Chapter 10

2763 Words
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob tumayo sa harapan niya. Lahat na ata ng dugo ay napunta na sa pag mumuka ko habang siya ay prenteng prenteng nakatitig sa aking mga mata. " D-Devon .." Sinusubukan kong humanap ng tamang salita pero tuluyan na ngang nag bara ang aking lalamunan. Lumapit ito sakin at halos magwala ang aking puso. " You don't have to answer Louissa. Sinasabi ko lang ang nararamdaman ko sayo ... hindi mo kailangang sumagot. " Tumango tango naman ako at tiningnan ulit ito pabalik na ngayon ay naka ngiti na sakin. Ginulo niya ang buhok ko at tumawa. " Don't give me that look Louissa. " " H-Hindi ko alam .. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko .." Nauutal ako pero nakuha pa din niyang ngumiti. " I bet this is not the first time you heard a confession. " " T-This is the first time D-Devon" Nanlaki naman ang mga mata niya tila ba hindi siya maka paniwala sa mga sinasabi ko. " They can't do that because ... because .. " " Because?" " They all afraid of my ... family. " Halos atakihin ako sa puso ng marinig ang boses ni Austin. " Grabi yung comfort room mo Louissa mahigit dalawang oras hahahaha" -Austin Naputol ang titigan namin ni Devon ng makita ko ang buong pinsan at kapatid na papalapit sa pwesto namin. I saw Gianna and Winter smirked when they saw Devon serious look while holding my blue stuffed toy.  " Si .. Si Devon " Hindi ko alam bakit pinapakilala ko siya eh kilala naman siya ng mga ito. " Hi I'm Winter Sapphire HENDERSON." Tinanggap naman ni Devon ang kamay nito at nginitian ganon din ang ginawa ni Gianna hindi ko alam kung seryoso sila o nang aasar lang. " Si Devon .. " Ulit ko habang naka tingin kay Huxley, Austin, Geon at Chase. Tinanguan lang nila ito at napatingin sakin si Austin na may malalapad na ngisi. Hindi ko alam kung ako lang ang nakakaramdaman ng akwardness dahil sa nararamdamang pawis sa likod at noo. " Tumawag na kami kay Daddy,  Sa labas na tayo mag didinner. " -Geon " Ahh. Samgyupsal? " " Let's go.. gutom na gutom na ako. " -Chase Napatingin naman ako kay Devon na naka ngiti sakin mag papaalam na sana na ako ng akbayan ito ni Austin kaya nilakihan ko ito ng mata dahil nag mumuka siyang feeling close. " Aust removed your arm. " Bulong ko dito pero mas nagulat ako ng mariin niyang tapikin ang tyan nito. I don't want him to feel uncomfortable but my cousin really getting into my nerves.  " Sama kana pre. " Napalunok naman ako dito ng ayain niya pa.  " Is that okay?" Sasagot na sana ako ng unahan na naman nila ako.  " Of course Devon! Bakit naman hindi ? " -Winter  " Is that fine  with you? " Para akong nalulusaw ng ibalik niya sakin ang tanong. Napatingin naman ako sa lahat na ngayon nag aantay ng sagot ko kaya wala akong magawa kung hindi tumingin kay Kuya para sa permiso. " Nag pa reserve ako para sa sampong tao Louis. I invite Jace and Zorina .. pang sampo na si Devon. " Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya. Bakit naman niya yon gagawin? " Sakin na sasabay si Louis and Devon. " Parang may kung anong connection sa tingin ni Kuya at Devon. Sabay silang nag punta sa driver and front seat, Tinulak naman ako ni Gianna at Winter sumesenyas na sumunod na ako at baka mag bago pa ang isip ni Huxley. " Go! " Mabilis akong sumakay sa back seat ng kotse ni Huxley habang nasa unahan silang dalawa ay abot abot ang kaba ko. I saw Devon looking at the mirror kaya nag iwas agad ako ng tingin. Nag simula ng mag maneho si Huxley at seryoso itong naka tingin sa daan habang tahimik naman si Devon sa gilid. " Nakapasa kana ng blueprint?" Nagulat naman ako ng mag salita si Kuya at malamang hindi ako ang kausap niya dahil ano bang alam ko sa blueprint na yan. " Ipinasa ko na kanina kay Sir. Dimenseo, ikaw ba?" " I already passed it. How's your training with Garshfield? " " I asked them to stop the special treatment .. It's unfair. " Natawa naman si Kuya may pinag usapan pa sila tungkol sa mga subject nila at mga kinakainisan na professor hanggang sa hindi ko na napigilan ang bibig. " Ngayon ko lang narinig yon" Singit ko sa dalawa kaya napatingin sakin si Huxley. " What?" " The Garshfield? .. Is that a local company? " Parehas ko silang sinilip na nag iwas ng tingin. Huxley bite his lips while Devon gently touching his chin. " Hey I'm talking to you! " Kinaway kaway ko ang kamay dahil sa kanilang pananahimik. " We're here. " Sinilip ko ang lugar at napanguso na lang dahil sa naudlot nilang pag sagot. Naabutan namin si Jace at Zorina na naka upo na sa lamesa at kitang kita ang reaksyon ng dalawang mag kapatid ng makita si Devon sa gilid ko. Tinuro ni Jace si Devon at natawa. " Kasama niyo pala tong si pogi! " Nilapitan ito ni Jace at niyakap. " Close kayo?" -Winter " Seatmeat ko to sa dalawang subject eh hahahaha. Buti sinama ka ng mga to? "-Jace " They invited me. " " Kumain na tayo masyadong kang maingay Jace " Napanganga naman si Jace sa pag singit ni Gianna. Sasagot pa sana ito ng hilain na siya ni Geon para makaupo. Walang sabi sabi namang umupo si Devon sa kaliwa ko at mas kinabahan ng tumabi si Huxley sa kanan. Being in the middle of them makes me tremble. Biruin mo na parehas silang may seryosong muka at hindi ako makilos ng maayos. " Where's Akiko ate Louis?" -Zonari " Tumawag siya kanina kay Winter .. may pinuntahan sila ni Tita Alice, baka bukas pa siya pumasok. " Tumango tango naman ito at ngumiti. Dumating na ang mga karne at kanya kanya na silang luto habang ako ay nakatitig lang sa lettuce sa harapan ko. " What do you want?" Hindi ko man iikot ang buong paningin alam kong pinapanuod nila kami ni Devon. Hindi naman ako maka sagot dahil sa hiya at awkwardness. Kumuha ng beef bulgogi si Devon at isinawsaw sa melted cheese at maganda niya itong binalot sa lettuce. " Try this one." Napatingin ako dito na isusubo ang lettuce sa bibig ko pero hindi natuloy dahil sa eksena ni Austin. Nauubo itong humingi ng tubig, nag tama ang paningin namin kaya sinamaan ko siya ng tingin at mas lalo itong naubo. Mabilis akong humarap kay Devon at tinanggap ang hawak niyang lettuce at halos mabulunan na din ako ng maubo si Chase at Jace. Mariin akong lumapit kay Devon at binulungan ito. " Hindi sila sanay. " " Sorry " Napatingin silang lahat kay Devon na walang habas na humingi ng paumanhin. " Can you guys please mind your own food. Let them do their thing. " Maarteng pahapyaw ni Winter na nag eenjoy sa pagkain. Ako na mismo ang nag luto at nag balot ng pagkain dahil sa hiya. Busog na busog kaming natahimik sa lamesa. " Hoy huwag niyong kalimutang manuod ng laban ko ahh." Taas baba ang kilay ni Jace habang iniikot ang paningin. " What time is it again?" Nanlaki naman ang mata nito ng mag tanong si Gianna, Naka ngisi si Geon at Austin ng hindi maka sagot si Jace. " I'm asking you Jace what time is your game?" Si Gianna na ngayon ang naka ngisi sa kanya, habang pinapanuod namin siyang natulala.  " Nine in the morning." " Oh Nine in the morning daw ... panuorin niyo siya. " " Hindi ka manunuod?" Inekis ni Geon ang braso habang naka ngiti, lahat ng atensyon ay na sa kanila. " Why would I? You didn't even watch my game remember?" " M-May training ako Gianna." " Not my problem anymore. " Nginisian nito si Jace at tumayo bitbit ang bag. Iling iling ang mga pinsan ko habang inaasar si Jace na hindi man lang naka sagot. Hindi rin kami nag tagal sa kanya kanya naming upuan at pumunta na sa parking lot para makauwi. Nag taka naman ako ng nanatiling naka tayo si Devon sa harapan ng kotse ni Huxley. " Mauna na kayo Hux. " Napatingin sakin si Huxley at binalik kay Devon na ngayon ay preteng prenteng naka tayo sa harapan ko. " Salamat. " -Devon " Anytime. " -Huxley Pumasok na si Kuya sa driver seat habang ako ay naka tanga sa labas at tinitingnan ang mga sasakyan ng pinsan ko na isa isang nag aalisan na. " You should go inside Louissa. " Napatingin ako kay Devon na naka ngiti sakin. " H-Hindi kaba sasabay?" Ngumisi ito at umiling. Halos tambulin na naman ang puso ko ng lumapit ito at inayos ang mga takas kong buhok. " Are you happy today?" Hindi na ako nahiyang ngumiti at tumango. " Sobrang saya ko. " " I'm happy too. I met your cousins and friend .. I saw you. I'm satisfied." " Mag chacharge na ako ng phone pag uwi." Natawa naman siya sa sagot ko. " I wont be around tomorrow. I have an important meeting to attend. " " Is it about your projects or blueprint?" Umiling ito at ngumiti. " Magkikita kami ng mga kapatid ko. " This is the first time that he mention his family after her cousin Kinnley. Siguro mag tatanong na lang ako kapag pumasok siya sa Wednesday. " Papasok ka sa Wednesday?" Hinihiling na sana pumasok siya para makasama ko ulit at makapag laro kami sa mga booth. " Yes. " I can't hide my happiness. Magkikita pa kami. " You should go inside, your brother is waiting. " Iikot na sana ako para maka punta sa front seat pero napa hinto sa gustong gawin. I walk toward him and give him a quick hug. Kitang kita ang gulat sa kanyang malalalim na mata. " Thank you for today Devon. I appreciate everything and ... I can't wait to see you on Wednesday. " Hindi kona inantay ang sagot nito at mabilis  ng nag lakad papunta sa frontseat door. Nahuli ko namang naka nguso si Huxley hindi ko na lang ito pinansin at hinayaang mag maneho hanggang sa makarating kami sa mansyon. " Go to your daddy office Louissa .. kanina ka pa niya inaantay.  " Humalik muna ako sa pisnge ni Tita Gana bago mag tungo sa office ni Daddy, naabutan ko itong nag babasa ng kung ano kaharap si Mommy. Lumapit ako sa dalawa para humalik at yumakap. " How's Brooklyn university anak?" " Nag enjoy po ako Mom." Yumakap ako dito at inayos niya ang buhok ko. " Huwag kana mag pa baby sa mommy mo at damulag kana. " " I'm your unica hija Daddy remember? " Natawa naman si Daddy at ibinaba ang salamin pati ang makakapal na papel na hawak niya. " We need to talk about something Louis, sit down." Umupo naman ako sa harapan ni Mommy at Daddy. Nakatingin sila sakin tila ba inantay na mag salita ako. " Tungkol po saan Dad?" Kinakabahan akong napatingin dito, Sana hindi pa nakarating sa kanila ang pag eenjoy namin ni Devon sa Brooklyn university. " About your eighteen birthday Louissa. Nakalimutan mo na ata na mag bibirthday kana next month. " Napatakip naman ako sa bibig ng makalimutan na ang sariling kaarawan. I've been pre occupied for the past week, nawala na isip ko. Napag usapan namin iyon bago mag simula ang klase, Si Winter pa ang nag suggest na siya ang bahala sa theme ng debut ko at si Gianna na ang bahala sa buong dessert. " What's your plan or should I say do you have a plan?" " Give me a week daddy pag iisipan kong mabuti. " Tumango tango naman ito at tumingin kay mommy. " Kung maka isip kana sabihin mo kaagad sakin okay? " " Mag papatulong po ako kay Gianna at Winter. " Nag tanong pa sila kung kamusta ang mga subject ko at hindi na naman maiwasan ni Daddy na mag tanong tungkol kay Jace. Nang matapos ang pag uusap namin ay umakyat na kaagad ako sa kwarto at halos atakihin ako sa puso ng makita si Huxley na naka upo sa study table ko. Kitang kita ang pag aalala sa mata. " Are you okay? What did they tell you?" Sunod sunod niyang tanong, inilapag ko ang bag at umupo sa kama. " Nag tanong lang sila about my plans for my eighteen birthday." Napabuntong hininga siya ng malalim para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib. " Anyway what brings you here?" " Let's talk about you and Devon. " Nagulat naman ako ng banggitin niya ito. Inexpect ko ng sesermunan niya ako dahil sa mga nangyari kaya hinayaan ko na siyang mag salita.  " I'm sorry. " " Kayo na?" Napaangat ang ulo ko habang namimilog ang mata. What did he just say? " Huh?" " Kayo naba?" Umiling iling naman ako dito. " Hindi kuya. Walang kami .. mag kaibigan lang kami. " " May mag kaibigan bang nag yayakapan at nag susubuan?" Napalunok naman ako sa tanong niya, hindi ko naman ito masagot dahil naalala ang ginawang pag subo ni Devon ng lettuce at ang pag yakap ko sa kanya kanina bago pumasok sa kotse.  " Ano Louis? Isang tanong pa lang yan. Ano kayo naba?" " Hindi pa kuya." " Hindi pa? so may chance?" Napa hilamos naman ako sa sarili kong palad ng hindi maka sagot ng maayos. Hinuhuli niya talaga ako.  " Kuya you making me nervous!!" " Its answerable by yes or no .. anong mahirap doon? huwag kang mag sinungaling para hindi ka mahirapan. Answer me with a truth!" " He confessed!  he likes .. loves me."  " And?" " Anong and?" " You didn't answer him?"  " Hindi! Hindi naman siya nag tanong kung gusto ko siya ..  hindi naman ako bulag Huxley, I feel the same way. Hindi ko siya sinagot kasi hindi ako sigurado kung hanggang kelan to .. hindi ako sigurado kung tatagal to, paniguradong alam ni Devon kung anong meron sa pamilya natin at ayokong sagutin siya na OO GUSTO DIN KITA kasi baka pag dilat ko boom! William time na naman " " That's why I'm here Louis. Gusto kong ipaalala sayo na isa kang Henderson. " Tumango tango ako dito, malulungkot ang mata ng kapatid ko. " Ineenjoy ko yung ganito kasi .. I've never been this happy in my whole life. Iba yung saya ko kapag kasama ko si Devon, Totoo lahat ng saya at hindi na kailangan pekein pero hindi naman nawawala sa isip ko na isa akong Henderson, Na hindi ko hawak ang desisyon kung sino ang mamahalin ko. Kaya hanggat andyan .. ineenjoy ko na lang kuya. " " I saw the gloomy in your eyes Louis. Nakikita naming lahat kung gaano ka kasaya .. all we want is your happiness but I'm reminding you that we're living in Henderson roof, no but's but to follow." Tumango tango naman ako ng maintindihan ang gustong niyang iparating. Pare parehas lang naman kaming sunod sunuran sa pamilya at alam kong nararamdaman nila kung anong nararamdaman ko. " Don't give me that look Louis! " " Minsan kasi naiisip ko na bakit ganon? bakit ang daya .. bakit kailangan may limitasyon sa lahat? B..Bakit sila nag kakaganyan?" Lumapit ito sakin para bigyan ako ng yakap. " Hindi ako mag sasawang ipaalala sayo Louis na kailangan mong mag ingat .. na kailangain niyong mag ingat. I've never seen you genuinely happy Louis .. iba yung saya mo kapag si Devon ang kasama mo. " Hindi ko man sabihin pero sa kabila ng pagiging strikto ni Huxley siya at siya pa rin ang tatakbuhan ko sa dulo. " Thank you Kuya. " Niyakap niya ako at hinalikan sa noo and I'm being my self again .. being soft and emotional. " Handa akong mag sakripisyo para sayo, para kay Chase at para sa mga pinsan mo Louis ganon ko kayo kamahal. " I looked at him and saw how sincere his eyes, how sincere his word and I realized that he sacrificing his own happiness for the sake of someone else ... and I think that's the greatest sacrifices I've ever seen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD