Chapter 14

4079 Words
" Ano meron bang Vasquez sa Visaya?" " Sobrang laki ng Visaya, Louis! Maraming lumalabas na Vasquez pero hindi kasing mata ni Devon. Sinearch ko na nga na VASQUEZ GRAY EYES EH wala pa rin " Napakamot naman ako ng ulo ng hindi kami makakuha ng impormasyon. After akong maihatid ni Caspian sa Brooklyn University ay dumiretayo agad ako sa laban nila Austin, halos sabunin naman ako ni Chase at Winter ng ibat ibang tanong kung bakit late na ako nakarating .. mabuti na lang at naunang umuwi si Huxley dahil kung nag kataon ay yari na talaga ako. Tinapos namin ang awarding kaya late na kami nakauwi. Gianna , Jace and Austin won the the game at pare parehas silang mvp sa kanilang team kaya hindi kami nag kaundagaga na mag cheer, napaos pa si Winter na ngayon ay nasa kwarto niya at nag papahinga na. Alam na ni Austin at Gianna kung saan ako galing at alam na rin nila na  nameet ko na ang may ari ng Garshfield. Kitang kita ko ang pag igting ng panga ni Geon at Austin tila hindi nila nagustuhan kung sino ang nakilala ko. Sinabi pa ni Austin na sa susunod na susugod ako isama ko siya pero hindi kona sinabi sa kanila na hinatid ako ni Caspian at baka lalo lang nila ako pag bawalan na mag desisyon. " Meron akong nakita na Vasquez family ito na yung pinaka sulok sulakan ng Visaya. " Nag search pa kami ng kung ano ano hanggang sa parehas nga namin nakitang may pamilyang Vasquez sa visaya.  " Ang usap usapan sa campus ay galing siya sa probinsya, sinabi rin na hindi sila ganon kayaman dahil scholar lang ito ng Brooklyn university at gaya nga ng sabi nung Caspian marami sila mag pipinsan. Baka ito na iyon .. " Lumapit ako dito at tingnan kung gaano kalayo mula sa Manila. " Mga ilang oras ang biyahe dyan?" " Oh my gashh Louissa don't tell me na pupunta ka sa kasulok sulakan niyan?" Mukang nabasa niya agad ang nasa isip ko kaya napatayo siya at hindi na napigilang mag react. " Are you obsessed with him Louis? Oh my goodness Inlove kana! " " Then so be it!" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon ng diretsyo , hindi ko naman din kailangan mag paliwanag o mag explain dahil ako yung taong makikita lahat sa gawa ang nararamdaman. Tinakpan niya ang mga bibig at nag tatatalon. Never akong naging ganito sa isang tao! Siguro dahil walang tumatagal na manliligaw ko. Kung hindi pinag tutulakan ni Daddy si Huxley at Geon naman ang nananakot. Naranasan ko na din naman na mabigyan ng mga flower at chocolates pero ayaw lang talaga ni Huxley at Geon na padalos dalo ako dahil sila ang bantay ko, Habang masakit naman ang ulo ni Chase at Austin dahil sila naman ang naka tokang mag bantay kay Gigi at Winter. One time ay narinig ko si Chase na sumusuko na dahil sa daming humahanga kay Winter puro lalaki ang nag aabot ng kung ano ano, inis na inis siya kapag si Winter ang kasabay niya sa kotse dahil nadudumihan ang kotse ni Chase sa dami ng bulaklak at kung ano anong regalo. " Umamin kana no? " " Paano nga ako aamin eh hindi ko nga siya makita! " Namumula na din ang muka ko pero hindi na din ako nahihiya dahil si Gianna lang naman ito at malaki din ang tiwala ko sa kanya. " OMYYYYYY! " Nag sisigaw siya habang tumatalon tila hindi makapaniwala na nauna akong mag confessed sa pinsan kesa kay Devon. " Paano kung pumasok na siya sa lunes? Aaminin kana ba?" " No! Gusto ko muna siyang makilala .. Marami pa akong gustong malaman tungkol sa buhay niya at kung sino ba talaga siya. " " Ngayon lang kita nakitang ganyan Louis! Ang cute mo naman ma inlove buwis buhay hahahha." " Bakit inlove ka din naman ahh?" Pang huhuli ko sa kanya, kitang kita naman kung paano namula ang mag kabilaan niyang pisnge hindi niya inaasahan na ibabalik ko sa kanya ang tanong. " Duh? I'm not inlove!!!"  Inirapan niya ako, Unti unti ako lumapit dito na may mga ngisi sa labi. Kitang kita naman ang kabado niyang mata tila hindi nagugustuhan ang pang aasar ko.  " You like him right?" " E-Excuse me hinding hindi ko yon matitipuhan! Nuknukan ng yabang ang kupal na iyon.  Never in my wildest dream .. NEVER! Sinusumpa ko yang si Jace." Pinigilan ko ang sariling matawa sa harapan niya, Kung makita lang siya nila Austin na ganito ang hitsura paniguradong tumpulan na naman siya ng tukso. " Wala naman akong binanggit na pangalan eh. So si Jace pala? " Ngisi ngisi ko rito pero para na siyang tambutcho na handa ng sumabog. Nanlalaki ang mga mata niya at hindi na alam ang sasabihin kaya tumawa na ako ng malakas. " Hahahahaha huli pero hindi kulong hahahah" " Bwisit ka Louis!" Inis na inis siyang nilagpasan ako. Hayy nako Gianna bakit ba kasi napaka indenial mo? " Hoy Gigi saan ka pupunta? Sasamahan mo pa ako mag research!" " Pumunta ka ng visaya mag isa! Maligaw ka sana! " Tawang tawa akong pinanuod siyang bumaba, Inubos ko muna ang juice sa lamesa bago sumunod sa kanya. Pagkapasok ko ng kwarto ay chineck ko agad ang cellphone kung may mensahe si Devon pero wala pa din, Sabi ni Harris ay kasama nito ang pamilya niya kaya wala naman akong dapat ikabahala. " Louissa " Muntikan na akong mahulog sa upuan ng makita si Winter na nakabalot ng comforter ang buong katawan, para siyang multo. " My goodness Winter bibigyan mo ba ako ng sakit sa puso?" Nakatayo lang siya at mukang kakagaling lang sa tulog dahil pa pikit pikit pa ang mata.   " I'm sick Louis. " Mabilis akong tumayo at lumapit dito, hinawakan ko ang leeg at sobrang init nga.  " May ubo kaba at sipon?" Tumango tango naman ito. Inalalayan ko siyang makabalik sa kwarto niya. Siguro ay nakuha niya ito kanina dahil sobrang init sa field at pabalik balik sila sa gym, nagasgasan na ng tuluyan ang lalamunan niya dahil sa kakasigaw kanina, paano ba naman nakikipag kompetensya pa ng ingay kila Cherry. Inabutan ko ito ng gamot at tubig bago tinakpan ng comforter para makapag pahinga na.  " Winter kung may kailangan ka katabi mo lang ang kwarto ko o tawagan mo lang ko dyan sa phone. " " I have an appointment tomorrow Louis can you attend that for me? " " No problem. Sinong kasama ko?" " Si Geon. " Tumango tango ako at inayos na ang higaan niya bago umalis. Nag iwan din ako ng mensahe kay Geon na ako ang sasama sa kanya bukas para hindi na niya istorbohin si Winter. Maaga akong nag ayos para sa isang business event. Launching ito ng bagong branch ng Cobb suites. Bago umalis ay dumaan muna ako sa kwarto ni Winter para bisitahin siya. Mahimbing ang tulog nito habang naka upo ang kanyang ina sa kama.  " How is she Tita?" " May trangkaso ata, papunta na si Doc.Aquino para I check siya. " " Update mo ako tita kung anong findings, aalis po muna kami ni Geon." " Alright! Be safe "  Hinalikan ko muna ito sa pisnge bago nag paalam. Geon is waiting on me at the parking space laking gulat ko naman ng makita si Chase sa front seat kaya sa back seat na lang ako pumwesto. " Sasama ka Chase?" " Yup! May lakad daw si Tito Yousef kaya ako na lang muna. Kamusta na si Winter?" Inalala ko naman ang hitsura ng pinsan kanina habang nakahiga sa malaki niyang kama. " Mukang masama talaga ang pakiramdam, hindi maka bangon eh. " " Napagod siguro yung katawan niya kahapon, whole day ba naman siyang nag sisisigaw. " -Geon Pinaandar na ni Geon ang kotse kaya nag kanya kanya na kaming seatbelt. Ganito palagi ang buhay namin bilang mga anak ng negosyante, Yung iba umaatend dahil mahal din nila ang negosyo at gusto pang may matutunan samantalang kami umaattend lang dahil napilitan.  " Papunta na din naman si Doc. Aquino diba? " -Geon " Oo! andoon na din si Tita Whitney  para bantayan siya. " " Nag dinner ba iyon kagabi?" -Geon " Oo pero konti lang, nararamdaman na siguro niyang masama ang pakiramdaman niya kaya maaga siyang umakyat. " - Chase Hindi namin ugaling lumapit sa pamilya pag may mga sakit kami. Hindi sa mataas ang mga pride namin pero nasanay lang talaga kami na kami kami lang mag pipinsan ang nag aalaga sa isat isa. Paniguradong kapag nagising si Winter at nakita ang Mommy niya na inaalagaan siya ay aakto na naman siyang magaling kahit hindi naman talaga.  " Sinabihan ko naman na si Gianna na bantay bantayan si Winter.  Magiging okay din yon."-Geon Tumango tango naman kami at hindi na umimik pa hanggang sa makarating kami ng Cobb suites. Pilit na ngiti ang binigay ko ng lumabas kami galing sa sasakyan. Gusto ko man ikunot ang kilay dahil sa sakit ng flash mula sa mga camera ay kinontrol ko na lang ang sariling hindi ma inis sa mga ito. " Good morning Geon" Binati siya ni Mrs. Laxxira kasama nito ang magandang anak na si Luxxerry. Tama nga talaga ang usap usapan sa Brooklyn University isa ito sa pinaka magandang babae na naka graduate doon. " She's so graceful " Bulong sakin ni Chase kaya siniko ko na lang ang kapatid. " Hi nice to meet you. I'm Louissa Henderson." Pinunas kopa sa dress ang pawisan na kamay bago inabot dito mukang napansin niya ito dahil nakita ko siyang natawa.  " Pleasured to meet you Louissa. Luxxery " Inabot ko ang malalambot niyang kamay at ngumiti. Nag tungo na kami sa lamesa kung nasan si Jace at Zonari kasama ang kanilang Daddy. Nakipag besos naman ito sakin bago kami umupo. Nag salita na si Mrs. Luxxery tungkol sa pagpapatayo nila ng bagong hotel. Hindi naman ako maka pag concentrate at pinipilit marinig ang bulungan ni Chase at Zonari. " Is she okay? I .. I mean Is she doing well?" Kumunot ang mga noo ko at inaayos ang pwesto sa upuan para mas marinig sila pero mas hininaan nila. " she's fine. " mahinang ganti ni Zonari Napaisip naman ako kung sino ang pinag uusapan nila hanggang sa makuha ni Caspian ang atensyo ko, nakaupo ito sa pinaka dulong lamesa katabi ang mga Brooklyn. Tinaas baba niya ang kilay tila ba nang aasar kaya sinimangutan ko ito. Andito na naman ang may sayad na lalaking yan. Tiningnan ko naman ang katabi niya. Harris still looking bold and strong with his serious look katabi ang isang pamilyar na babae. Nakita ko na iyon ha? Pinikit ko ang mata at hinilot hilot ang sintido pilit inaalala kung saan ko nga ba nakita ang babaeng katabi ni Harris. Sa school? hotel? church? resturant? business events ? mall? " Anong ginawa mo Louis" Napatingin naman ako kay Geon na naweweirduhan sa ginagawa ko. Naka hawak ako sa sintido ko habang iniisip kung saan ko nga ba nakita ang babaeng iyon. " Do you know her?" Nguso ko sa babaeng katabi ni Harris. " She's not familiar. Bakit kilala mo?" " Kaya nga ako nag tatanong kasi hindi ko kilala pero sigurado akong nakita ko na siya .. hindi ko lang alam kung saan. " " Si Harris at Caspian lang ang kilala ko. The rest anak na yan ng mga Brooklyn. " Huminga na lang ako ng malalim at isinantabi ang pag iisip kung saang lupalop ko nakita ang babaeng iyon. Pagkatapos ng mahahabng explanation ni miss Luxxery ay nag kasiyahan na ang mga businessman. Gaya ko na walang pakielam sa negosyo ay dumiretsyo na ako sa buffet table at kumuha na lang ng wine habang pumapapak ng ham and cheese. " Where's your cousin Winter? Kaya pa naman ako pumunta rito dahil  alam kong pupunta siya. " Halos malaglag ko ang hawak na cheese sa gulat ng tumabi sakin si Caspian at mas lalo akong kinabahan ng makitang nakatingin samin si Geon, Chase,Zonari, Harris at ang misteryosang babae sa tabi ng kapatid niya.  " Can you greet me nicely? Hindi yung basta basta ka na lang sumusulpot na parang kabute." " I don't need to do that Louissa! Isa pa si Winter ang pakay ko dito. " Napakunot naman ang kilay ko ng ibroadcast niya pa ang pangalan ng pinsan ko. Kung kahapon ay hindi niya masabi kung sino sa mga henderson ang tinatanong niya aba ngayon naman ay parang pag mamay ari na niya ito kung banggitin niya ang pangalan. At talagang sa lahat ng Henderson yung pinaka brutal pa ang gusto niya.  " Ahhh type mo pala si Winter  .. hahaha good luck. " Nakangisi ako dito at kitang kita ko din ang kayabangan niya sa muka. Kung anong kinatahimik at kinabait ng kapatid niya yon naman ang kinakapal ng muka niya. Ampon siguro to! " So where's your cousin?" " May bayad ang sagot ko Mr. Garshfield " " Sino si Devon? Nakauwi na siya kagabi at papasok na siya bukas. So tell me kung nasan si Winter .. bakit ikaw ang nandito imbis na siya?" Kitang kita ang sabik niya sa sagot ko pero natabunan non ang saya sa puso ko. NAKAUWI NA SIYA? PAPASOK NA SIYA? SO ANG IBIG BANG SABIHIN AY MAG KIKITA NA KAMI BUKAS? " You're not kidding right? " " Im not! Dalian mo .. sagutin mo na ang tanong ko. " Automatiko naman akong napanguso ng malaman na papasok na si Devon. Ang tagal ko na siyang hindi nakita at gustong gusto ko na siya makusap. " Heyyy your spacing out! " " Ahhh si winter? " Tumango tango naman ito na parang baby. Para siyang bata na excited bilihan ng laruan. " May sakit kaya ako ang pumalit sa attendance niya. " Ininom ko ang wine at kinain ang natitirang cheese sa platito. Napatingin naman ako kay Caspian na natahimik at nag bago ang ekspresyon ng mata. Kung kanina puro kayabangan siya ngayon naman ay parang gusto na niyang umuwi dahil wala na siyang mukang ihaharap. " Is she fine?" Humarap naman ako rito at umiling, nginuya muna ang pagkain bago mag salita. " Masama ang pakiramdam niya. Meron siyang LAGNAT, UBO, SIPON. " Kinagat naman niya ang labi at iniwan ako sa buffet table kaya bumalik na lang ako sa table kung nasan sila Geon. Kitang kita naman ang pag taas ng kilay ni Chase mukang ma iissue na naman ako sa mga pinsan ko.  " Ang saya saya ahhh " -Chase Sabi ko na nga ba eh.  " Masarap yung ham and cheese? "  " Close pala kayo ni Caspian? Isa sila sa kalaban niyo pag dating sa mga properties diba?" -Jace Nginisian ko na lang si Jace at inihanda ang malupit na alibi. " Close? Lumapit lang siya para sabihing pababagsakin niya ang mga Henderson kaya sinagot ko rin na papabagsakin ko ang mga Garshfield .. nakita mo naman nag walk out diba?" Kitang kita ko ang pag nguso ni Geon, alam kong hindi siya naniniwala sa sinasabi ko. " Gago yon ahhh! " -Jace " Don't mind him Jace. Hindi naman ako triggered. " Nilagok ko ang natitirang laman ng wine glass bago inayos ang sarili para mag paalam na sa pamilyang Cobb. Nag pasalamat naman sila samin at hindi na naman maiwasan ni Chase ang mga bulong niya kay miss Luxxery.  " Bakit hindi niyo pinormahan si Miss Luxxery? Single ka naman Geon .. single din si Austin at Huxley .. kung kasing edad niyo lang ako liligawan ko yon hahahaha" Binatukan naman ni Geon si Chase kaya inayos niya ang nagulong buhok. " Hindi ka makaka porma doon at binakuran na iyon ng isang Johnson." - Geon " At isa pa hindi iyon type ni Austin at Kuya. " " Yung mga type ni Austin alam ko pa eh pero kay Kuya Huxley .. ewan ko doon walang pakielam sa babae. Ano bang type non sa babae Geon?" Kamot kamot ni Chase ang ulo habang nag aantay ng sagot kay Geon.  " Si Austin kasi gusto niya yung kasing kulit niya .. gusto niya yung napapasaya siya hahahaha! Si Huxley gusto ata non matataray yung mga suplada! Alam mo naman yon gustong gusto yung na chachallenge siya. " - Geon " Hindi kona tatanungin kung sinong type mo, Obvious naman na si Akiko yon hahahaha" " Hindi ko siya gusto." Parehas naman kaming napalingon ni Chase dito. Hindi namin inaasahan iyon lalo na ako, parang nung nakaraan lang ay curious siya sa fortune teller ni Akiko tapos ngayon sinasabi niyang hindi? Nang makarating kami sa parking lot ay sabay sabay kaming pumunta sa pwesto namin pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng kotse ay may humawak na sa braso ko kaya mabilis ko itong nilingunan. I saw Caspian holding a big basket of fruits and flower. Akala mo ay madadalawing pasyentesa hospital at ready na ang mga pasalubong niya. " What?" Hindi na nag bago ang ekspresyon ng kanyang mga mata. " Just give it to her. " Nilingunan ko si Geon at Chase na ngayon ay pinapanuod ako mula sa labas. Nag aantay na sapakin ko ang nasa harapan para makaalis na kami. " Marami kaming prutas sa bahay Caspian." " Marami nga hindi naman galing sakin." Napa buntong hininga na lang ako ng sapian na naman siya ng kayabangan. Kinuha ko ang basket na hawak niya para makaalis na pero pinigilan na naman niya ako sa pangalawang pag kakataon. " Ano ba? Nag aantay yung pinsan at kapatid ko!" " Iupdate mo ako kung ano ng lagay niya." Inabot niya ang isang manipis na calling card. Hindi kona napigilang ang bunganga. " Hindi ba masyado kana atang demanding? Anong mapapala ko dito ahh? Sunod sunod na yung hiling mo Caspian!" Pwersahan niyang nilagay ang kulay asul na calling card sa kamay ko. Habang sinalubong ako ng makakapal niyang kilay. " Huwag kang mag alala Louissa, Kung may kailangan ka huwag kana dumiretsyo kay Harris sakin kana rumekta! Lahat ng kailangan mo pupunuin ko .. Wala akong pakielam kung may masagasan akong tao sa gusto mo basta ang kapalit lang ay yung pinsan mong si Winter." Hindi kona ito hinayaang maka pag salita pa at baka dumami na naman ang hiling kaya mabilis na akong pumasok ng kotse. Kitang kita ko sa salamin kung paano ako sabunin ni Chase. " Nililigawan kaba non?" Tanong ng bunso kong kapatid habang naka tingin sa basket na hawak ko. " Don't worry Chase hindi siya type ni Louissa. " Pagbabago ni Geon ng usapan " Oo nga pala speaking of Devon .. hindi ko na nakikita iyon" -Chase Hindi ko na naman maiwasang mapangiti ng malaman mula kay Caspian na nakauwi na ito at makakapasok na bukas. Meaning magkikita na kami. " She's in love Geon. Look at her .. she's smiling like an idiot" " I heard you dumbass " Sabay silang natawa kaya pinaulan ko na lang sila ng irap. Nang makauwi kami sa mansyon ay dumiretsyo kaagad ako sa kwarto ni Winter. Naka sandal ito sa headboard ng kama niya habang nasa tapat niya si Gianna naka indian sit at kumakain ng potatoe chips.  " Ow your home?" Nilapitan ko ito at chineck kung mainit pa at nakahinga naman ng maluwag ng bumaba na ang lagnat niya. " Are you okay now? Ano na lang nararamdaman mo?" " Masakit na lang yung lalamunan ko at may konting sipon pa." Tumango tango naman ako at umupo na din sa kama hawak hawak ang malaking basket kaya napukaw nito ang atensyon ng dalawa. " Another gift? Mapupuno na ang kwarto ni Winter ng mga regalo galing sa mga fans at iba't iba niyang sponsor. " -Gianna " Kanino galing?" -Winter Tiningnan ko muna ang pintuan at nakitang naka sara na ito kaya binalik ko na ang paningin sa kanilang dalawa. Inabot ko kay Winter ang basket pero hindi kasama ang calling card dahil kakailanganin ko pang tawagan ang ugok na iyon. Hindi ko alam bakit ba ako nag papauto sa kanya. " Oww grapes. " Kinuha agad ni Winter ang mga ubas at pinag kakain. Pinanuod ko lang itong nag eenjoy hanggang sa ibinalik na naman niya sakin ang tanong. " Kanino galing?" " Kay Caspian" Sabay pa silang nabulunan ni Gianna kaya dali dali akong tumayo para bigyan sila ng tubig. Nang mahimasmasan na ay ibinalik kona ang tingin sa kanya na ngayon ay ibinaba na ang hawak na basket. " That guy really gettin in to my nerves" Hinilot hilot niya ang sintido para bang nauubusan na siya ng pasensya. " Are you guys dating?" Inekis niya ang mga braso tila diring diri sa narinig. " For your information my beautiful cousins .. Dead na dead siya sakin! SIYA SIYA! " Na kwento ko na kay Gianna ang tungkol kay Caspian pero parehas din kaming walang alam na pinopormahan niya nga talaga si Winter. "How did you guys met?" -Gianna" " Unang kita ko sa kanya sa business events ng mga Alohi! Doon na siya ng aasar na akala mo ay close kami. Sunod naman may isang photoshoot akong tinanggap hindi ko alam na isa pala siya sa mga board doon.. nalaman ko lang after the shoot!  DYUSKO BUNTOT NA NG BUNTOT!" Kitang kita ang frustration sa mata ni Winter. " Kelan kapa pinopormahan non ? Bakit hindi mo man lang sinasabi?" "It's not a big deal. Hindi ko naman siya pinapansin at isa hinahayaan ko lang siya .. hindi ko naman alam na aabot sa ganito .. at talagang siya ang nag bigay niyan ahh. Kinausap kaba?" -Winter Napatingin naman ako kay Gianna na ngayon ay hinuhuli din ako. Kaya pinilit kong kinalma ang sarili. " Pinabibigay lang niya." " Nag kikita pa din ba kayo?" -Gianna "Kapag may fan meet ako or may shoot palagi siyang present, Kulang na lang maging president siya ng fans club ko! Kaya hindi na din ako sumama ng business events at for sure makikita ko na naman ang muka niya. Pag nalaman ni Daddy na umaaligid yon dyusko sa kangkungan ako pupulutin!" " Devon is working at Garshfield Properties." Nanlaki na naman ang mata ni Winter ng umamin ako sa kanya. Ayoko naman itago ang tungkol doon dahil naging open naman si Winter kay Caspian, Meron lang talagang time na hindi niya matikom ang bibig sa sobrang excitement and it turns out nasasabi niya lahat kahit hindi naman dapat sabihin. " Are you freaking serious? " -Winter " Yeah. Mag pahinga kana muna dyan at mag papalit lang ako ng damit." Tumayo na ako at nag paalam para maka pag palit na ng damit. Tiningnan ko muna ang cellphone  kung may mensahe galing kay Devon pero wala pa din. Okay na siguro yung ganito at least alam ko na naka balik na siya at mag kikita na kami bukas. Napatingin naman ako sa hawak kong calling card at kitang kita ang pangalan ni Caspian. Nag tipa ako ng numero sa cellphone at tinawag ito. " Louissa ikaw ba yan?" Para bang ineexpect niya talaga na ako ang tatawag o kanina pa siya nag aantay dahil sa tono ng boses niya ay mukang sabik na sabik siya. " Wow ahh? So you really expecting my call?" " Alam ko naman na marunong kang sumunod sa usapan. Ano ? Kamusta? Magaling na ba siya?"    " Shes fine now. Medyo masakit lang ang lalamunan. Okay kana? Pwede na siguro akong mag pahinga ano?" " SANDALI! " Napapikit naman ako sa pag sigaw niya. At talagang may pahabol pa siya??? " Did she .. accept the basket?" " OO KUMAIN SIYA NG GRAPES! GRAPES LANG! " Rinig na rinig ko naman ang mahihinang tawa niya tila nag wagi siya sa isang paligsahan. Tawang tawa ka dyan Garshfield .. kapag nahuli ka ni Tito Bale ay yari ka! " Okay masaya na ako. Kahit anong hiling mo sagot ko na! Tawagan mo lang ako. " " Whatever Caspian! " I ended the call and let out a big sigh. Hinilot ko ang sintido at pumikit ng mariin. I really missing you right now Devon.  I hope he can magically pop into my room and give me a tight hug until i fall asleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD