Chapter 15

4936 Words
Ngayon lang ata ako nagising ng alas singko ng umaga. Kung dati rati ay eksakto akong pumapasok ngayon naman ay sobrang aga na. Mabilis akong naligo at nag ayos, Naglakad agad ako papunta sa kwarto ni Gianna na naabutan ko pang nakahiga sa kama habang nag cecellphone. Napatingin naman siya sakin ng may pag tataka sa mata. " Masyado ka naman atang seven a.m pa ang first subject mo diba?" Lumapit ako rito para bumulong dahil baka may makarinig dahil ganitong oras nagigising ang mga parents namin. " Meron ka pa bang cake sa ref?" Pumikit ito tila inalala kung may nagawa siya at natira pa. " Meron pa atang banana cheesecake doon .. pero baka hindi yon magustuhan ni Devon." " Shhhhh " Sumenyas ako para itahimik niya ang bibig pero ngumisi lang ito at bumangon. " Sabay na tayo pumasok ahh. Mag aayos lang ako." Tumango naman ako at dumiretsyo na sa baba. Naabutan ko naman si Mommy tahimik na nag babasa sa laptop habang umiinom ng kape. " Good morning Mommy." Lumapit ako rito na ngayon ay sinalubong ako ng yakap. Tinagilid niya ang muka na para bang binabasa niya ang hitsura ko. Kumunot naman ang kilay niya at umiling. " Mom what are you doing?" " Weird" Hindi ko naman pinalampas ang komento na iyon. " Ako weird? Paano mo naman nasabi Ma?" Ininom na niya ang kape at umiling. " Hindi ka naman ngumingiti ng ganyan. Sobra na ata yan Louis" " Ikaw ang weird mommy! Bawal ba akong maging morning person." " Knowing you Louis? you're not a morning peron. " Niyakap ko na lang ito para hindi na mag tanong sa mga kinikilos ko at baka makarating pa kay Daddy. Hindi ko hahayaang may sisira ng araw ko.  " Wait lang mommy at kukunin ko lang po ang baon ko. " Tumango naman ito kaya mabilis na akong pumunta sa refrigerator at kumuha ng dalawang slice ng banana cake at inilagay sa box na ginagamit ni Gianna. Tinago ko na ito sa bag para hindi na makita at masita ng kung sino. Sabay na bumaba si Austin at Gianna kaya sabay sabay na din kami nag breakfast, si Mommy pa ang nag asikaso samin. " Hows Louissa in school? " Tanong ni Mommy kay Gianna at Austin. Napatingin naman ang dalawa sakin na handa na akong ipagtanggol sa kung anong itinatago ko. " She's doing well Tita! Wala naman pong problema kay Louis." Kalmadong sagot ni Gianna " How about her suitors? Marami ba?" " Mommy!" Saway ko rito pero binigyan niya lang ako ng ngisi. " Hindi naman sila nauubusan ng suitors,Tita lalo nayang si Louis at maraming nag kakagusto na senior dyan pero hindi naman maka porma at bantay sarado ni Huxley at Geon." -Austin Kitang kita sa muka ni Mommy na nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Hinawakan naman niya ang braso ni Gianna at ito naman ang ginisa. " How about you Gianna? Paniguradong marami ito!" Sasagutin na sana ni Austin ng dumating si Chase at umaalingasaw ang paboritong pabango. " Good morning Ma." Lumapit ito kay Mommy at humalik. Sumabay ito sa pag aalmusal namin at hindi na masyadong nag tanong si Mommy dahil nag mamadali rin ito. Aalis kasi sila ni Tita Zahava. Ang Mommy ni Jace.  " May banana cake pa?" Napatingin naman kami kay Chase na nag bukas ng ref. " Meron pa dyan!" " Apat to kagabi ahh bakit dalawa na lang? Pinagawa ko ito kay Gianna sinong umubos?" Gianna giving me a funny look. Gusto niya ako ilaglag sa kapatid pero pinakalma na lang niya ito.  " Gagawan nalang ulit kita kapag maaga akong nakauwi" -Gianna Kamot kamot ni Chase ang ulo habang lumabas sa car park. Pinili na lang ni Gianna na sumabay kay Chase kaya kay Austin na ako sumabay. " You should ask your Dad Louis." " About what?" " Na ibalik na ang mga kotse niyo. Paniguradong nakalimutan na nila ang mga kasalanan niyo dahil sa sobrang busy nila. " " Susubukan kong tanungin kapag nakita ko siya sa bahay. " Mabilis naman kaming nakarating ng Brooklyn university. Kitang kita ko ang mga studyante na nag tutumpulan na para bang may matinding balita at nahuli na kami. " Mauna na ako Austin. " Nag paalam ako kay Austin at umakyat na kaagad sa classroom, nakita ko agad ang best friend na si Akiko na nakaupo na sa pwesto namin. Binigyan naman niya ako ng malungkot na tingin. " What's with that look Akiko? Huwag mong sabihin idadamay mo ako sa bad vibes mo?" " Did you heard about the news?" " News?" Kinabahan naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. " Usap usapan kasi na aalis na si..  Devon ..tatapusin niya lang ang paparating na linggo at aalis na." Parang kabayo ang puso ko sa narinig. Aalis? Bakit? " B-Bakit daw?" " Ang sabi daw ay bumagsak daw ang negosyo ng pamilya niya sa probinsya at wala ng pantustos sa kanya. Nag hihirap na daw! Iyon ang narinig kong pinag uusapan ng mga engineering at architecture student." Parang dinaganan ang puso ko at gusto ng maiyak. Lalabas sana ako para hanapin ito pero sakto naman ang pag dating ng aming proffesor kaya naupo na lang ako at inantay matapos ang buong subject. Nang matapos ang unang subject ay mabilis kong iniligpit ang mga libro. Mabilis akong bumaba at nagulat ng salubungin ako ni Austin at Geon sa entrance ng building. Alam kong nakarating na sa kanila ang balita at paniguradong babalaan na naman nila ako sa kung anong balak na gawin pero mukang wala na atang makaka pigil sakin. " Hindi muna ako mag lulunch. Isama niyo muna si Akiko .. babalik na lang ako next subject." " Louis! " Seryosong tawag sakin ni Geon pero hindi ko ito nilingunan. Madapa dapa akong pumunta sa Engineering building at tinanong ang mga engineering student na nag kalat sa baba ng building. " Nakita niyo ba si Devon?" " Hi Louis! Nasa dean's office kinakausap ata .. kalat na kalat na yung balit.." Hindi kona ito pinatapos at nag tungo sa Deans office at imbis na si Devon ang makita ay na salubong ko ang kapatid na ngayon ay masamang masama ang tingin sakin. " What are you doing huh Louissa? Are you out of your mind?" " I just wanted to talk to him Huxley ano bang masama doon?" " He needs time Louis! Give it to him." Naiiyak akong tumingin dito at kitang kita ang pag igting ng kanyang mga panga at halos tabulin ang puso ko ng makita si Devon sa likuran niya.  " Can I talk to her Huxley?" Nilingunan siya ni Huxley at inilipat ang paningin sakin. Dinilaan nito ang labi bago tumango. Binigyan naman ako ng nakakatakot na warning ni Huxley. Nag lakad ito palayo at ngayon ay naiwan kaming dalawa sa tapat ng clinic. Hindi ko alam kung saan niya nakakuha ang lakas ng loob na ngumiti, alam kong wala ako sa linya para kwestyunin kung bakit hindi siya nag pakita ng ilang araw at ito pa ang balita na maririnig ko pag katapos ko mangulila sa kanya. " Hi." " You leaving? " Tipid itong ngumiti at humakbang, napaatras naman ako.  " I'm asking you Devon .. are you leaving for real?" Parang dinurog na paminta ang puso ko ng hindi ito sumagot at mas gusto kong maiyak ng umiwas ito ng tingin. " I need to go back .. We're loosing our business." Unti unting namuo ang mga luha saking mga mata ng kompirmahin niya nga ang usap usapan na kumakalat sa buong campus. " Mag kano ba ang kailangan mo? I can help you with that D-Devon just tell me! " " I don't need your money Louissa! What I need to do is to go back .. " " But ... But I want you to stay ... Just tell me how much do you need ... I want you to stay Devon ... " " Louissa I don't need your help ... My family needs me so bad. " Napahinto ito ng makita niya ang sunod sunod na pag agos ng luha ko. Lalapit pa sana siya ng humakbang na ako paalis. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nadapa ako dahil sa taas ng sapatos na suot. Napaangat ang mga mata ko ng may humawak sa braso ko para itayo ako. Geon, Austin, Gianna, Akiko and Winter throwing a pitty look toward me. Mariin akong itinayo ni Austin at pinunasan ang mga mata. " I-I want to go home." Naiiyak kong pakiusap sa kanila kaya inalalayan ako ni Geon hanggang sa makarating kami sa parking lot. Isinakay niya ako at inihatid sa bahay. Nag kulong ako sa kwarto at nag iiyak mag isa. Bakit kung kelan nakikilala ko na ang nararamdaman saka naman siya aalis? saka naman niya ako iiwan? Desperada akong nag ayos ng sarili at nag hilamos. Pilit kong kinalma ang sarili at siniguradong hindi galing sa matinding iyak. Kumatok ako sa opisina ni Daddy at saktong nakasandal ito sa swivel chair at mukang may pinipirmahan. Pinanuod niya akong lumapit sa kanya. " Kamusta kana? Inuwi ka raw at masama ang pakiramdam mo. "  " I-Im fine D-Daddy .. "  " Are you sure?" Ibinaba niya ang salamin at sinuri ako. Iniwas ko naman ang paningin at huminga ng malalim. " Dad.." " Bakit may problema ba?" " Ahm ... about my debut" Nagliwanag naman ang mata nito at tila nakuha ko ang buong niyang atensyon. " Oh what is it? Anong plano mo? I can give you an elegant debut .. name your price anak" " C-Can I .. " Malalim itong tumingin sakin at pilit binabasa ang emosyon ko. " Can you give it to me .. cash?" Walang pag aalinlangan kong sagot. Kumunot naman ang makakapal niyang kilay at tumango. " Ayaw mo ba ng engrandeng debut? Saan mo naman gagamitin ang pera?" Kinakabahan akong tumingin sa kanya. Alam kong kasinungalingan lang lahat ng ito pero ngayon lang ako mag sasakripisyo sa taan ng buhay ko para sa taong pinaramdaman sakin kung ano ang salitang pag-ibig. " I'm planing to buy a condo or car .. " " I'm sure kaya kang regaluhan nila Tito Yousef mo niyan! Ayaw mo ba imbitahan lahat ng kaibigan mo?" " I want a customize .. condo or car daddy .. ahh . Mahal yon kaya gusto ko po sanang i cash na lang .. we can still have a simple dinner on my birthday daddy." " Why is that?" Sumasakit na naman ang puso ko sa pag sisinungaling. NEVER KO ITONG GINAWA AT SANA MAPATAWAD AKO NI DADDY. " N-Naiingit po ako sa mga classmate ko .. meron silang sariling .. c-condominium" Tumango tango naman si Daddy at humarap sakin. Alam kong malaking kasalanan ito pero sisiguraduhin kong mababayaran ko sila sa tamang panahon.  " 10 million ang pinaka mababang offer ng mga Cobb sa kanilang conduminium .. I'll give you 15 million para maka bili kapa ng mga gusto mo. Is that okay?" " That's too much Daddy! Malaking bagay na po iyan." " Kailan mo ito kailangan?" "T-Tomorrow." Napa letrang O naman ang bibig niya tila nagulat sa hiling ko. Alam kong may pag dududa siya sa sinabi ko kaya paniguradong paiimbistigahan niya ako. Kaya bago paman niya malaman iyo ay kailangan ko ng mahawakan ang pera sa madaling panahon. " Daddy .. never po akong humiling sa inyo kahit nung bata po ako. Alam ko po masyadong mabilis at masyado po akong demanding p.." " I'll contact my assistant about that .. Kung maayos baka ma transfer niya na ng maaga. I know Louis .. I trust you." Lunok lunok ko ang laway ng lumabas ng opisina ni Daddy. Tinawagan ko naman si Akiko na dumiretsyo sa bahay at kailanganin ko siya sa plano ko. Wala akong ginawa kung hindi ang mag kulong at mag isip. Pilit nilalakasan ang loob dahil alam kong pag katapos ng gagawin ko buong Henderson ang kakalabanin ko. Bitbit ang isang box ng pizza ay ibinababa iyon ni Akiko sa table ko. Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko. Never kong naranasan ng mabaliw sa isang tao at mukang ngayon na iyon. " How's your feeling? " " Nasasaktan ako .. at alam kong mas masasaktan ako sa gagawin ko. " Kinwento ko sa kanya lahat ng balak kong gawin. Kitang kita sa reaksyon niya na pati siya ay hindi inaasahan ang mga plano ko. " Louis .. that's too risky" " I know! I wanted to help him! K-Kasi ayoko siyang umalis .. Ayoko siyang mawala." Niyakap naman ako ni Akiko at sinamahan sa lungkot na nararamdaman. Wala na akong ibang malalapitan kung hindi siya at alam kong siya na lang ang mapag kakatiwalaan ko sa lahat. " Akiko I'm sorry .. pero if you can't do it maaintindihan ko.. Ayoko din naman na madamay kayo pero wala na akong malapitan sa ngayon dahil alam kong hindi ako tutulungan nila Huxley." Pinunasan niya ang mga luhang lumalandas saking pisnge. " I will talk to him. Sasabihin ko yung sitwasyon mo .. Sana .. pumayag siya." I still have one day to execute my plan. Ang sabi ni Akiko ay dalawa o isang araw na lang si Devon dahil pumirma na ito sa admin para mabawi ang mga documents niya. Pinilit nila Huxley na kausapin ako pero hindi ko sila hinaharap, hindi rin naman sila makapasok dahil nilo-lock ang pintuan. Mas nag pumilit lang silang makita ako ng sabihin ni Daddy ang plano ko para sa debut ng mag dinner sila. Rinig na rinig ko mula sa hagdan kung paano niya iannounce na itatransfer na niya sakin ang pera bukas na bukas. At alam kong alam na mga mga pinsan ko kung anong balak kong gawin. Ni lock ko ang pinto para walang maka pasok sa kwarto, buong oras ay gising ako habang inaantay ang notification mula sa bank account ko. Gaya nga ng pangako ni Daddy ay na transfer na niya ang pera bago kami sabay na mag tanghalian. Hindi ko pinapaunlakan lahat ng tingin ng mga pinsan at kapatid. Hinahayaan ko lang silang titigan ako hanggang sa mainis sila. " Did you receive it Louis? " Tiningnan ko ngayon si Daddy na naka ngiti sakin habang nag aantay ng sagot. " Yes Dad! Ahm .. pwede ko na ayusin lahat dahil rest day ko naman po. " " That's good! Rest day ng kuya at mga pinsan mo ngayon pwede kang mag pasama sa kanila. " Rest day? Sa pag kakaalam ko lahat kami ay may pasok, Nalaman lang nila kaninang umaga na umabsent ako ay nag si absent na din sila. Hindi ako tanga at alam ko kung anong binabalak nila. " I can handle this Dad. " " How about the dinner? Gusto mo bang mag out of the country or sa isang resto na lang?" -Mommy " Everything is too much! I couldn't ask for more." Patuloy lang sila sa pag uusap kaya ng matapos ako kumain ay dali dali akong nag paalam at bumalik sa kwarto. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si Caspian. Nag pasalamat naman ako ng mabilis niya itong sinagot. " What's up Louis?" " I need your help!" Natigil siya ng ilang segundo bago sumagot. " Mukang importante yan ahh. Tungkol ba kay Devon?" " He's leaving Caspian!" " Aalis siya dahil kailangan siya ng pamilya niya .. nag karoon ng problema sa negosyo nila at .." " I know! but ... but I dont wanted him to leave. " Imbis na sumagot ay binigyan niya lang ako ng malalim na buntong hininga. " Kailangan mo din isipin yung lagay niya Louissa. " " W-Wala namang kasiguraduhan kung babalik siya o hindi diba? Hanggat pwedeng gawan ng paraan bakit hindi! " " Babalik siya Louissa!" " Babalik? Eh hindi na nga niya tatapusin ang sem .. kailangan na niya umalis dahil sa negosyo nila." " Louissa hindi mo naiintindihan! " Sa tono ng boses niya ay mahahalata mong nahihirapan siya mag paliwanag. " Nag usap kami kahapon Caspian! " " Oh anong sabi niya?" " Kailangan niyang umalis! Halatang ayaw mag paawat! Saan ang babalik doon Caspian? Eh kitang kita ng mata ko na buong buo na ang desisyon niya." " Louissa .. Naiintindihan mo naman siya diba?" " Naiintindihan ko at alam kong napaka selfish ng ginagawa ko .. Ang gusto ko lang mag stay siya .. Kaya kong gawan ng paraan yung negosyo nila. " " Louissa" Tila ba nauubusan na siya ng pasensya. " Tinawagan kita kasi nangako ka na kahit anong hilingin ko ay gagawin mo. Sumunod ako sa usapan natin Caspian sana ganon ka din." Rinig na rinig ko ang malulutong niyang mura sa kabilang linya para bang gusto niyang sugudin ako at itama lahat ng pinag gagawa ko. " What is it?" " Ibigay mo sakin yung bank account number ni Devon. " " Hindi ko yan gagawin Louissa! Magagalit si Devon " " I'm asking a favor Caspian. Ito ang una at huling pakiusap ko. " " Kung galing sa Daddy mo ang itatransfer mong pera ay hindi kita matutulungan! Maraming masasagasan na tao sa gagawin mo! " " Caspian I need your help." " Kapag na trace ng daddy mo na tinulungan kita triple ang balik non sa kompanya namin Louissa!" Hinilamos ko ang palad sa muka at pinutol na ang tawag. Ineexpect ko nang hindi papayag si Caspian dahil malaking kaparaningan ang humingi ako ng tulong sa isa sa kakompetensya ng Henderson Corp.   Dinial ko ang number ni Akiko at mabilis niya namang sinagot. " Tinawagan mo na si Caspian?" -Akiko " Plan B na tayo. " Iling iling ko " Dyusko sabi ko na nga ba at hindi tutupad ang isang yan. " " Naiintindihan ko naman ang pinupunto niya. Wala na akong araw na natitira .. Pumayag ba?" " Oo pumayag siya!" Para naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib ng marinig yon kay Akiko. Kailangan ko na lang  mag impake kung sakaling ngang palayasin ako ni Daddy. " Ahmm itatransfer ko na lang sayo yung pera ikaw na lang ang mag abot sa kanya ahh. Mag iimpake na ako " " A-Anong sabi ng mga pinsan mo? Nila Kuya Huxley?" " Iniiwasan ko sila .. Alam kong gagawa sila ng paraan para mabawi yung hiningi ko. Aayusin ko  lahat, Salamat Akiko .. Utang na loob ko lahat ng ito sayo." " I got your back Louis. Iupdate mo lang ako para makapag handa din kami. " Nag paalam ako rito at inayos na ang pag transfer ng pera kay Akiko. Usapan na namin na kapag hindi pumayag si Caspian ay siya ang tutulong sakin. Sobrang risky ng plano ko hindi ko alam kung paano niya na papayag si Damien.  Kinuha ko ang malaking maleta at inilagay doon lahat ng gusto kong damit. Lahat ng kailangan ko ay inilagay ko, iniwan ko na ang mga mamahalin kong alahas at mga bag. Pag labas ko ng walking closet ay halos atakihin ako ng makita lahat ng pinsan at kapatid sa kwarto ko. Nakatingin sila sa maletang nasa likod ko at kitang kita kung gaano sila ka dismaya. " You gotta be kidding me Louis " May halong inis ang tono ni Winter " Anong ginagawa niyo dito?" Tinatapangan ko ang loob dahil masyado silang marami para usisain ako. " Pinag planuhan mo na talaga? " -Winter " I don't know what are you talking about. Just leave me alone!" Iritado kong bulyaw dito. " Ate Louis! Let Devon leave .. Huwag kang mag sakripisyo para sa kanya" -Chase " Hindi niyo ba nagegets? " " Na dead na dead ka sa kanya at kaya mong traydurin ang buong Henderson para lang sa walang kwentang pag ibig na iyan?"-Winter " Kung wala kang magandang sasabihin umalis ka na lang!" " I'll make sure na maibabalik ang milyong milyong pera na inilabas ni Tito William! Hindi sila nag trabaho para ipamigay mo lang sa isang hampas lupa." Hindi ko na napigilan ang sarili at lumandas na ang aking palad sa kanyang pisnge. Kitang kita ang gulat sa mata nila. Mabilis na humarang si Austin at Geon pilit nilang nilalabas si Winter na ngayon ay binobroadcast na sa buong mansyon ang ginawa ko. " I will tell them Louis! I will tell them! "  " Go ahaed." Kinaladkad siya palabas ni Geon at Austin, Sumunod naman si Gianna at naiwan na lang kaming mag kakapatid dito sa kwarto. " What are you doing Louissa?" Parang kulog ang tono ng boses ni Huxley habang ang busong kapatid ay nanunuod lang na pagalitan ako. " Are you out of your mind?" " YES!" " Withdraw that money Louissa! Hindi natin yan pera .. Kapag nalaman ni Daddy ang ginawa mo papalayasin ka niya." " I'm all for it Huxley." Napapikit silang dalawa ni Chase kitang kita ang dissapointment sa kanilang mga mata. Napatingin naman ako sa maid na nakayuko at nakatingin sa direksyon ko. " Ma'am Louissa ipinapatawag po kayo ni Sir William sa conference room. " Napalingon naman sakin si Huxley at Chase ang kaninang dissapointment na ekspresyon ay napalitan na ng kaba. Handa naman ako sa lahat ng mangyayari at ito na rin siguro ang pintuan para makalaya ako.  Nilagpasan ko si Huxley, Chase at lumabas ng kwarto, Buntot buntot ko sila ng umakyat ako ng conference room. Lahat ng pamilya namin ay andoon. Tila ba isa akong malaking dissapointment sa kanila at hinding hindi nila ako mapapatawad. I looked at my Daddy and now he's looking at me boldy. Galit, inis at nakakadiri ang paraan ng kanyang pag tingin. Unti unti akong lumapit dito at hinarap ang mga nag liliyab niyang tingin. " Dad .." Isang malutong na sampal ang umalingasaw sa buong conference room. Isang sampal na mag papaalala sakin na gumawa ako ng desisyon na hindi nila nagustuhan, desisyon na hanggang libingan ay dadalhin nila. " Ikinakahiya ka namin at hindi ka nararapat sa pamilyang ito. " " I'm sorr.." Bumwelo ito para sa pangalawang sampal pero humarang na si Huxley. " Dad that's too much! Hindi mo pwedeng saktan ng ganyan si Louissa." Matapang kong pinunansan ang mga luhang pumapatak. Alam kong sobra sobra na ang ginawa ko at hindi ko deserve ipagtanggol ng ganito ni Huxley. Nang hihina akong hinarap si Daddy kahit ayaw ni Huxley ay pilit kong hinarap ito. Hindi ko hahayaang masaktan sila ng dahil sa ginawa ko. Ako dapat ang sumasalo sa galit ng pamilyang ito. " Where did you bring the millions Louissa! " Parang kidlat ang tono ni Tito Bale, napaangat ako ng tingin dito at tiningnan ang anak na si Winter na nag iwas ng tingin. " I will pay for everything. " " Paano mo mababayaran iyon eh galing sa pawis namin ang pinang aaral sayo? Saan?" Nakita ko kung paano kinakalma ni Tita Whitney si Tito Bale na galit na galit sakin. Gianna and Chase looking down tila hindi kinakaya ang mga naririnig. " I will work po .." Nakita ko ang pag ngisi ni Daddy para bang nag bibiro ako sa harapan niya. " Get out of this house Louissa." " Dad! " -Huxley " Tito " - Austin " William! "- Mommy " William let me talk to her. " Umapila si Tita Aurora na ngayon ay hinawakan ni Tito Yousef. " That's too much Daddy! " -Chase " Hindi naman ata makatarungan yan William." -Mommy Nilapitan ako ni Mommy at doon ko nailabas lahat ng luhang kanina pa pinipigilang lumabas. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at sinasalag sa galit ng ama at mga tyuhin. " Hindi ba mas hindi makatarungan ang nagawa ni Louissa? Naglabas tayo ng pera sa kaarawan niya na mapupunta sa ibang tao? Parang hindi naman nag iisip yang anak mo Erise! " -Tito Allaric " Oo! Pero hindi naman ata pwedeng ihagis niyo siya sa labas! " Napatingin kami kay Geon na lumabas ng conference room. Ibinalik uli nila ang atensyon sakin. " Bibigyan kita ng tatlong oras Louissa para maibalik ang milyon milyong pera na iyon. Kapag hindi mo naibalik ang pera ako mismo ang mag hahagis ng gamit mo sa labas. " Umatras ako para makalabas na pero hinawakan ako ni Huxley, Kitang kita ko ang awa sa mata ng kapatid tila gusto niyang sumama sakin, gusto niya akong tulungan pero hindi ko hahayaang madamay pa ito. " I will be fine ... Hux." Niyakap ko ito ng mahipit at hinalikan sa pisnge. Lumakad ako kay Chase at kitang kita ang mata na napupuno na din ng luha. Mahigpit ko itong niyakap at hinalikan sa noo. " Magtapos ka ng pag aaral ahh. " Mahinang bulong ko dito " Ate. " Tinatagan ko ang loob para hindi umiyak sa harapan ng kapatid. Kinalas ko ang pag yakap dito at nginitian. Nilapitan ko din si Gianna na ngayon ay namamaga na ang mata sa kakaiyak. Parang kinurot ang puso ko ng maramdaman ang higpit ng yakap niya. " Louis .. " " Everything will be fine .. but not today Gianna. " Hinalikan ko ang pisnge niya bago yumakap kay Austin. Hindi man  siya mag salita ay ramdam ko ang kagustuhan niyang itakbo ako sa sitwasyon na ito. " Take care of my brother Austin. " Iyon na ata ang pinaka mahinang bulong na ginawa ko ng hindi humihikbi. Siya man ang nag suplong sa lahat ng nagawa ko pero pinsan ko pa rin ito at mas malaki pa din ang pag mamahal ko sa kanya.  I walk toward Winter, I saw the glimpse of tears in her eyes. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila para yakapin, hindi man niya ako niyakap pabalik at least alam niyang pinatawad ko na siya at patuloy ko siyang papatawarin. Palabas na ako ng conference room ng humakbang si Huxley para habulin ako pero may awtoridad na sinaway siya ni Daddy. " Hayaan niyo siyang itama ang pag kakamali niya. Hindi niyo siya tutulungan at kayo ang isusunod ko! " Mabigat ang loob kong lumabas ng conference room. Tumakbo ako sa walking closet at tinawagan si Akiko. Sinabi kong kailangan ko na ng tulong niya at sinabi niyang sa airport na lang kami mag kita. Mabigat ang dibdib kong binitbit ang malaking maleta palabas ng mansyon. Hila hila ko ito ng lumabas at halos mapatalon ako ng bumusina si Geon sa harapan ko. " Get inside Louissa!" Parang kulog ang boses niya ng sigawan ako. " Hindi pwede Geon .. Ayokong madamay ka. " Bumababa siya ng SUV at sinakay ang maleta ko sa back seat, Tinulak niya ako sa front seat para makasakay kaya dali dali akong nag seat belt. Mabilis niyang pinaandar ang makina at umalis ng lupain ng mga Henderson. Inutusan niya akong patayin ang gps ng cellphone at ganon din ang ginawa niya. " Anong plano mo?" " S-Sorry Geon!" " I dont want to hear that Louis .. Gusto ko malaman kung anong plano mo? " " Aalis ako. Babayaran ko na lang kapag naka hanap na ako ng trabaho." Napatingin ito sa mata ko tila hindi makapaniwala sa desisyon ko.  " Ipapa block ka ni Tito sa lahat ng kompanya dito sa pilipinas." " Naisip ko na yan Geon! I still have five million in cash .. Na withdraw na ni Akiko lahat bago pa maiblock ni Daddy ang account ko. Kung hindi ako matatanggap dito maraming opportunity sa ibang bansa at mukang mahihirapan silang habulin ako doon dahil lahat ng kalaban ng Henderson ay International company. " " Sigurado ka na sa desisyon mo? " " At least bago ako umalis sa maliit na pag tulong ko kay Devon malaman niyang mahal ko siya. Wala na akong oras para makipag kita pa ng personal dahil inuunahan kong kumilos si Daddy." " Whose with you? " " Aiko brother" " She has a brother? " "Mahabang explanation Geon .. its a secret.. only Huxley knows about it." Pinag madali ko siyang ihatid ako sa airport dahil alam kong hahanapin siya ng pamilya. Nakita ko agad ang mag kapatid na nakaupo sa waiting area. Tumakbo sakin si Akiko at niyakap ako ng sobra. " Gianna called me .. she told me everything ... nag aalala sila sayo. " " Did you give it to him? " " Iniligay ko lang sa harapan niya sinabi kong pinapabigay. Ito yung natitirang pera. " Kinuha ko ito at iniligay sa bag. Inabot na din niya ang ticket ko. Lumapit naman ako kay Damien na ngayon ay seryosong nakatingin sakin. " You sure about this? " Tumango tango naman ako dito. Bago pumasok ay binigyan ko ng mahigpit na yakap si Geon ramdaman ko din na ayaw niya akong bitawan pero wala na kaming ibang paraan. " Mag iingat ka Louissa! Gagawa kami ng paraan. " " Don't worry about me Geon, you dont have do to anything ayokong pati kayo ay makatikim sa galit ni Daddy.. ang gusto ko lang ay bantayan mo ang mga kapatid ko pati si Mommy." Hinalikan ako nito sa noo bago binitawan sa pagkakalakad. Ganon din ang ginawa ko kay Akiko she's crying like a river. " Susunod ako doon. Take care Louis" Nag paalam ako sa dalawa bago kami pumasok sa loob at doon na nag bago ang takbo ng buhay ko. Hindi na ako si Louis na tahimik, Hindi na ako si Louis na palagi na lang nagiging sunod sunuran, Hindi na ako si Louis na pwedeng lamangan. Ako na si Louissa na kakatakutan ng buong angkan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD