Chapter 12

2788 Words
Maaga akong nagising at sumabay kay Geon kasama si Winter. Excited ako sa araw na ito, kahit walang reply mula kay Devon ay positibo kong inaasam na makikita ko siya ngayong araw. Sa parking lot pa lang ay naka abang na si Akiko, ngiti ngiti niya akong niyakap ng makababa ako ng sasakyan. " Good mood ka ahh anong meron?" Lumapit ito sa tenga ko at mariin na bumulong. " Hindi ako maka move on kahapon .. mag katabi kami ni Geon. " Namumula ang pisnge nitong humarap sakin kaya hindi ko maiwasang matawa. Ang babaeng ito talaga grabi magka gusto akala mo ay high school at kulang na lang ay gumawa ng diary at ikwento ang buong kilig moments niya kay Geon.  " Napansin mo ba si Devon?" Hindi na ako nahihiyang mag tanong dahil tatlong araw kona siyang hindi nakikita. Oo nat aminado ako na namimiss ko siya para bang may kulang sakin tuwing wala siya. " Hindi kopa siya nakikita saka kung andyan yon mapapansin mo naman kaagad dahil mag iingay ang mga architecture student. "  " Hoy anong architecture student?"  Singit ni Winter " Hinahanap kasi ni Louis si Devon ang sabi ko malalaman naman niyang andyan yon kapag maingay na ang mga architecture student kasi karamihan ng may gusto kay Devon na sa course mo diba?" Hindi na pumalag si Winter at tinaggap na lang ang pahayag ni Akiko.  " Anyways nakita ko si Cherry .. hinaharass si Austin kasama yung mga grupo niya." " ANOOO!!!" Halos napatakip ng tenga si Akiko dahil sa sabay naming pag sigaw ni Winter. " ASAN SILA?" Naiinis na tanong ni Winter " Nakita ko sila sa cafeteria pinag kakaguluhan nila si Austin dahil minsan lang siya madaan doon, mabuti na lang andyan si Gianna at binakuran na na ang kuya niya." Naka hinga naman kami ng maluwag ng malaman iyon, Hindi pa din namin papalagpansin ang mga nangyari kanina kaya minabuti na naming hanapin sila. Bukas pa ang final game ng mga sport kasama na ang awarding. Kaya ngayong araw ay nag eenjoy lang ang mga studyante sa mga booth. " Asan kaya sila? " -Winter " Tawagan mo nga Geon." Gaya nga ng utos ko ay tinawagan ito ni Geon, sabi ni Chase ay nasa wedding booth sila at medyo nag kakagulo kaya tinakbo na namin ang booth na iyon at hindi nga nag sisinungaling ang kapatid ko. Pinipilit ni Cherry pumasok sa wedding booth si Austin at kitang kita na ang iritasyon sa mata ng pinsan ko. " Hoy ayaw nga ni Austin diba? Sapilitan ba ito? " Tinapik ni Winter ang kamay ni Cherry na naka hawak sa braso ni Austin. " Don't touch me Winter sonata. get out of my way!!!" Napatingin naman sakin si Winter pinaparating na iisahan niya talaga ito kapag hindi tumigil kaya bago pa sumabog ay hinala na ito ni Geon at Austin paalis ng booth. Napatingin naman sakin si Cherry at tinaasan ako ng kilay. " Ano may sasabihin ka?"  Tinatakot niya ako gamit ang mata niya at makakapal niyang eyeliner pero nginisian ko lang ito. " Ang panget mo!" Walang habas ko itong tinalikuran at sinundan ang mga pinsan na ngayon ay naka upo sa bench malapit sa soccer field.  " Control your self Winter! Gusto mo bang ma dean's office?"  Sinesermunan na siya ngayon ni Austin " Austin! she's harrasing you can't you see? Baliw yung babae na yon." " Baliw na pala eh bakit mo pa papatulan? baliw ka din ba?" Kitang kita ang frustration sa mata ni Winter, Alam kong gusto niya lang ilayo si Austin sa babaeng iyon dahil nuknukan iyon ng kapraningan habang si Austin naman ay gusto lang na mapanatiling malinis ang pangalan ni Winter dahil kapag na sampolan niya ang isang yon ay paniguradong ma nenews paper ang ginawa niya. Knowing people around us, hinahanapan lang kami ng butas para bumagsak.  " Calm down Winter and Austin! Okay na .. naganti ko na kayo!" Proud ko silang hinarap na ngayon, sila naman ang nakaka nganga sakin.  " Damn Louis did you touch her? " Napapraning na tanong Geon  " Of course I didnt! I just give my best shot without touching her dry skin. " " What did you do? " Curious na tanong ni Chase. " Sinabihan niyang ANG PANGET MO " Singit ni Akiko na kumakain ng scrumble sa gilid. Nag katinginan naman silang lahat at pinuno na ng tawanan ang buong soccer field. Nahiga pa si Austin sa d**o sa sobrang laughtrip niya. Nilapitan naman ako ni Winter at pinalakpakan sa pagmumuka tila isang karangalan ang ginawa ko. " Kanino mo na naman yan natutunan Louis! Hahahaha kung andito lang si Huxley ay paniguradong sasakit ang tyan non kakatawa hahaha." " Hindi naka ganti si Winter edi ako na ang umisa." Nauubos na ni Akiko ang mga binili niyang pagkain sa booth at hindi pa din tumitigil si Austin at Winter kakatawa, Isa pa itong si Chase na isusumbong daw ako kay Huxley dahil kung ano ano daw ang natutunan ko.  " Nakita niyo ba si Devon?" Nahinto naman sila sa kakadaldal ng mag tanong ako sa panagalawang pagkakataon.  " Absent pa din? " Nag tatakang tanong ni Geon Kinuha ko ang cellphone pero wala pa ding reply kaya tinawagan kona at halos sumabog ang kilay ko ng mag unattended ito. Is he okay? " Wala na pinag palit na" Inirapan ko naman si Austin ng mang asar pa. " Sabi sayo kapag tinanong ka ng will you be my girlfriend oo ka agad eh"  at mas nainis pa ng gatungan ni Geon. Nag ikot ikot lang sila sa buong booth. Haggang sa maka punta sa isang fortune teller booth nag katingin naman kami mag pipinsan. " Ayoko, boring dyan!" " Napaka arte mo Austin!" -Winter " Hindi naman yan totoo! Doon na lang kami sa basketball booth para sure ball sa teady bear. Tara Geon,Chase ubusin natin yung naka sabit na premyo hahahaha" Dahil nga masyadong ma impluwensya si Austin ay nauto niya si Geon at Chase kaya kami na lang ang sumubok ng booth na ito. " Galing pa pong quiapo ang mang huhula natin pero kailangan natin mag bayad ng three hundread pesos kada isang tao. " " I don't know what quiapo is .. here " Inabot naman ni Winter ang dalawang libo at pinapasok na kaming apat sa booth. Naupo kami sa harapan ng isang matanda habang hinahaplos haplos niya ang isang bolang kristal. " Anong gusto niyong malaman sa hinaharap? pamilya? negosyo o pag ibig?" " Alam na namin ang future namin sa pamilya at negosyo kaya buhay pag ibig na lang po." Walang hiyang suwisyon ni Winter. " Sinong mauuna sainyo?" Nakakatakot niyang tanong kaya matapang na inilahad ni Winter ang kamay niya, pinatong ito ng matanda sa bolang kristal at binasa ang mga linya sa kamay. " Makakakilala ka ng lalaking makaka pag bago ng ugali mo. Magiging sunod sunuran ka rito .. at .. " Napahinto ito at tumingin sa mata ni Winter " At darating ang araw na mag mamakaawa ka dito .. mag mamakaawa ka na mahalin ka niyang muli kahit wala na siyang natitirang pag mamahal sayo." Kitang kita ko ang takot sa mata ni Winter kaya ng binitawan ng matanda ang kamay niya ay mabilis itong tumayo at tinulak si Gianna. Ibinigay naman ni Gianna ang kamay niya at ganon din ang ginawa ng matanda. Binasa niya ito pero umiling iling.  " Masakit ang magiging buhay pag ibig mo iha .. gusto mo pa bang malaman?" Parang gusto ko na lang hatakin si Gianna para hindi niya na malaman kung ano iyon pero tumango na ito tila handa siya sa magiging future niya. " Ikaw ang may pinaka maganda buhay pag ibig .. pero alagaan mo ito .. dahil .. " " Dahil?" " Pwede itong mawala sayo sa isang iglap lang at pag sisisihan mo lahat. Alagaan mo ito iha." Tumango tango naman ito. " Ayoko i try " bulong ni Akiko  " Ako din eh "  sagot ko dito pero wala kaming choice kung hindi gawin din ito. Umupo na si Akiko sa harapan ng matanda at ganon din ang ginawa sa kanyang kamay, hinihilot nito ang kamay ni akiko at tuma tango tango. " Wala kang poproblemahin sa magiging kasintahan mo .. pero ikaw ang magiging problema niya dahil ikaw ang sisira ng buhay at ng pangarap niya .. kailangan niyong maging matatag .. kailangan niyong lumaban dahil kung hindi parehas niyong masisira ang relasyon na matagal niyo ng inaasam." Binawi niya kaagad ang kamay at tinulak na nila akong tatlo. Hinawakan ng matanda ang kamay ko, ang mahahaba niyang kuko ay nag patindig ng balahibo ko. Sinusundan ng kuko niya nag mga linya sa kamay ko pero umiiling iling lang ito at mas kinabahan ng ngumisi ito. " Malaking sakripisyo ang gagawin mo iha .. mag sasakripisyo ka para sa lalaking ito pero .. pero lahat ng sakripisyo mo ay mababalewala dahil pag dating ng dulo ang lalaking mamahalin mo ay ang lalaking makakalaban mo at .. tatalikuran mo ang pamilya mo para sa walang kwenta pag ibig na pinag laban mo. " Maingat kong binawi ang kamay at inaya na silang lumabas. Abot abot ang kaba ko ng makalabas kami ng fortune teller booth. Para kaming mga natalo sa lotto at hindi maipinta ang mga muka. Gaya nga ng sabi ni Austin ay hindi naman iyon totoo pero bakit ganito ang nararamdaman namin? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. " What's with them? Are they okay?" Nakatulala ako kay Huxley na ngayon naka long sleeve at mukang kakagaling lang ng training. May hawak itong coffee mug at nakakunot ang makakapal na kilay. " Kanina pa yan. Pagkalabas ng fortune teller booth parang tinanggalan na sila ng kaluluwa. " -Austin Nagising naman ako sa kawalan ng pumalakpak sa harapan ko Chase. " B-Bakit? " walang muwang kong sagot " Anong nangyayari sa inyo?" Nag aalalang tanong ni Geon Tiningnan ko naman ang dalawa, Naka palungbaba sa lamesa si Winter at mukang malalim ang iniisip habang si Gianna naman ay naka sandal sa upuan habang naka tingala sa kalangitan. Binalik ko naman ang paningin sa kanila at nag aantay ito ng eksplanasyon pero wala din akong masabi dahil dinadamdam ang sinabi ng matanda na mag sasakripisyo ako para sa sarili kong pag ibig. " Hey Louis!" " Huh?" Sabay sabay silang napapikit ng mawala na naman ako sa usapan. Hinila ni Austin ang upuan ni Gianna at Winter at sabay silang nagulat para bang naputol ang panaginip nila. " Anong nangyayari sa inyong tatlo? Kapag hindi kayo umayos ay isusumbong namin kayo kay Tita Aurora " -Chase Hinawakan ni Winter ang dibdib at huminga ng malalim. Nakatingin din kami dito, para kaming pagod na pagod kahit wala namang kaming ginawa kung hindi mag isip. " Nag bayad ako ng dalawang libo para  bigyan ako ng poproblemahin! My goodness!" -Winter " Ayan yung sinasabi ko sainyo eh, hindi naman kasi yon totoo nag sisi pasok pa kayo. Kung sumama na lang kayo samin edi ang dami niyo sanang teddy bear." -Austin " That's not even true! " Iling iling ni Huxley " Hindi ko nakikita yung sarili kong nag mamakakaawa. " malungkot na sagot ni Winter " Ano bang sabi sainyo?" curious na tanong ni Chase, umayos naman kaming lahat ng upo. Nakatingin na sila kay Winter at handang handa na makinig. " May makikilala daw akong lalaki at magiging sunod sunuran daw ako rito at sa bandang huli .. mag mamakaawa daw ako dito para mahalin ako pabalik." Natawa naman si Austin sa pahayag ni Winter, inabot ni Winter ang purse at ibinato kay Austin na sinasakop na ang buong rooftop ng tawa. " Not funny Austin!"  -Winter " Nag papaniwala ka naman doon! Malabong maging sunod sunuran ka dahil ang gusto mo ikaw ang nasusunod! Saka anong mag mamakaawa ka sa pagibig ..Hindi mo gawain yun Winter, mag sorry nga ikakamatay mo mag makaawa pa. " Napa ngisi naman si Huxley at Geon habang si Chase ay tahimik lang. " Eh anong hula sayo Gianna? " Tanong ni Chase na mukang interesado sa mga hula samin. Natahimik namang nakatingin samin si Gianna at mukang dinadamdam din ang sinabi ng matanda. " Kailangan kong ingatan yung lalaking mamahalin ko. " " Bakit?" sabay sabay nilang tanong " Kasi pwedeng mawala siya sa isang iglap lang." Napatingin naman kami sa kanila na sabay sabay din natahimik tila hindi makapaniwala sa sinabi ni Gianna. Nilapitan ito ni Geon at ginulo ang buhok para hindi na gaanong mag isip si Gigi. " That's not even real Gigi. "-Geon " Oo nga! Wala naman kayong lovelife ehh .. " Sabay sabay silang napalingon sakin at halos kabahan ako habang nanlalaki ang mga mata nila.    " Don't give me that look people! That's not true right? " Pinaniniwala ko ang sarili na hindi ito totoo. Sinubukan mag patawa ni Austin at Geon para mawala ang tensyon pero mas tumaas ang balihibo ko ng mag salita si Austin. " Hulaan ko hula sayo Louis. Isasakripisyo mo yung sarili mo kahit kapalit kaming pamilya mo hahahahahaha" Napatayo si Winter habang napatakip naman ng bibig si Gianna. " Huwag niyong sabihing tama. " -Austin Napatingin silang lahat sakin at mabagal akong tumango tango. Napatayo na din si Austin at pinakita ang balahibong nakataas. " Tangina pwede na akong mang hula." -Austin " Hey hey hey! Calm down that's not true! that's not true! " Pinipilit alisin ni Huxley ang takot na bumabalot samin. " K-Kaya nga hindi naman totoo yan. " -Geon " Better go to your rooms. Maaga pa kayo bukas at kailangan mong mag pahinga Gianna may laban pa kayo ni Austin." -Huxley Gaya nga ng utos ng kapatid ay bumaba na kami sa kanya kanya naming kwarto at pinilit ko na lang kalimutan ang mga nangyari ngayong araw. Humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone. Kagaya kahapon ay wala pa din reply si Devon, sinubukan ko itong tawagan pero unattended pa rin ang number niya, iniisip ko ang mga posibilidad kung bakit hindi siya sumasagot. Paniguradong nakauwi na iyon dahil ilang araw na ang nakakalipas. Hindi ko rin kasi alam kung saan ito nakatira.  Wala naman din sigurong alam si Huxley sa buhay nito dahil mukang hindi naman sila gaanong close. Isa lang ang naiisip ko na lugar na pwede niyang puntahan at posibleng andoon nga siya or kung wala pa rin siya .. mag tatanong tanong na lang ako sa mga tao roon.  Napalingon ako sa pintuan kung nasan naka silip si Geon, bumangon ako at umupo ng maayos.  " May problema ba Geon?" Nag iwas naman ito ng tingin at tiningnan ang cellphone ko.    " Garshfield International Properties? " Nanlaki naman ang mata ko ng makita niya ang picture sa cellphone ko kaya itinago ko ito sa likuran. " May problema ba? " Tanong ko dito kitang kita ko ang bibig niya na hirap mag salita. " About what happened a while ago." " About what? " " The fortune teller. " maikli niyang sagot. " Ang sabi niyo hindi naman yon totoo. Bakit tinatanong mo na naman. " " I just want to know .. about Akiko " Nanliit naman ang mata ko dito ng tumitig siya sakin. " Bakit gusto mong malaman? " " I just want to know Louis. Masama ba?" " Gusto mong malaman?" " Hindi ako sisibat dito kung hindi. I'm curious so tell what is it." " Gusto mo talagang malaman?" Kitang kita ang frustration sa muka niya tila ba hindi siya nakiki pag biruan sakin. " I'm hella serious Louis! " " May gusto din akong malaman Geon and I want you to help me about this .. as an exchange sasabihin ko kung anong hula sa kanya. " Kumunot naman ang noo nito hindi siya maka paniwala na kailangan ko ng kapalit. " What is it? "  seryoso niyang tanong. Kinuha ko ang cellphone at ipinakita sa kanya ang location kung nasaan ang Garshfield International Properties, Kumunot naman ang noo niya. " If you can see, I can't find Devon .. I can't contact him either .. Ihatid mo ako dyan bukas ng umaga, narinig ko si Huxley na dyan siya nag iinternship baka may posibilidad na andyan siya. Mag tatanong tanong ako bukas." Tumango tango ito at ibinalik ang paningin sakin kasama ng cellphone ko. " Wake up before seven. " Nakahinga naman ako ng maayos ng pumayag ito. Lalabas na sana siya ng tawagin ko itong muli. " Geon .. Thank you." Nagumisi ito bago lumabas ng kwarto. " I always got your back Louis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD