Chapter 16

2626 Words
Pag kalapag ko sa US ay pinalitan ko agad ang simcard ko. Lahat ng pwedeng maging daan para ma contact ako ng kung sinong Henderson ay pinutol ko. Maswerte ako kay Damien dahil hindi niya ako pinabayaan. Malaki ang bahay niya dito at lima ang kwarto, Iisipin mo na pang pamilya ang bahay niya pero mag isa lang ito. " You can stay here whenever you want Louis .. feel at home. " Kinwento ko kay Damien lahat ng ginawa ko. Nakinig lang siya at nag tanong tanong, nag sorry din ako dahil dinamay ko pa sila pero ang sagot lang niya ay okay lang dahil wala namang nakaka kilala sa kanya sa pilipinas. " Damien .. " Nilingunan ako nito na may mabibigat na mata dahil sa pagod namin sa buong biyahe. " Thank you." " Your always welcome Louis. Oh! by the way don't forget to send your cv to me so I can send it to the HR. " Wala na ata akong hihilingin pa.   Pumunta ako dito sa US na may matutuluyan at may trabaho ng naka hilera. Damien own the second branch of the Scott Group. Ang sabi pa nito ay ipapasok niya agad ako sa Finance or Marketing department pero sinabi kong masyado na akong abusado at gusto kong mag simula sa umpisa, maswerte ako dahil hinahayaan niya akong mag desisyon mag isa. Natanggap agad ako sa una kong interview, Hindi ko alam kung dahil magaling talaga ako o dahil CEO si Damien ng kompanyang pinasukan ko. Gaya nga ng plano kong mag ipon ng mag ipon hanggang sa mabayaran ko ang damage na nagawa ko sa buong Henderson.  Nag simula ako sa pinaka maliit na posisyon hanggang sa naging marketing director na ako. Hindi naman ganon kahirap ang ginagawa ko dahil naka alalay sakin si Damien, Lahat ng kailangan kong malaman mula sa maliit hanggang sa malaki ineexplain niya saking mabuti. Hindi niya hinahayang mapag iwanan ako sa kompanya. Damien give me 15million to pay the whole Henderson, Hindi ko iyon tinanggap at nalaman ko na lang na pinadala niya iyon kay Akiko at ibinigay kay Geon para ibigay sa pamilya ko. He wanted me to show them that I'm doling well, Even tho without their help I can live on my own. Ngayon alam ko ng bayad na ako sa pamilya ko ay nag tatrabaho na ako ng mabuti para mabayaran ng paunti unti si Damien pero ang palagi niyang sinasabi ay ibili ko na lang ng grocery every pay day. Hindi naman ako hipokrita na tatangapin iyon, nag iipon ako at ibibigay ko na lang sa kanya ng buo. I've been working on Scott Group for almost ten months at dalawang beses na nakabisita si Akiko dito. Tuwang tuwa nga si Damien dahil never bumibisita sa kanya si Akiko pero napapabisita dahil sakin. After ten months ay naka gradute na si Huxley,Geon at Austin, balita ko pa na grumaduate si Huxley na suma c*m laude. Bumili na lang ako ng sandamakmak na branded shoes dahil yon naman ang gusto ng mga lalaki. Pinadala ko iyon sa address ni Huxley dahil ang sabi ni Akiko may sarili na itong conduminium, Wala man sulat o ano alam kong ramdam nila kung gaano ako ka proud sa kanila. Gianna and Chase is on their third year while Winter is on her fourth year, kung sana ay hindi ako umalis sabay kami gagraduate pero may mga bagay na kailangan isakripisyo para sa sariling kapakanan. " Give me a minute Jenine. " " All right Miss Louissa" Napaangat ang ulo ko ng marinig ang boses ni Damien sa pintuan ng opisina ko. Nanlalaki naman ang mata ko ng makita siya na naka ngisi sakin. " I'm sorry akala ko kasi si Jenine. Anong gusto mo coffee? Juice ? " Lumapit ito sakin at ginulo ang buhok ko kaya natawa din ako. Kung makapag alok naman ako akala mo ay pag mamay-ari ko ang buong kompanya. " Malalate ako ng uwi, ipapasundo na lang kita sa driver okay?" " Mag tataxi na lang ako Damien." " No! I want you to be safe. Meeting lang yon kay Mr. Ali .. sabay na tayong mag dinner ..okay lang ba sayo iyon?" Ngumiti naman ako at tumango. " What do you want? Adobo ? Caldereta? Menudo?" " Your specialty Miss. " " Menudo! " Kumindat ako dito at parehas kaming natawa. Nag paalam na ito at tinapos ko ng basahin ang mga sales report bago tuluyang umuwi. Gaya nga ng bilin ni Damien ay sinundo ako ng driver para makauwi ng ligtas. Since dalawa lang kami ni Damien dito sa bahay ay kailangan kong matutong mag luto dahil nakakahiya naman na puro ready to eat lang alam kong kainin.  Ilang linggo din akong natuto mag luto at nakakahiya mang sabihin pero palagi na lang akong ginagabayan ni Damien para akong batang walang alam. Pati pag laundry ay nag papatulong ako, Hindi ko naman siyang nakitang napipikon o ano. Kapag tinatawag ko na ang pangalan niya ay natatawa na agad ito at wala naman akong magawa kung hindi ang matawa na rin. Nag bihis muna ako bago bumaba para mag luto, sinabayan ko na din ng paboritong niyang dessert na mango graham cake. Wala pang isang oras ay nakauwi  na ito, kitang kita ang pagod sa kanyang mata. " Mukang masarap yan ahh." " Syempre naman specialty ko ata yan! