" Omg! Its a mutual feelings"
Andito kami sa bench ni Akiko habang inaantay ang laban ng swimming. Ikinukwento ko sa kanya lahat ng nangyari kahapon. Hindi naman niya mapigilang kiligin dahil hindi niya ma imagine na nag eenjoy kaming dalawa ni Devon sa booth at parang nag date na din, in the other hand hindi niya maiwasang malungkot dahil gusto niyang andoon din siya sa samgyupsalan at katabi din si Geon.
" Timing kasi si Damien eh! Sayang talaga."
Damien is Akiko older brother. Damien is 3 years older than Huxley and he choose to live and pursue his career in US. Umuuwi lang ito dito dahil namimiss niya ang kapatid na babae. Na kwento ni Akiko na ayaw ipaalam ng Mommy niya na may kapatid siya ganon din si Damien dahil gusto nito ng tahimik na buhay. Tho hawak niya ang main branch ng Scott Group. Hindi siya gaanong kilala dahil meron siyang acting CEO.
Kung may nakakaalam man na may kapatid si Akiko ay si Huxley lang dahil minsan nahuli niya kaming nag uusap pero knowing Huxley hindi naman siya kasing daldal ni Geon at mas lalo na ni Austin kaya kahit anong sikreto ang sabihin mo doon ay hindi makakalabas.
" Nakauwi na ba siya?"
" Oo. Nasa Makati na siya ngayon may binili kasi siyang condo doon para may tuluyan siya if ever gusto niya mag bakasyon dito. One month lang naman siya dito tapos babalik na din sa America."
" Oh! Edi ma iinvite ko pala siya sa debut ko?"
Napatakip naman ng bibig si Akiko tila nagulat sa sinabi ko.
" Omg! Malapit na pala ang birthday mo, anong plano mo? saan mo gaganapin?"
" Ganyan din ang tanong ni Daddy at Mommy, as usual wala pa dahil ako mismo ay nakalimutan ko. Hindi ko pa alam. "
" Paniguradong engrande yan! Si Tito William pa ayaw mag pa talo hahahaha."
" Tara na mag sisimula na ang laban. "
Nagulat ako ng mabilis na humawak si Akiko sakin, ganyang ganyan siya kapag kaharap si Geon. Akala mo palaging nakakita ng multo.
" Asan si Kuya Hux?"
" Andoon na sila. "
" Si Gianna hindi talaga manunuod?"
" Maniwala ka naman doon, naka samid lang yon sa pagilid hahahahaha."
Sabay kaming pumunta sa swimming pool area kung saan naka pwesto na ang mga studyante para manuod. Sumunod naman kami kay Geon na ngayon patungo na sa pwesto nila kuya Huxley.
Lumapit naman si Winter para makibeso kay Akiko, hinatak niya ito at binigyan na naman ng lobo kaya natawa kami. Nag simula na ang laban ng swimming. Hindi ako mapakawal kakahanap sa pinsan ko. Hindi ko lang talaga maiwasan na kulang kami.
" Asan nga si Gianna? "
Bulong ko kay Geon pero tumawa lang ito at ngumuso sa upper box sa may entrance. Hulma pa lang ng katawan ay alam ko ng si Gianna. She's wearing a black hoodie and black sunglasses, iniwas kona ang paningin bago niya pa ako mahuli.
" How did you know?"
" Kapatid ko yan Louis, malamang kikilos pa lang yan alam ko na agad"
" Ayaw naman mag cheer ni Akiko "
Sumbong ni Winter kaya natawa kaming lahat. Natural kinabibwisitan niya ang lalaking chinicheer nila.
" Nag eenjoy sa panunuod bunso mo ahh. "
Siko ni Austin kay Geon pero ang paningin ng dalawa ay nasa pool area. Si Huxley at Chase na lang ata ang seryoso sa panunuod dahil busy na kaming pinag chichismisan si Gianna.
" Nakita mo din Austin? " mahina kong bulong dito
" Natural! Sino ba namang mag jajacket ng ganyan ka kapal dito hahahaha."
Hindi naman namin mapigalang tatlo na matawa kaya naagaw namin ang atensyon ni Huxley. Kumunot ang makakapal niyang kilay at umigting ang panga tila naiinis at hindi namin siya sinasama sa kwentuhan naming tatlo.
" What are you laughing at?"
Sumiksik ito kay Austin para ibulong sa kanya, nung naibulong ni Austin ay hindi rin niya maiwasang matawa.
" Huwag kayong mag pahalata at baka mayari tayo hahahaha" -Geon
Hindi namin napanuod kung ano ang nangyari dahil sa kakatawa hanggang sa iannounce na lang na first place si Jace, expected na namin na siya ang makakakuha ng first place pero hindi namin expected na kakainin ni Gianna ang pride niya para lang makanuod ng laban ni Jace.
After the game I received a message from Devon.
To: Devon
I'm with my brother and cousin. How's your second day ?
Nag tipa naman ako ng reply.
Louissa: Nanalo si Jace sa swimming competition, papunta na kami sa likod ng admin building para mag lunch. enjoy your time with your family.
Nag tungo na kami sa likod ng admin building at naka handa na ang pina service ni Geon na pagkain galing sa mansyon. Nakalapag ito sa isang malaki at malawak na tela para bang mag pipicknik kaming mag pipinsan.
Kanya kanya kaming pwesto sa at sakto naman ang pag dating ni Gianna na iba na ang suot. She's wearing a plain yellow shirt with a combination of black skirt and black boots.
" Goshh Gianna hindi mo napanuod yung laban ni Jace iniwan niya lahat ng player. "
Umupo ito sa tabi ni Akiko at kumuha na din ng pagkain, Huxley, Austin and Geon watching her.
" Like what I've said. Hindi ko trip ang sport na yan !" maarte niyang sagot
" Duh? hindi ka lang nanunuod kasi hindi ka niya pinanuod kahapon. " ganti ni Winter
" I don't care about him Winter. Anong connect naman ng hindi niya ako pinanuod kaya hindi ko din siya pinanuod? Papanuorin ko yung gusto kong panuorin. "
" Napaka daya mo Gianna! Paniguradong papanuorin ka bukas ni Jace kasi wala siyang laban tapos hindi mo man lang siya ma suportahan?" -Winter
" What are you guys smirking at?"
Mataray na tinuro ni Gianna si Huxley, Austin at Geon at sabay sabay naman silang umiling.
" Hayaan mo na lang siya Winter kung ayaw niya manuod edi huwag niya diba? " -Austin
" Exactly! " -Gianna
Hindi na napigilan ni Geon ang matawa ng tuluyan. Pinapalabas na naman kasi ni Gianna na wala siyang pakielam pero alam naman naming apat ang totoo.
Natapos na kami kumain at nag paalam na si Huxley na haft day lang siya dahil marami siyang kailangan tapusin babawi na lang daw ito bukas kapag natapos na siya sa pang huling report.
Aaminin ko na hindi ako ganon kasaya hindi katulad kahapon. Kahit maingay at nag kakatuwan ang kaibigan, pinsan at kapatid ko ay parang may kulang sakin. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Devon at pag kikita ng mga kapatid niya, hindi na siya naka pag reply sakin ayoko naman guluhin at baka importante ang pag kikita nila.
Hanggang sa nakauwi ako ay nag aantay ako ng text mula kay Devon kaya hindi ko na napigilang mag iwan ng mensahe dahil sa pag aalala.
To: Devon
Papasok ka bukas?
Nakatulugan ko na ang pag aantay ng sagot niya at hanggang mag umaga ay hindi pa din siya nag reply. Nag ayos na lang ako ng sarili at sumabay kay Chase papunta ng campus, ayoko man pansinin pero sobra naman ata ang hitsura nito.
" Sino na namang pinopormahan mo?"
" Pinopormahan? Kahit anong porma ko wala din namang kwenta. Hindi ko naman hawak kung sino gugustuhin ko."
" Pinaparinggan mo ba ako?"
" Tinamaan ka naman."
Hindi ko naman maiwasang sabunutan siya kahit nasa kalagitnaan siya ng pag mamaneho.
" Sinasabi mo bang walang ka kwenta kwenta yung mga na nararamdaman ko?"
" Totoong sagot ba yung gusto mong marinig ate Louis?"
Sumeryoso naman ito ng tingin sa daan. Inayos ko ang pagkaka upo at hinayaan siyang mag salita.
" Masaya kami ate Louis. Yung nararamdaman mo na saya kapag kasama mo si Devon nararamdaman din namin. Ngayon ka lang namin nakitang papalipad yung ngiti tuwing mag kasama kayo. Sa simpleng kwentuhan niyo nawawala na agad yung mata mo, nararamdaman namin yung totoong saya mo pero bilang isang kapatid alam mo namang na si daddy pa din ang pipili ng makakasama natin, ng iibigin kahit labag man sa loob natin kailangan nating sundin."
"I know chase. I know"
" Isang maling desisyon lang natin o isang pag tataksil ang gawin natin sa utos niya, it's either itakwil niya tayo o pahirapan habang buhay. Hindi na natin kailangan tanungin kung paano yon .. kung babalikan mo yung nangyari sa pagtatakwil ng Henderson sa mga Garcia hanggang ngayon nanlilimos na lang sila ng makakain at doon pa lang alam mong hindi biro mag parusa si Daddy."
Parang kinurot naman ang dibdib ko ng maalala ang mga pangyayaring iyon. Isa sa mga stockholder ng Henderson corporation ang Garcia services, nalaman ni Daddy na palihim na nakiki pag merge ang mga Garcia sa isa sa mga local company dito sa bansa para pabaksakin ang company nila daddy.
Nakaka panindig balahibo ang higanti ni Daddy at ayoko ng balikan pa ang lahat ng yon.
Nakarating kami ng campus at sinalubong na naman ako ng bestfriend na si Akiko. Ibinigay niya sakin ang isang paper bag na punong puno ng mamahaling chocolate.
" Galing kay Kuya Damien. Hindi ko na naabot kahapon dahil nakalimutan ko kaya ipinadala na lang niya. " bulong niya para hindi marinig ni Chase
" Wow naman paki sabi sa kanya thank you ahh! "
Ipinalagay ko muna sa kotse ni Chase ang pasalubong ni Damien bago kami nag tungo sa field para manuod ng laban ni Gianna. As usual nasa harapan na naman ang mga pinsan ko maliban kay Huxley marami siyang kailangang gawin ngayong araw at hahabol na lang daw siya kung sakaling may matirang oras.
" Dito ka Akiko. "
Napakapit naman si Akiko sa braso ko ng tawagin siya ni Geon.
" D-Dito na lang ako."
" Siksikan na kayo dyan. Lumipat kana dito."
Napatingin naman si Akiko sakin pero binenta ko na talaga siya kay Geon at hinayaan silang mag tabi. Hindi naman siya ma out of place kay Geon dahil marunong naman siya makisama at isa pa nasa kaliwa naman niya si Winter mauubos ang energy niya.
Patuloy na pumupuntos si Gianna kasama ng buong team sa kanilang kurso. Wala naman ginawa ang mga katabi ko kung hindi sumigaw at pumalakpak. Tahimik lang akong nanunuod at nag aantay ng reply mula kay Devon.
To: Devon
Andito na kami sa campus, It's Gianna game today manunuod ka ba?
Where are you?
Let's play again on the booth side.
Hanggang sa matapos ang basketball game ay hindi siya nag reply at hindi ko na siya nakita. Feeling ko ay apektado ang buong pag katao ko dahil parang may kulang.
" Absent?"
Nagulat naman ako ng tanungin ako ni Geon, Andito ako ngayon sa front seat ng kotse niya. Sa kanya na ako sumabay dahil sasabay si Gianna at Winter kay Chase.
" I don't know"
" You don't know? Halata naman na wala dahil hindi ka masaya. Wala din siya kahapon diba?"
Tumango tango naman ako at bumusangot. Napansin naman yon ni Geon kaya inabutan niya ako ng candy.
" May pinuntahan?"
Hindi niya talaga ko tinigilan at gusto malaman kung nasan ito maski ako ay hindi ko alam.
" Ang alam ko hindi siya pumasok kahapon dahil makiki pagkita daw ito sa kapatid niya. I don't know what his agenda today"
" Baka importante intindihin mo na lang. by the way kayo naba?"
" Hindi! " masungit kong sagot
" Eh bakit nag tatampo ka?" Nainis naman ako ng ngumisi pa ito.
" Dyusko naman Geon nasabi ko na sainyo yan diba? I like him and he likes me too. "
" So kayo na nga?"
" Ganon ba yon? Hindi ba pwedeng gusto namin ang isat isa at ineenjoy lang ... napaka bilis mo naman sa part na yon. "
" Kung ako kay Devon nilagyan ko na ng label. Sa panahon ngayon lahat may label na kahit mga pagkain may label kaya huwag ka pumayag na wala. "
Hindi ko naman maiwasang mapairap sa ideya niya.
" Hindi kaba nag iisip?"
Kumunot naman ang makakapal niyang kilay tila hindi na gets ang mga nangyayari.
" Bakit naman ?"
" Edi nayari kami kay Daddy kung nag kataon. Kung hindi buhay ko ang masisira .. buhay ni Devon at hindi ko kaya iyon. "
" Hahayaan kaba naman ni Devon mag suffer syempre hindi! "
" Close ba kayo at parang alam mo na ang sasagot niya? huh!"
" Lalaki ako Louis at alam ko kung maganda o hindi ang intensyon ni Devon sayo. "
" Wow ha! "
" Si Devon yung lalaking kaya mag sakripisyo para sa taong mahal niya. Iyon yung nakikita ko. "
" Well hindi ko din hahayaang mag suffer siya. "
" Kung sakin lang Louis kung mahal ko ipaglalaban ko. "
Parang akong kinakapos ng hininga sa narinig. Doble doble ang kabog ng aking dibdib.
" Geon alam mo ba ang sinasabi mo? Hindi mo ba alam yung mga pwedeng mangyari kapag ginagawa ko yon?"
" Alam ko Louis. Sinasabi ko lang kung ako yung nasa posisyon mo .. kung mahal ko ipag lalaban ko kahit mag hirap ako. Hindi mo yon kaya dahil takot ka diba? "
Hindi ko alam kung iniinsulto niya ako o ano.
" Hoy Geon pare parehas lang tayo sunod sunuran dito. "
" Sa ngayon oo. "
Kumunot naman ang noo ko dito at hindi na lang pinansin. Hanggang sa makauwi kami ng mansyon ay hindi na nag reply si Devon kaya para maibsan ang lungkot ko ay umakyat na lang ako sa rooftop. Dito kami madalas tumambay dahil kitang kita ang kabuuan ng lupain ng mga Henderson at ang kumikinang na bituin sa kalangitan.
Is he okay? Kamusta kaya ang relasyon niya sa pamilya niya? Saan ba siya nakatira? Kelan ba ang kaarawan niya?
Nakakahiya naman na gumagawa ng effort si Devon kilalanin ako pero hindi ko man lang masuklian iyon. Kesa na mag tampo ay mas pinili ko na lang intindihin na kailangan niya ng oras para sa kanyang pamilya at kailangan ko din gumawa ng paraan para makilala ito.
Binuksan ko ang cellphone at napangiti na lang ng wala pa ding mensahe mula sa kanya kaya binuksan ko na lang ang f*******: at sinearch ang pangalan niya DEVON VASQUEZ. Kumunot naman ang noo ko ng walang lumalabas na account, ganon din ang ginawa ko sa twitter at i********: pero wala pa din.
" Hindi siguro siya mahilig sa social media."
Nag scroll scroll pa ako sa social media hanggang sa biglang may naisip. Pumunta ako sa google at sinearch ang Garshfield at clinick ang isang website at nag basa basa.
GRASHFIELD INTERNATIONAL PROPERTIES II
" Dito ba ang internship niya?"
Nag basa basa pa ako at sinubukang intindihin lahat ng tungkol sa engineering project at kung ano ano pa.
" Harris Cian Garshfield .. 20 years old owner of Garshfield International Properties II. "
Napaka bata namang CEO ito. Kung tinanggap ni Huxley ang offer ni Daddy ay parehas na sila ng position pero mas gusto ni Huxley na tapusin ang pag aaral niya. Nag scroll scroll pa ako at tiningnan ang mga site at branch nito pero nag iisa lang ito sa pilipinas at ang main company ay nasa London.
Noon pa man ay wala sa isip ko ang mga ganitong usapan. Tuwing may usapan sila Daddy at Huxley tungkol sa negosyo hindi na ako maka relate at lumilipad na kaagad ang isip ko.
Pumunta ako sa image at tiningnan ang mga picture nito at puro building ng mga ibat ibang villa at properties lang ang naka lagay.
Hindi ko maiwasan na mamangha sa mga villa at building na ginawa nila. Kaya siguro gusto niya dito dahil mukang magandang experience at background.
Iniscreen shot ko ang hotline, contact at address nila bago ako bumaba para makapag pahinga na.
Naabutan ko naman si Tita Gana sa third floor ng veranda, naka sandal sa salamin at mukang malalim ang iniisip dahil seryoso itong naka tingin sa kawalan. Nanlaki naman ang mata ko ng lingunin niya ako, ngumiti ito at sumenyas kaya lumapit ako dito.
" Bakit gising kapa? Alas dies na at paniguradong tulog na lahat ng pinsan at kapatid mo."
" Nag paantok lang po ako Tita. Nag isip isip lang din, kayo po hindi pa din ba kayo inaantok?"
Hinila naman ako nito at niyakap kaya niyakap ko na ito pabalik.
" Dyusko parang dati lang ay hanggang bewang lang kita ngayon ay mas matangkad kana sakin. Sinong mas matangkad sainyo ni Geon?"
" Mas matangkad pa din po si Geon, si Winter po ang kasing tangkad ko."
Hinigpitan naman niya ang yakap sakin. May kung ano akong nababasa sa mata ni Tita Gana pero pinili ko na lang itikom ang bibig at hindi na mag tanong pa.
" How's Gianna game? Hindi kami makapanuod dahil maraming trabaho sa Henderson .. nag babalak mag launch ng bagong branch "
" Nako Tita si Gianna pa! Kahit kelan hindi nag papatalo yon hahaha dalawang beses napo sila nanalo ni Austin. "
" Nag eenjoy naman ba kayo?"
Tipid itong ngumiti sakin kaya niyakap ko ito ng mariin.
" Opo tita were all enjoying. Masyado na po kasing busy si Geon, Austin at Huxley dahil graduating student na sila kaya magandang chance ito para makapag bonding kami. Sabay sabay po kaming nanunuod ng mga laban at sabay sabay din po kaming nag lulunch. Nag lalaro din po kami sa mga booth kung sakaling may natitira pang oras. "
Tumango tango naman ito at parang hinaplos ang puso ko ng makita ang isang pamilyar na emosyon. Ganyang ganya ang mata ni Tita Aurora ng mahuli niya kaming nag kakasiyahan ng mga pinsan sa hapag pero ngayon ay nakikita kong nilalabanan ito ni Tita Gana.
" A-Are you okay Tita?"
Hinalikan niya ako sa pisnge at pilit na ngumiti.
" I'm fine Louis. I'm just tired maraming trabaho .. "
" Are you sure Tita? "
Tumango tango ito at inaya na akong bumaba para makapag pahinga. Hindi na niya ako hinayaang mag tanong at nag paalam na ito para maka tulog na.
Buong gabi ko inisip kung ano bang nangyayari at bakit nag kaka ganon ang mga Tita namin.
Pagod ba talaga sila o may nangyayari na hindi namin alam?