polo long sleeve. Tinitigan ko ito at inimagine kung babagay sa kanya. " Bagay yan sa kanya." Napatingin naman ako kay Akiko na naka ngisi. " Base sa ganda ng katawan niya paniguradong babagay yan. Kaso ang tanong tatangapin niya ba yan? Knowing ang mga lalaki ayaw na aapakan ang mga pride. " " Hindi ko kasi alam kung kelan birthday niya oh ano. Pwede naman siguro pang regalo sa kanya. " Tumango tango naman si Akiko tila ba dinedemonyo niya ako. I ended up on the cashier paying for this white long sleeve. Pagkatapos namin mag ikot ikot ay nag tungo kami sa isang kilalang coffee shop, Nag order siya ng cheesecake at dalawang frappe. " Brooklyn fair na sa lunes my gashhh excited na ako! Diretsyo agad ako sa wedding booth! " Natawa naman ako sa sinabi niya. Wedding booth eh wala nga siyang boyfriend! " Kelangan mo muna ng partner bago ka makasal." Lumapit ito sakin para bumulong. " Si Geon hahahaha" Namumula ang pisnge niya habang pumapalakpak. Nababaliw na siya. " Sige sasabihin ko yan ahh! " " HOY NAG BIBIRO LANG AKO! HINDI KO ATA KAKAYANIN YON. INIISIP KO PA LANG DYUSKO MAHIHIMATAY NA ATA KO."  " Kids shut up! you're too loud " Napatingin naman kami sa dalawang babae na masamang nakatingin saamin. I cant help my self but to praised their awra. I've never seen an angelic face in my whole life. Ang gaganda nila. " Ako ba ang kausap mo?" -Akiko "  Kayo lang naman ang mukang bata dito so YES!" Sagot ng isa. " Well I take that as a compliment! Third year college na kami pero muka pa rin kaming bata! Thank you thank you!" Maririnig ang pang aasar ni Akiko kaya inaya ko na itong umalis pero napansin ko ang isang babae na naka titig sakin tila kinakabisado ang bawat parte ng muka ko. " Let's go Louis bago pa ako mag baby talk sa sobrang bata ko tingnan. " Hinatak niya ako paalis ng coffee shop saka siya nag labas ng inis niya. " Nakakaloka!!! Muka lang mayaman pero ugaling .. waaaaa ayoko na lang mag salita at baka masira pa ang araw ko. " Inaalala ko ang mata ng babae at iniisip kung sino ang kamuka pero hindi ko alam kung saan ko yon huling nakita. " Louis are you with me?" " Yeah .. just forget about them mas maiinis ka lang lalo kung iisipin mo pa. " Hindi na kami nag tagal sa mall at umuwi na, sakto namang naka tambay ang mga pinsan ko sa rooftop. Ako lang talaga ang kulang. Iniscan nila ang kabuuan ko bago nagsi ngisian. " Huxley ohh nakipag date yan panigurado. " Gusto kong sabunutan si Winter sa pang aasar niya. Kakaayos lang namin kagabi ni Huxley sisirain na naman niya ang mood nito. " Excuse me! Si Akiko ang ka date ko baliw!   " Natawa naman sila sa reaction ko. Tiningnan ko ang laman ng lamesa pero puno lang ito ng incan na alak at potato chips. " Kanina pa kayo dito? Hindi niyo man lang ako tinawagan?" " Sabi ni Gianna mag dadate daw kayo ni Akiko hindi na namin kayo ininstorbo. Minsan ka na nga lang lumabas guguluhin ka pa namin. " -Austin Nag kukwentuhan lang sila hanggang sa mapunta na naman sakin ang topic. " Eh si Louissa kaya kamusta na? " Mahihimigan ang pang aasar sa boses ni Winter. Naka tingin naman ito sakin habang naka ngisi. Tiningnan ko naman ang mga kapatid at pinsan na ngayon naka ngisi na rin sakin maliban kay Huxley na seryosong nag aantay ng sagot. " I-I'm fine"  Irap ko rito  " Habang tumatagal lalong gumaganda si Ate eh." -Chase " Maganda na ako sa simula pa lang! " bulyaw ko kay Chase " Habang tumatagal mas sumasaya eh diba?" Gusto kong batuhin si Austin dahil sumesenyas siya ng holding hands. NAKAKABWISIT! " Siya kaya ang pinaka masayasang studyante sa Brooklyn University. " Natawa naman sila sa hirit ni Gianna at talagang pinag kakaisahan nila ako ahh. " Can you please stop teasing Louissa! " Lumapit ako kay Huxley at pinandilatan sila. Tawang tawa naman si Austin tila nagugustuhan ang panunukso sakin. " Okay lang ba sayo yon Hux?" -Austin Sinenyasan ko naman ito  na manahimik kaya mas lalo sila natawa. Napatingin naman sakin si Huxley kaya binago ko ang ekspresyon at pinaamo ko ang muka. " Bakit kaba nahihiya samin Louis eh kami na nga lang mapag kakatiwalaan mo dito. Sige na sabihin mo na kung may gusto kang ibahagi para may alam rin naman kami." - Gianna " Wala akong ibabahagi!" " Sabi ni Austin marami!" -Winter Tinaas ni Austin ang kamay para bang sumusuko na ito dahil nalabas na niya lahat ng baho ko kaya wala na akong dapat itago. Nakatingin silang lahat sakin at nag aabang ng katotohanan, Binibigyan nila ako ng tingin na hindi nila ako papaalisin ng rooftop hanggat wala akong sinasabi. " H-Huxley oh ang kukulit." Para akong batang nag susumbong sa tatay pero mas nainis ako ng bigla akong ilaglag ni Huxley.  " Umamin kana para hindi ka na nila kulitin." " W-Wala naman kasi akong aaminin. " " Napaka damot! Ako nga kahit walang ka kwenta kwenta kinukwento ko!" -Winter Nakabusangot akong naka tingin kay Huxley na ngayon ay naka ngisi na sakin. " So hindi mo gusto si Devon?" -Austin " HINDI NGA!!!" Sigaw ko dito " Sure kana dyan?"  Naka ngisi si Winter sakin habang naka hilig ang ulo sa balikat ni Geon. " OO NGA!!!" " Okay fine! Bukas aayain ko si Devon na maki pag date SAAKIN." " SAKIN YON WINTER! " Hindi kona napigilan ang sarili dahil sa pang bibwisit nila. Sinuklian lang nila ako ng malalakas na tawa. " Hahahahahaha see aamin ka lang ayaw mo pa umamin gusto mo pa yung ginagamitan ka ng magic words eh" -Winter " Yare si Devon dito napaka selosa " - Gianna " Gusto mo nga?" -Geon  " OO NA! MASAYA NA KAYO?" " Mas masaya ka diba? Hahahahaha" Hindi kona napigilang kunin ang incan at ibato kay Austin. Tumayo naman ito para makailag pero nasalo ni Chase kaya mas natawa sila. Yan ang hirap kapag kasama mo sila kung hindi ang manliligaw ang kawawa .. yung nililigawan. " Kapag ako may nakalap na balita tungkol sainyo " tinuro ko ang pag mumuka nilang lahat " Abot abot ang pang aasar niyo sakin lalo kana." Turo ko kay Austin na pinapakita pa ang malalim niyang dimple. Nakakabwisit! Kinuha ko ang bag para iwanan sila doon pero nagulat ako ng akbayan ako ni Winter at Gianna.  " What are you doing traitors!" Hindi nila ako binatawan hanggang sa makarating kami sa kwarto. Sumalapak sila sa kama at mariin akong hinila. " Ano ba?" " Ito naman napaka sungit! Pinapaamin ka lang namin eh hahahha" -Winter " Umamin na nga ako diba? Oo gusto ko si Devon kaya huwag kang sumubok Winter at mayayari ka sakin." Napuno naman nila ng halakhakan ang buong kwarto. " Mabuti naman Louis. If ever na may umaligid kay Devon alam ko na agad kung sino ang sasampalin ko. "  - Winter " Anyways stop muna tayo kay Devon at baka madapa na yon dahil kanina pa natin pinag uusapan. Sabihin mo na Wint" Umupo naman ako ng maayos at