Hindi ko maiwasang mapangiti ng makita ang ka gwapuhan ni Austin. He's wearing a green velvet tuxedo. He's freaking handsome.
" Ang gwapo mo naman Austin. Patingin nga ng dimple " -Winter
There was only one word I can describe my cousin. SEDUCTIVE. Palagi siyang tinutukso noon pa man na chic boy dahil sa kanyang awra. He's eyes were like a deep honey brown while his face features were so bold and strong, His skin was white like a ice warrior. Ngingitian ka pa lang ay inlove ka agad.
Sakto naman ang pagbaba ni Gianna at mas na pa nganga kami sa ganda nito. Kung siya ang pinaka bata saming mga babae muka naman siya ngayon ang pinaka matured.
" Wow gigi ang ganda mo!!!!"
Nilapitan ito ni Winter at niyakap. Gianna look like a princess from a disney movies. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng sobra, Napaka ganda at gwapo ng mga pinsan ko.
Maaga silang umalis kasama si Tito Allaric papunta sa Brooklyn Gala. Rules na ng pamilya na dalawa hanggang tatlo lang ang pupunta sa mga ganyang events pero kung inimbita ang buong angkan ng Henderson ay pupunta kami. Ayaw din kasi ni Daddy na mapano kami, isa pa masyadong malaki ang pamilya namin nakakahiya kung mas madami pa ang ininvite kesa sa mismong celebrant.
Andito kami ni Winter sa rooftop habang pinapanuod si Huxley at Geon na nangangabayo. Nag papaunahan silang dalawa habang si Chase ay nasa dulo at nag didilig ng mga sunflower.
Wala kami gaanong ginawa sa buong araw, sabi ni Geon na mas magandang mag pahinga na lang daw kami dahil sasalubungin namin ang Brooklyn fair bukas.
Nang nag gabi na ay kami kami lang mag pipinsan ang tao sa hapag dahil busy ang mga parents namin sa business. Kahit gabi ay nag tatrabaho ang mga ito at iyon ata ang pinaka paborito naming parte.
" Iabot mo nga yan Winter .. yan yan yung chicken " -Geon
" Paki abot din yung mussel and calamari please " -Winter
Ganyan kami kaingay sa hapag pag kami kami lang. Hindi kami makapag ingay sa harapan ng mga magulang namin dahil kahit sa hapag ay dapat prefessional kami.
Kaya minsan nawawalan kami ng gana at hindi na nakakakain ng maayos dahil sa sobrang seryoso at sobrang daming kailangan sundin, kaya sa madaling araw ay minsan nag rereunion kami sa rooftop at doon na lang tinutuloy ang naudlot na kain.
Kaya sobra namin kung protektahan ang isat-isa dahil kami lang ang mag kakampi sa loob at labas ng mansyon ng mga Henderson.
" Ikaw Louis anong gusto mo? " -Huxley
" Ahm.. yung mussel and calamari pasta rin "
Tumayo si Huxley at nilagyan ang plato ko. Tiningnan ko naman ang mga pinsan na nag eenjoy sa pagkain.
" Sana naman nakakain na si Austin at Gianna." -Chase
" Si Austin pa! Kelan ba yon nag patalo sa pagkain baka mag take out pa yon hahahaha " - Winter
Natawa naman kami doon. Sana nga andito sila dahil minsanan lang ang ganito.
" Kuya Hux paabot ng meatball please... " -Winter
Tumayo naman si Kuya at inabot sa kanya. Masaya kaming nag kwentuhan at sinulit ang bawat sandali.
" Bukas ahh huwag niyong kalimutan. eight o'clock ang laban ni Austin sa basketball kahit nirerepresent niya ang Accountancy course susuportahan pa rin natin siya. Kuya Hux! pumunta ka may laban rin si Gianna ng volleyball .. eleven o'clock. "- Winter
" I'll be there don't worry! "
Pumalakpak naman kami ni Winter. Knowing Huxley student president of engineering course, Brooklyn dean's lister and meron pa siyang training sa Henderson corporation. Sobrang busy niyang tao kaya sobrang saya namin pag nakaka pag laan siya ng oras.
" Aagahan kong pumasok para makakuha ako ng magandang pwesto. Sama ka sakin ? o magkikita kayo ni Devon?"
Hindi ko naman maiwasang masamhid, dali dali akong binigyan ni Chase ng tubig kaya mariin ko itong ininom.
" Louis naman hanggang pagkain ba iniisip mo si Devon?"
Tinakpan namin ni Geon ang bibig ni Winter kaya sumenyas ito ng sorry.
" Yung brooklyn fair kasi ang usapan .. bakit na naman napunta sa kanya? Dont bring him up .. "
Malinis kong bulong rito kaya tumango tango siya.
" Ikaw Geon bakit hindi ka sumali ng chess? " -Chase
" Tambak na ako sa business plan wala pang na approved kaya hindi ko na nabigyan ng oras. Okay lang yon andyan naman si Gianna at Austin representative ng Henderson hahahahha Ikaw bakit hindi kana sumali ng swimming? Kinukulit ako ni Jace at wala daw siyang kasama dahil puro baguhan daw ang mga sumali. " -Geon
" Kaya na yon ni Jace! Papataubin niya lahat ng nandoon." -Chase
" Anong oras ba ang laban sa swimming?"
" Tuesday pa ang swimming competition bali bukas Basketball at volleyball lang, alternate hanggang sa mag saturday for championship. " -Geon
Tumayo si Geon at kinuha ang pitcher ng orange juice saka nilagyan lahat ng baso namin.
" Cheers! Ngayon na lang ulit."
Hindi man niya banggitin alam na namin ang tinutukoy niya. Tumayo kami at nakipag cheers. Naupo naman kami ng sabay sabay saka pinasunod ang dessert sa isa naming maid.
" Waaaa I hope Austin and Gianna were here. " -Winter
" Can you please lower your voice Winter at baka mahuli tayo." -Geon
" How beautiful is it to see you guys enjoying everything. "
Sabay sabay kaming naubo ng makita si Tita Aurora na naka sandal sa gilid at namumuo ang mga luha sa mata.
Kitang kita sa reaksyon ng bawat isa ang gulat sa presensya ni Tita Aurora. Mabilis akong tumayo at inabutan ito ng tissue.
" T-Tita are you okay? "
" I'm fine Louissa .. I just can't hide my happiness. Ngayon ko lang kayo nakitang ganito kasaya .. at masaya siguro kung andito si Austin at Gianna. "
Nag lipat lipat ang tingin ko sa mga pinsan na ngayon ay hindi alam ang gagawin.
" S-Sorry Tita masyado ba kaming maingay?" -Winter
" No Winter! Hindi ingay ang ginagawa niyo .. masyadong masaya ang kwentuhan niyo at hindi ito naging maingay. Masarap mapanuod na ganito kayo. "
I looked at Huxley and Geon and they both ignored my stare.
" You don't have to hide this to me. Alam ko na nahihirapan kayo pero sana huwag niyong itago ang saya niyo sa harapan ko. Kahit sa harapan ko na lang. "
Hindi ko alam pero nakaramdaman ako ng matinding lungkot at gusto ko na ding sabayan si Tita Aurora sa pag iyak.
" Aakyat na ako para makapag dessert kayo ng maayos okay? Don't worry I'll keep your happiness as a secret. Alam kong takot kayo mag tiwala sa mga magulang niyo pero kahit sakin na lang. Huxley, Geon, Winter, Chase and Louissa. If you need someone to talk to .. share your problem with, andito ako huwag niyo akong ituring na iba. Huwag niyo ituring na sunod sunuran si Tita Aurora okay?"
Tumayo si Huxley at lumapit kay Tita Aurora para yakapin pero mas naiyak lang ito.
" Tita were sorry " -Winter
" Don't feel sorry Winter. I saw everything .. Nakikita ko kung paano kayo nahihirapan sa bawat utos, sa bawat galaw, sa bawat salita. I'm sorry I can't do anything! Siguro yung presensya ko lang ang mabibigay ko sa inyo. If you need a Mom and Dad I'm here .. I'm here."
Sabay sabay naming hinatid si Tita Aurora sa kanyang kwarto.
" Masyado niyo atang mahal ang Tita Aurora niyo at ang dami niyo pa sa pag hatid." -Tito Yousef
Napatingin kami kay Tita Aurora at kumindat lang ito samin. Hindi na namin natuloy ang pagkain ng dessert dahil sa nangyari pero masaya kami na after all these years may isa pa din pala kaming kasangga sa pamilyang ito. Kita ko ang saya sa mata ng aking kapatid at mga pinsan at hinding hindi ko makakalimutan kung paano nila pinag katiwalaan si Tita Aurora.
Maaga akong nagising para mag handa sa Brooklyn fair. Suot ang isang white v neck t-shirt at denim pants ay bumaba ako ng sala. Halos ma praning ako ng mapansin na ako na lang ang naiwan sa bahay.
" Manang asan po ang mga pinsan ko?"
" Naunang umalis si Austin at Gianna, alas singko pa lang ay gumayak na ang dalawa."
" Sila kuya po? "
" Si Huxley at Geon ay sabay umalis, pag kakarinig ko ay pinapatawag silang dalawa ng daddy mo sa office at may kailangan silang pag-usapan. Si Winter at Chase nag sabay na din at hahanap daw sila ng mauupuan niyo."
" Eh ako? Hindi man lang nila ako naalala! "
Tiningnan ko ang wrist watch at nakitang seven thirty na. Mabilis akong tumakbo sa garahe at tinawag ang driver para mag pahatid. Kinuha ko naman ang cellphone sa bag at halos masira na ang araw ng hindi ito mag on.
" Bakit ba palagi ko na lang nakakalimutang mag charge!!! "
Pagkarating na pagkarating ko sa campus ay nag tungo agad ako sa gym at halos magkalat na lahat ng studyante sa campus. Hindi ko na makita ang mga pinsan ko pati si Akiko. Hindi ko naman magamit ang cellphone dahil dead battery na ito.
" ZONARI!!!!!!! "
Lumingon naman ito ng itodo ko ang pag sigaw. Ngumiti agad ito at kuminang ang magaganda at mapupuputing ngipin. Kamukang kamuka niya ang kuya niyang si Jace.
" Hi Ate Louis! "
" Hi! May itatanong sana ako. "
" Ano po yun?" -Zonari
" Nag simula naba yung basketball?"
" Mag sisimula pa lang po. Andoon sa lower A left sila Kuya Geon, Kompleto na sila ikaw na lang ang kulang hahaha."
" OMG thank you!"
Niyakap ko ito at ngumiti siya pabalik.
" Hindi kaba sasama? "
" Aantayin ko pa po si Skylar. "
" Sige sige mauna na ako ahh. "
Nag paalam ako at mabilis na nag tungo loob ng gym. Nilibot ko naman ang left side ng lower A at nakita agad si Huxley na sumisigaw ang kutis gatas. Bumaba ako at nag tungo sa pwesto nila. Kumaway kaway naman si Winter na may hawak na lobo.
" Dyusko kanina kapa namin kinokontak!" -Winter
" Iniwan niyo kaya ako! Palagi niyo na lang ako nakakalimutan. "
" Oh sige na ito lobo oh mag checheer na tayo. " -Winter
Tumabi naman ako kay Gianna na ngayon ay naka volleyball uniform na.
" Are you okay? "
" Puyat lang .. na late kasi kami umuwi kagabi. Nakalimutan namin ni Kuya Austin na parehas pala kaming may laban. "
Na agaw ng atensyon namin ang pito mula sa referee hudyat na mag sisimula na ang laban. Lumabas na sa screen ang mga kursong mag lalaban laban.
ACCOUNTANCY vs ENGINEERING
Napatingin naman ako kay Huxley na ngayon ay naka ngisi sa court.
" Kung sumali ka pala paniguradong mag kalaban na naman kayo ni Austin. "- Geon
" Kaya nga hindi na ako sumali. Isa pa gustong gusto naman niya ang sport na yan. Kayang kaya niya makipag balyahan para lang manalo." -Huxley
Lumabas na ang mga baskteball player. Nauna ang mga player ng Engineering at nag simula ng umalingawngaw ang sigawan sa buong gym pati si Huxley, Chase at Geon ay nakiki cheer na rin kaya halos sumabog si Winter sa inis at pinag hahampas ito ng mga lobo.
" Napaka daya niyo naman ang usapan walang course na involve. Si Austin lang ang susuportahan natin."
" Sorry Wint pero proud lang na Engineering student kami hahaha" -Chase
" Eh ikaw anong pinapalakpak mo dyan Geon hindi ka naman engineering student?" -Winter
" Wala trip ko lang hahahaha" -Geon
Sunod naman na lumabas ang mga player ng Accountancy department at halos mabingi na ako sa ingay ng mga studyante.
" GO GO GO AUSTIN!" Sabay sabay naman kaming napatingin sa kanan kung nasan sila Cherry Salvador kasama ang mga kaibigan niya sa tourism at architecture.
" Panis ka pala Winter eh "
Siniko naman ni Kuya si Geon at parehas silang natawa dahil hindi maipinta ang muka ni Winter sa inis. Nagulat ako ng agawin ni Gianna ang lobo sakin at tumayo sa grills.
" GO KUYA AUSTIN!!!! KUYA NAMIN YAN" -Gianna
" HENDERSON YAN !!!!!!! " gatong ni Winter
Tawang tawa naman kaming tatlo ng hatakin ni Winter si Chase at inutusan maki cheer.
" GO ENGINEERING " sigaw ng mga studyante na naka kulay orange.
" Walang hiyang mga kwek kwek to napaka ingay! " -Winter
" Hoy anong kwek kwek! course namin yan! " -Chase
Hindi naman mapigilan ni Geon at Huxley ang matawa ng si Winter at Chase na ang mag away. Hindi kami maka panuood ng maayos dahil sa girian nilang dalawa dahil sa kulay ng mga courses nila.
Winter teasing engineering student as a kwek kwek, while Chase teasing Architecture student as a teletabies.
Natapos ang basketball game sa score na 65-78 at hindi mag kamayaw si Winter at Gianna ng manalo ang team nila Austin.
" Maraming tao sa cafetria doon na lang tayo sa parking lot kumain. Nag pa take out na ako at nasa likuran na ng sasakyan. "
Pinag titinginan kami ng mga studyante ng mag lakad na kami sa hallway papunta sa parking lot. Yung iba ay kumukuha pa ng litrato at yung iba ay sumusubok lumapit kay Huxley at Geon pero nauunahan ng hiya dahil sa mataray na awra ni Winter.
Sabay sabay kaming nag tungo sa parking lot at pumesto sa likuran ng kotse ni Huxley at Geon para kumain ng pinaorder nilang pagkain galing sa isang fast food chain. Inantay muna naming maka pag shower si Austin at sabay sabay kumain.
" Congrats Austin. "
Inunahan ko na itong lapitan habang may hawak pang styro.
" Salamat! Ang lakas ng engineering ngayon, kung nag laro ka siguro Hux tambak kami hahahaha."
" Wala na ako sa kondisyon. Isa pa kalahati ng score eh puntos mo" -Huxley
Sabay sabay naman kami kumain at as usual Winter being herself again. Pinagalitan ang mga studyanteng kuha ng kuha sa kanya ng letrato.
" Hoy doon nga muna kayo at naalibadbaran ako kakuha niyo ng letrato."
Yumuko naman ang mga freshmen at nagsi alisan. Bawat tumitingin samin ay sinusungitan niya para daw makaka kain kami ng maayos. Nasanay naman na rin kami na kilalang kilala si Winter sa Brooklyn University. Last year ng Brooklyn fair ay nag karoon ng King & Queen Brooklyn University at siya ang nag uwi ng korona. Tuwing may competion ng pagandahan si Winter ang nangunguna sa listahan pero ngayong year lang tinanggal ang competition dahil wala gaanong nag vote rito.
" Narinig mo ba ang cheer namin Austin? Dyusko halos makipag away ako sa engineering student! " -Winter
" Oo narinig ko. Sinasakop ng boses mo ang buong gym Winter."
Ginulo naman ni Austin ang buhok nito. Nag ligpit kami ng kinainan bago mag tungo sa field kung saan gaganapin ang laban ng volleyball.
" Samgyupsal tayo mamaya? May bagong bukas na shop doon malapit sa west. " -Austin
" Barbeque party? Sa rooftop na lang!" -Winter
" Samgyupsal Winter .. Samgyupsal " -Austin
" Duh? Parehas lang yon grill pork ..grill beef or what so ever! Barbeque pa din" -Winter
Napakamot na lang si Austin at hindi na pinatulan si Winter at baka sila pa ang magka giraan sa laban ng volleyball. Pumwesto kami malapit sa bench nila Gianna dala dala ang mga lobo kanina ay hawak na ito ngayon ni Winter, Austin at Chase.
" Tingnan mo yung kapatid mo Geon akala mo palaging may kaaway eh."
Mahinang bulong ni Austin.
" Game face tawag dyan! Huwag mong patawanin at baka hindi maka puntos mayari na naman tayo hahaha. "
Natawa naman kaming lahat ng maalala ang laban ni Gianna last year. Na distract ito sa comment ni Austin na " Akala mo manununtok eh". Natamaan ito ng bola at napahiya kahit nag mvp siya last year feeling ay feeling niya ay talunan pa rin siya dahil sa pagkakaka pahiya niya.
Kaya tuwing may laban si Gianna ay hindi kami nag kukwentuhan o nag aasaran kasi mabilis itong ma distract. Nag simula na ang game at ang kalaban nila ay Achitecture student.
" Ngayon ka mag cheer Winter! " pang buburyo ni Chase na ikina ngisi ng mga lalaki.
" GO GIANNA!!!! "
Napatakip naman kami ng bibig ng harap harapan niyang trydurin ang kurso.
" Winter Architecture tayo! "
Sigaw nila Marge kasama sila Cherry.
" Pakielam ko sa Architecture eh pinsan ko yung nag lalaro! Kayo nga kanina nag checheer sa accountancy pero architecture and tourism kayo diba? .. diba?"
Hindi naka sagot ang mga ito kaya inirapan sila ni Winter. Inakbayan naman ni Austin ang pinsan at kinurot kurot ang pisnge dahil kanina pa ito high blood.
" Pag bigyan niyo na at natanggal ang Ms.Brooklyn sa competition .. hindi siya maka pag inarte hahaha " -Geon
" Sige lang Geon plastikin mo pa ako naririnig kita. " -Winter
Inabot naman ni Huxley ang mahahabang buhok ni Winter at ginulo.
" Calm down Sapphire! " -Huxley
Nang maka spike si Gianna at naka puntos ay sabay sabay kaming tumayo at nag sigawan. Wala na atang makaka lagpas sa tili ni Winter kaya si Austin na mismo ang nag takip sa bunganga nito.
Naging mainit ang laban ng dalawang kurso kitang kita din ang pagod sa muka ni Gianna. Pawis na pawis ito at naka kunot na ang noo. Napatingin naman kami kay Geon ng lumapit ito sa bunsong kapatid at inabutan ng bimpo at energy drink.
" Awwww ang sweet"
Rinig na rinig namin ang komento ng bawat isa. Bumalik si Geon sa tabi ni Chase at may binulong rito kaya hindi ko na lang pinansin.
" Comfort room lang ako "
" Samahan kita?" -Winter
" Hindi na! Saglit lang ako. "
Mabilis akong nag lakad patungo sa comfort room. Nang matapos ay lumabas din ako at halos atakihin sa puso ng makita si Devon sa harapan ko.
Hawak hawak ko ang dibdib sa sobrang gulat. Mas dumoble ang kabog nito ng mapansin ang kagwapuhan ni Devon. He's wearing a simple polo shirt.
" Did I scare you? Louissa?"
Umiling iling naman ako at mas kinabahan pa ng mag tama ang aming mga mata. Tumayo ako ng diretsyo at ngumiti sa kanya.
" Hi "
I waved at him and he smiled back.
" Hello Beautiful. "
" Kanina ka pa dyan? "
Turo ko sa poste kung nasan siya naka sandal.
" Not really. I've been texting you since yesterday.. did you receive it? " Kinuha ko naman ang cellphone sa bag at na realize na dead battery ito. Pinakita ko ito sa kanya kaya tumango tango naman siya.
" Sorry hindi kasi ako mahilig mag cellphone kaya nakaka ligtaan kong icharge "
" It's alright! Nakasamhid naman ako sayo mula kanina kaya alam ko din kung anong nangyayari sayo. "
I can't help but to smile. Nagulat ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at dinala sa pathway kung nasaan naka hilera ang mga booth.
" Anong gusto mong laruin? " Tiningnan ko naman ang paligid at napansin na kami lang ang nandito dahil nanunuod lahat ng studyante sa laban ng volleyball.
" Are we going to play? " Natatawa kong tanong kaya natawa na din ito.
" Dalawang araw ako nalumbay kaya susulitin ko na. Okay lang ba?"
Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.
" Nalumbay? May nangyari ba?"
Umiling ito at ngumisi tila ba natutuwa siya sa expression ko.
" My innocent Louissa. Come here let's play this one. "
Hinatak niya ako sa isa sa mga kulay asul na booth, isang basketball game kailangan mong maka five hundread points sa loob ng dalawang minuto bago ka nila bigyan ng isang malaking stuff toy.
" D-Devon hindi ako marunong mag basketball. "
" It's okay .. Just cheer me like what you did in Austin and Gianna game."
Tumango tango naman ako at nag simula na siyang mag bayad. Binigyan naman siya ng tatlong bola, pumwesto ito sa gitna at nag simula ng ishoot ang mga bola. Nanlalaki naman ang mata kong pinanuod ito dahil ang bilis niya tumira.
" Wow .. "
Hindi ko maiwasang mapapalakpak dahil sa galing niya. Kung nag laro siya sa engineering team ay paniguradong tambak sila Austin.
" Thirty second Devon .. you almost there. "
I heard his chuckle. Sunod sunod niyang binato ang mga bola at walang mintis kahit na isa. Inabangan namin ang score board at halos mag sisigaw ako ng lumabas ay seven hundread.
Nagsisi tili ako at napayakap kay Devon.
" Omy gash omy gash you did it! Ang galing mo. Ikaw yung bagong high score! "
Nagulat naman ako ng mabilis niyang inilayo ang katawan sakin at doon ko lang na realize na masyado akong na excite at hindi na nakilala ang sarili.
" I-Im sorry .."
Hawak hawak niya ang dibdib habang naka ngisi.
" The way you giggle .. the way you hold me make my heart smile Louissa. Are you even real? "
Sinapo niya noo at umiling tila ba na fufrustrate siya sa ginawa ko.
" I'm sorry Devon! Natuwa lang ako dahil mas magaling kapa kay Austin at Huxley."
Kita ko kung paano niya kinalma ang sarili at tumingin sakin sabay iling.
" Pili na po kayo ng price maam."
" What do you want Louissa?"
Kalmado na siya ngayon habang naka pamewang. Tumingala naman ako at sinilip ang mga malalaking stuff toy na naka sabit sa itaas ng stall.
" I want the blue one. "
Turo ko sa isang teddy bear na kulay asul. Ibinigay naman niya ito sakin pero kinuha rin ni Devon, siya muna daw ang mag bibitbit habang hindi pa ako umuuwi.
Nilibot namin lahat ng klase ng booth, hindi ko maitago ang saya feeling ko ay abot langit na ang ngiti ko. Ngayon na lang ata ako sumaya ng ganito.
Lumapit ako sa isang ice-cream booth at tiningnan ang mga flavor sa menu.
" What do you want? They have chocolate, vanilla, pandan, melon and taro. "
" Chocolate. " Humugot ito ng pera sa bulsa pero inunahan ko na at mabilis ibinigay ang isang daan sa tindero.
" I'll pay for that Louissa!"
" One chocolate and one vanilla please. "
Nag bingi bingihan ako pero hindi na siya naka tiis at hinarap ako sa kanya.
" Louissa"
" You almost pay for everything Devon. Wala akong ginawa kung hindi pumalakpak at ngumiti napaka unfair naman non kung pati ice-cream ipapabayad ko sayo. "
Ibinigay ng tindero ang ice-cream namin, inubos namin yon hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Hindi ko naman maiwasang maapektuhan ng makitang malungkot ito, feeling ko kasalanan ko kung bakit naka kunot ang makakapal niyang kilay.
" Devon .. Ice-cream lang naman yon. Gusto kong may iaambag din ako para kahit papaano mapasaya kita. "
" I saved this money for you Louissa. Gusto kong itry lahat ng booth dito kasama ka. Hindi ako nag overtime ng sabado at linggo para lang hindi magastos lahat ng ito. "
I look directly into his eyes. Hindi ko maiwasang manlambot sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang mag sakripisyo ng ganyan para lang sakin?
" W-Why do you have to do that Devon? Hindi mo naman kailangang unahin ako, mas marami pang importanteng bagay na ..."
I'm shocked when he cut me off
" When you love someone you put them first Louissa. "
Nanginginig akong tumitig dito. His commander deep gray eyes held a truth that his intention is true and pure.
" A-Are you confessing ?"
Lumapit ito sakin at pumantay. Gusto niyang tingnan ko siya sa mata at yon nga ang ginawa ko. Kabado man sa sagot ay mas pinili kong tatagan ang loob kahit nanlalambot na ang mga tuhod ay mas pinili kong itayo ito ng diretsyo.
" Louissa when I looked into your eyes, I didn't see just you, but I saw my future for the rest of my life. "
The way he looked at me was like every once of my breath was taken from my lungs, floating everywhere.
Humakbang siyang muli at mas lumalim ang titig tila walang balak kumurap.
"I didn't fall in love with you because you're beautiful or your part of the most richest family in the world .. I fell in love with you because after getting to know you, I realized that I wanted to make you a permanent part of my life Louissa .. and yes I'm confessing .. I like you and ... I love you "