Masakit ang ulo ko ng bumangon, Napuyat ako kakaisip sa mang nangyari samin kahapon. Gaya nga ng usapan namin ni Geon ay maaga akong nag alarm para makapag ayos ng sarili. Pumili ako ng isang formal attire dahil mukang hindi nag papasok doon ng mukang studyante.
" Ang aga mo ata Louis. Hindi pa umaalis sila Winter at Austin. Mag breakfast ka muna dito."
Nakatingin sakin si Tita Aurora habang hawak ang paboritong niyang coffee mug.
" Tita babawi po ako sa susunod. Nag mamadali po kasi ako. "
" Ganon ba? Sino bang mag hahatid sayo?"
" Si G-Geon po. Mauna na po ako Tita. "
Hinalikan ko ito sa pisnge at nag mamadaling pumunta sa parking lot at hindi nga ako binigo ni Geon. Nakaupo na ito sa driver seat suot ang isang simpleng itim na t-shirt.
" May nakakita ba sayo?" -Geon
" Si Tita Aurora lang. Inaya niya ako mag breakfast pero sinabi kong babawi na lang ako sa susunod at nag mamadali ako. "
Tumango tango naman ito at hinaram ang cellphone ko para makita kung saang lugar ang pupuntahan namin.
" Friday naman kaya hindi gaanong traffic. Twenty minutes lang ito Louis. "
" Alright then! "
Nag seat belt na ako at hinayaan siyang mag maneho. Nang makalagpas na kami sa Brooklyn University ay huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya.
" A-About your request .. "
" Is it bad? "
" Wala naman siyang sinabing mabuti puro masama, ang sabi ng matanda yung lalaking mamahalin ni Akiko ay masisira ang buhay dahil sa kanya."
Kumunot ang makakapal nitong kilay at umiling.
" And?"
" Kailangan nilang dalawa lumaban .. kasi kung hindi sila magiging matatag tuluyang masisira ang relasyon nila. "
I heard him sigh and this is the first time na makita ko siyang seryoso.
" P-Pero ang sabi niyo samin kagabi hindi naman iyon totoo kaya kalimutan na namin diba?"
" She likes me."
Nagulat naman ako at napatakip ng bibig. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya mismo iyon sa harapan ko. Ang inaasahan ko ay tatanungin niya ako kung may gusto sa kanya si Akiko pero mukang hindi naman niya kailangan mag tanong dahil sa tono niya ay sigurado siyang may gusto ang kaibigan ko sa kanya.
" G-Gusto mo din ba siya?"
Nakaramdaman naman ako ng lungkot ng hindi ito sumagot. Kahit kelan wala akong nabalitaan na may nagustuhan si Geon na babae. Kapag tinanong mo ito kung maganda ba yung babae tatango lang ito pero hindi namin siya nakitaan ng interest. Hindi katulad ni Austin na alam agad namin kung sino ang gusto dahil napaka public na tao.
" She's beautiful .. but what I like about her is whenever I'm around she can't speak a single word. Nawawala ang kulit niya."
" Malamang nahihiya sayo. Sino ba namang hindi mahihiya kapag kaharap mo na yung taong gusto mo? "
Lumiko siya sa isang village para mag short cut. Hinayaan ko na lang ito mag maneho, ayoko din mag tanong ng mag tanong at baka mainis siya sakin.
Unti unting nanlaki ang mata ko ng makita ang malaking logo ng Garshfield International Properties II.
Sinimulan na naman akong kabahan kaya kinuha ko na ang lip gloss sa bag at nag retouch. Hindi ko alam kung anong mapapala ko sa loob, baka palayasin pa ako dahil pupunta lang naman ako para mag tanong tanong.
Inihinto ni Geon ang kotse sa harapan ng G.I.P. Bago ako lumabas ay hinawakan ni Geon ang palupulsuhan ko.
" What?"
" Close the door first. May sasabihin pa ako."
Inayos ko naman ang sarili bago humarap sa kanya na ngayon ay seryoso na naman ang paningin.
" Matatagalan ka ba? Para maantay kita. "
" Hindi na Geon! Kailangan mong bumalik sa campus, huling laban ni Gianna at Austin paniguradong hahanapin ka ni Gigi .. Mag tetext na lang ako sayo o kaya kay Austin."
Tumango tango naman ito.
" And isa pa pala Geon. Kung hanapin ako ni Huxley at Chase huwag mong sabihin at baka kaladkarin nila ako pauwi. "
Tumawa naman ito at umiling.
" Alright. Huwag kang gagawa ng skandalo dyan Louis malaking kompanya yan. "
" May itatanong lang naman ako. Ano ako si Sapphire?"
" Ang ibig ko sabihin ay huwag ka masyadong mag pakilala. Mabilis lang kumalat ang balita at pag nalaman ni Tito William na umapak ka sa isang International company ay baka hindi kana makalabas pa ng lupain ng Henderson. "
" Naiintindihan ko. Geon. Salamat."
Mabilis akong lumabas ng kotse at inayos ang dress na suot. Maingat akong nag lakad papasok at halos mamangha sa ganda at aliwalas ng paligid. The interior of the lobby was captivating, Halatang magagaling na architecture or engineer ang gumawa.
Inilakad ko ang paa at nag tungo sa receptionist. Maganda ito at matangkad bagay na bagay siya sa pwesto niya at nakaka ganda siya ng umaga.
" Good morning Ma'am! I'm Krisel how may I help you?"
" Good morning. Ahm .. do you have employee named Devon?"
Marahan itong ngumiti at umling.
" Sorry ma'am but were not allowed to give any information about the company employees unless you have a letter or appointment I can let you go inside."
Para naman akong binagsakan ng langit at lupa sa narinig. Kahit ni isa sa sinabi niyang letter or appointment ay wala ako.
Nanatili akong nakatayo at nag isip kung anong pwedeng gawing alibi para makapasok sa loob ng hindi gumagawa ng eksena.
" Krisel, is my brother arrived?"
" Yes Sir. "
Nilingon ko ang lalaki sa gilid. He's wearing a long black suit.. all freaking black! and despite of the crispness of his suit and the perfect tailoring the man inside wasn't far from my age.
Against his smooth white skin,his long brown hair moved in the air.
His eyes was like a green grass but not that kind of shade that's easy to describe. I was stun when our eyes lock over, The way he glare make me freeze for a minute, mabilis akong nag iwas ng tingin. The more na tinititigan ko ito ay parang na hihipnotismo ako.
" What are you doing here Miss Louissa Ellianna Henderson?"
Mabilis ko itong nilingon dahil sa gulat kung bakit kilala niya ako at buong buo pa ang pangalan ko.
" How did you know me? Who are you?"
Mas nag taasan ang balahibo ko ng ngumisi ito na parang demonyo at ibinalik sakin ang malalalim na mata.
" Can't believe that Henderson's is not teaching their babies how to manage a business. It's all around Louissa .. you should know your biggest competitor, got it? thank me later."
Gusto kong mainis dahil sa pang iinsulto niya sa pamilya ko pero wala ako sa teriteryo ng mga Henderson kaya wala akong karapatan mag wala.
" Are you picking a fight? "
" I'm the one who supposed to ask that question. By the moment our rivalry step in our territory .. it means war. "
Hindi ko naman maiwasan ang matakot dahil totoo iyon. Hindi ko naman alam na kasama pala sa listahan ng mga Henderson ang mga Grashfield. Hindi naman kasi ako pamilyar dahil wala naman talaga akong pakielam pero ngayon ay mukang mapipilitan na akong mang himasok sa mga Henderson.
" Anyways it's too early to declare a war. Just wanna know why you're here? "
" Bakit tutulungan mo ba ako? "
" We don't usually help our enemies."
Napirap naman ako sa sagot niya.
" Then shut your mouth! "
Napatakip naman ng bibig ang receptionist habang tawang tawa naman ang lalaki sa gilid ko tila natutuwa siya sa pinapakita kong ugali.
" Bakit ba kasi ako nag tatanong kung alam ko na ang sagot. "
Sinapo niya ang noo at nababaliw na tumawa at mas lumakas pa ang tawa ng inirapan ko ito.
" You looking for Devon?"
Mabilis ko itong niligunan na ngayon ay may maliliit na ngisi sa labi, mukang natutuwa dahil nakuha niya na ang buo kong atensyon.
" H-How did you know him?"
" Well he's one of the BEST employee here. Do you want to know where he is?"
Ngumisi ito at inaantay na mauto ako. Wala naman akong magawa kung hindi mapalunok sa sarili kong laway, pagkatapos kong tarayan ay kakainin ko naman ang pride ko.
Magaling!
" Follow me. "
Nauna itong nag lakad at napahinto ng maramdaman ang hindi ko pag sunod.
" What are you staring at? If you want to know where he is just forget about your pride and follow me"
Seryoso itong nag lakad kaya sumunod na agad ako dahil iyon naman talaga ang pinunta ko dito, bakit pa ako aarte? Ako naman ang makikinabang dito.
Bumukas ang elevator at nagsi alisan ang mga sasakay, pinauna nila ang lalaki sa harapan ko habang ako naman ay hinila ng isang empleyado dahil sa pag sabay ko.
" Hey hey Don't touch her! Let her in. "
Hinila ako ng lalaki at isinakay sa elevator, hindi na nag papasok ng iba at mabilis na pinindot ang fifty seven floor. Tahimik akong tumayo sa gilid habang siya ay tinitingnan ang reflection namin sa salamin kaya minabuti ko na lang titigan ang mamahalin kong sapatos.
Nang tumunog ang elevator ay mas nauna siyang nag lakad, Naka carpet ang buong hallway at nag iisa lang ang malaking pintuan. Walang habas siyang pumasok kaya nagulat ako. Hindi man lang siya kumatok.
" What are you doing here?"
Parang kulog ang boses sa loob ng kwarto kaya hinayaan ko na lang ang sarili sa labas dahil hindi naman niya ako inaya.
" Can you stop being grumpy! You have visitor outside. Hey Miss come in"
Sinilip niya ako at sinenyasan na pumasok kaya yon nga ang ginawa ko. I step inside and saw a man casually sitting on his swivel chair. Kitang kita ang pagkagulat nito sa mata hindi inaasan ang presensya ko.
" She's looking for Devon. Ikaw na ang mag paliwanag dyan .. inakyat ko na dito at baka makita pa siya sa labas ng kung sino."
Hinagis niya ang isang flash drive at akmang aalis kaya hinarangan ko ito na ikinabigla niya.
" Akala koba ihahatid mo ako kay Devon? Muka ba tong si Devon?"
Naiinis kong tanong pero ngumisi lang ito at umiling.
" My brother can help you with that Louissa. Nice to meet you again"
Nilagpasan ako nito at isinara ang malaking pintuan. Abot abot ang kaba na naramdaman ko ng nilingon ko ang lalaking naka upo sa swivel chair.
He also have a fresh grassy green color eye. He had this kind of face that will stop you from anything you do, he's features was strong and more define. He had this dark eyebrows which define his serious expression, tingin pa lang ay aatras ka na.
" You looking for Devon?"
Tumango tango naman ako kaya nilahad niya ang upuan sa harapan, Umupo naman ako at halos tambulin ang puso ng mabasa ang glass plate sa haparan niya.
President. Harris Cian B. Grashfield
" What do you want? Coffee? Juice .. Water?"
Napatingin ako dito na ngayon ay sinusuri ang hitsura ko. Nahihiya kong tinitigan ito pabalik. Kapag nakita ko ulit ang lalaking yon ay makakaisa iyon sakin. Ang sabi ko dalhin ako kay Devon bakit niya ako dadalhin sa presidente ng Garshfield.
" Should I introduce my self?"
" I already know you. The owner of Garshfield International Properties II."
" Ow you conduct a research!"
Nanlalaki ang malalalim niyang mata sa sagot ko, hindi makapaniwala na kilala ko din siya at OO! NAG RESEARCH AKO!
" Sorry for intruding your company .. I'm just looking for D-Devon is he around?"
Sumandal ito sa kulay itim niyang swivel chair at hinilot ang sintido tila ba isang math equation ang tanong ko at kailangan ko siya bigyan ng formula.
" He's on leave."
Leave? Ang sabi niya ay kikitain niya lang ang kapatid niya after non hindi na siya pumasok ng dalawang araw.
" Ahhh. Ang sabi niya kasi makikipag kita siya sa kapatid niya. Do you know exactly where he is?"
Tumingin ito ng direkta saking mga mata, mata na nag sasabi na naawa siya sakin pero kahit ganon pa man ay hindi niya ako pwedeng tulungan.
" Sorry but I can't help you with that. "
Bigo akong tumango tango dito. Inaasahan kona ang ganitong bagay, sino ba naman ako para ipilit na itanong o mag patulong kung nasan si Devon at dito pa sa presidente ng Garshfield.
NABABALIW NA TALAGA AKO!
" I may not give you the exact details where he is but what I can assure you Louissa .. He's with his family .. he need time "
Merong atoridad sa boses niya na inuutusan akong mag tiwala sa kanya kahit hindi ko siya lubos na kilala. Tiningnan ko ang orasan sa palupulsuhan at mag tatanghalian na paniguradong hinahanap na ako ng mga kapatid at pinsan. Marahan akong tumayo at nag paalam.
" Ahhh Mauuna na ako. Thank you for entertaining me here, mukang makakalabas pa naman ako ng buhay. "
Napangisi ito sakin at umiling. Tumayo ito at sinuot ang suit, nagulat naman ako kung gaano siya katangkad kasing tangkad niya si Devon.
" Let's go "
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
" Huh? "
Nahulaan niya ata ang nasa isip ko kaya tumayo siya ng diretsyo sa harapan ko, napaatras naman ako dahil masyado siyang matangkad at hindi ko kakayanin ito sa laki ba naman ng katawan.
" Ihahatid na kita. "
" Ay hindi na ako na lang! Mamaya may makakita pa satin sa labas baka mapatay pa ako ni Daddy ng wala sa oras."
Hindi na niya talaga napigilang tumawa. Hindi ko alam kung anong nakakatawa at kanina pa siya ngisi ng ngisi, konti na lang talaga iisipin ko na clown ako.
" Kaya pala dead na dead sayo ang bestfriend ko."
Lumapit ako dahil hindi narinig ang huling binitawang salita.
" What did you say Mr. Harris Cian Garshfield?"
I saw how his grassy green eyes pop ..like he can't believed I call him by his full name like what his brother did to me on the lobby.
" Nothing Ms.Louissa Ellianna Henderson .. "
Mas hindi naman ako makapaniwala ng gantihan niya ako sa buong pangalan tila ba nakiki pag laro ako sa kanya o sa angkan niya.
" Whatever you say! Excuse me I have to go. "
Nilagpasan ko ito pero nagulat ng hawakan niya ang braso ko. Nilingunan ko ito na ngayon ay naka tingin sakin ng masama.
" Ihahatid na kita."
" No thanks but I can handle my self. "
" Yeah but I can't risk my company by the little visit you did. Pumasok ka dito Louissa at kargo kita, Sa tingin mo ba pag labas mo walang makakakilala sayo? "
Naintindihan ko naman ang gusto niyang iparating na andito nga ako sa teritoryo nila kaya wala akong karapatang mag reklamo. Ang kailangan ko lang gawin ay makabalik ng Brooklyn University ng walang nakaka alam na galing ako sa GIP.
Wala naman akong nagawa kung hindi ang pumayag dahil kahit anong arte ko ay siya pa din ang masusunod dahil nga NASA TERITORYO NILA AKO.
Hindi ko alam kung saan niya ako pinag susuot na pinto hanggang sa makarating kami sa basement ng building. May huminto na isang BMW sa harapan namin at halos mag salubong na naman ang kilay ko ng makita ang lalaki sa harapan niya. BAKIT PA BUMALIK ANG BWISIT NA TO.
" Caspian siguraduhin mong ligtas yang makakabalik."
Caspian? Parang pamilyar ang pangalan na iyon, Hindi ko lang sigurado kung sa movies, music o sa libro ko narinig.
Kitang kita ko ang malaking ngisi niya sa labi tila pabor sa kanya na makakasama ako sa buong biyahe para maasar.
" Iinform ko si Devon na hinahanap mo siya. "
" Thank you. "
Pinag buksan naman ako ni Harris ng pintuan sa front seat. Mabuti na lang at tinted ang salamin, safe na safe ako. Umupo si Caspian sa driver seat at nag simula ng mag maneho. Tinikom ko na lang ang bibig pero nuknukan talaga ng daldal ang lalaking ito.
" Diba marami kang pinsan?" Naka tuon ang mata niya sa malawak na high way habang nag tatanong.
" Four. "
" Mas madami sila Devon. "
Ngumisi ito ng mapansin ang mabilis kong pag lingon sa kanya. Nakuha na naman niya ang buo kong atensyo. Napangisi naman siya sakin tila nalaman na niya ang password at kayang kaya niya na akong laruin.
" Eight. "
Maikli niyang sagot, Hindi ko naman maiwasang mapaisip. Walo? Kami nga na pito ay maingay na paano pa kaya kapag walo na. Siguro masaya din sila katulad namin. Ang balita kasi ay scholar si Devon ng Brooklyn dahil galing itong probinsya. Saang probinsya kaya ito?
" Saang probinsya si Devon?"
Napangisi naman ito at para bang gusto niyang mag laro.
" Pasensya na Louissa mahirap kasi ako kausap. Lahat ng sagot na makukuha mo sakin ay may kapalit ding tanong. Kung baga sa dalawang mag kasintahan give and take."
" Ang dami mong alam."
Naiirata kong sagot sa kanya. Ganyang ganyan din si Devon nung una kong makilala, Isang tanong isang sagot tila isang milyon ang halaga ng kanilang sagot.
" Ano gusto mo malaman kung saan ang probinsya ni Devon?"
Ngisi ngisi niya akong inasar habang naka hinto kami dahil sa pag pula ng stop light.
" Exchange of what?"
" Just a simple question Louissa."
Hindi mo alam kung kinikilig siya oh ano dahil sa kakaibang pag ngiti niya. Kagat kagat ang labi tila matagal na niyang gusto itong itanong.
" So deal?"
" Let me know kung gaano kahirap ang tanong mo at mamaya hindi ko masagot."
" As an exchange of where's Devon province .. my question is .."
Para siyang timang na ngisi ngisi tila hindi masabi at baka kiligin siya ng wala sa oras. Sa madaling salita para siyang baliw.
" Ano!"
Napasigaw ako dahil ang tagal niya mag salita.
" May .. "
" ANO NGA! "
" Huwag na nga! Hindi kona sasagutin yang probinsya ni Devon bahala ka mag hanap. "
Nagulat naman ako ng mag bago agad ang isip niya. Parang kanina lang hindi siya mag kaundagaga habang nalulukot na ang muka niya sa pag ngisi.
" Ang hirap mo pala maka deal. Bigla biglang nag babago ang isip mo."
" Paniguradong mahihirapan ka ding sagutin. "
" Kalalaki mong tao napaka arte mo!"
Nag salubong naman ang mga kilay niya na sobrang kapal tila hindi nagustuhan ang narinig.
" Hoy anong maarte? Ayoko na ngang itanong pakielam mo ba?"
" Edi huwag! Mamatay ka kaiisip niyan."
Hindi ko alam kung tama bang ikonsensya siya para lang masagot din ang tanong ko tungkol kay Devon. Tumingin si Caspian sakin at umiling.
" Sige itatanong ko na."
Napirap naman ako ng mag bago na naman ang isip niya. Konti na lang talaga iisipin kong sinto sinto ito.
" May boyfriend na ba yung pinsan mo?"
Hindi ko naman maiwasang mapatingin dito na ngayon ay seryosong nag mamaneho. Pinsan?
" See you can't answer!"
" Teka lang ahh! Dalawa kasi yung pinsan kong babae .. Sino doon?"
" So sasagutin mo nga?"
" Basta sasagutin mo kung nasan ang probinsya ni Devon, sasagutin ko yan"
Nagulat ako ng ipreno niya ng malakas at saktong sakto sa gate ng Brooklyn University. I removed my seat belt and face him seriously.
" Let me ask first Caspian! Where's Devon province? "
" Visaya. "
" Saan banda doon?"
" Is that another question? Kasi dalawang tanong din itatanong ko sayo. "
Napanganga naman ako ng makipag bargain na naman siya. Dyusko ganito naba talaga ang mga lalaki? Hindi naman ganito si Austin at Geon dahil kahit anong itanong mo sa kanila sasagutin nila NANG WALANG KAPALIT.
" Okay fine! Walang boyfriend ang mga pinsan ko .. hindi ko alam kung sino tinutukoy mo pero parehas silang single."
Tatalikuran ko na sana ito para maka labas ng maisip na bakit niya tinatanong kung may boyfriend na ang isa sa mga pinsan ko. Hinarap ko naman ito na ngayon parang nanalo sa loto dahil sa sobrang pag ngiti, Mabilis niya itong binawi ng lumingon ako.
" B-Bakit mo tinatanong?"
" Another question again?"
Tuluyan na akong lumabas ng sasakyan at hindi na nag pasalamat pa. Bakit parang siya lang ang nakinabang ng tanungan na iyon samantalang ako may iistress lang kakahanap sa probinsya ni Devon.