tiningnan ito ng seryoso dahil mukang importante ang sasabihin niya. " Si Cherry. " Nanlaki naman ang mata ko. Isa lang ang Cherry na kilala ko. " Si Salvador? " Parehas naman itong tumango tango kaya mas naintriga ako. " What about her? " " Nag papapansin daw kay Austin. " -Gianna " Paano niyo nalaman? " " Kalat na kalat sa tourism building. Alam mo yung mas nakaka bwisit? Pumupunta daw yon sa gym tuwing may training si Austin at nag dadala ng kung ano anong pagkain. " Sabay sabay naman kaming napairap. Cherry salvador is one of the most hated girl in the campus. Lahat na lang ginagamitan niya ng pera, Gusto niyang pumantay sa kasikatan ni Winter pero hindi niya maabutan sa kaartehan ang pinsan ko kaya gumagawa siya ng sarili niyang trip. Kung may sariling fan group si Winter sa school meron din si Cherry pero malamang sa malamang ay binayaran niya iyon.  Ang una niyang nagustuhan ay si Huxley pero hindi niya makaya kaya si Huxley. Hindi siya mabigyan ng atensyon nito dahil walang pakielam sa babae ang kapatid ko. Pinag kalat niya pa sa school na niligawan siya nito kaming tatlo lang nila Gianna at Winter ang luminis sa issue na iyon. Pinagkalat din namin na hindi iyon totoo at imagination niya lang yon kaya humupa din ang issue, bukod pa doon wala din naman naniniwala sa kanya dahil walang kaibigan si Huxley sa school bukod samin at kay Jace kahit kausap na babae ay hinding hindi mo ito mahuhuli. At ngayon si Austin na naman ang trip niya. Knowing my cousin siya ang pinaka mabait at open na Henderson. "  Ganyang ganyan din ang reaction ko Louis ng marinig ko yan kay Winter. Feeling ko mapapaway na naman tayong tatlo. " Naka sandal si Gianna sa head board ng kama ko habang naka kunot ang noo, tiningnan ko naman si Winter na ngayon ay naka tulala din sa kawalan. " Dyusko imbis na si Austin ang nag babantay satin siya na tuloy ang babantayan natin. " -Gianna " Kapag sinampal ko naman yon at nag reklamo kaya naman bayaran ni Daddy ng milyon diba Hahahaha!" - Winter " Winter ano ba yang pinag iisip mo! Kumalma lang tayo .. hanggat wala pang issue na kumakalat mas mabuting manahimik na lang tayo." " So kelan tayo kikilos kapag putok na yung issue?" -Winter " Subukan niya ako mag papautok ng nguso niya" -Gianna Hinawakan ko ang kamay nila. Hindi ko naman sila masisisi dahil para na kaming mag kakapatid dito at alam kong pare parehas lang kami na gusto. Ang protektahan ang isat-isa. " Alam ba ni Austin? "  " Yon pa! Alam na alam niya nangyayari sa paligid niya kahit naka pikit pa. " -Winter " Na istress ako! Alam na natin ang baho ng cherry na yan. Masyadong madumi mag laro. " -Gianna " Hindi tayo pwede mag react agad. Let's observe first .. makikita naman natin kung may gagawin siya. Tatlo tayo dito oh." " Hindi pwedeng malaman ni kuya Huxley at Geon mayayari tayo. Ayaw pa naman nilang nadadamay tayo." -Gianna " Kung sa kanila okay lang na ginaganyan sila satin hindi. Maling galaw lang ng Cherry na yan gagawin ko yang bomba." -Winter Pinakalma ko sila bago hinatid sa kanya kanya nilang kwarto. Nang mapag isa ako ay doon ko lang naramdaman ang sobrang takot at kaba. Ayoko sa lahat ay napapahamak ang mga kapatid at pinsan ko, hindi ako ganon ka vocal sa nararamdaman ko  pero kaya kong manakit kung usapang pamilya na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD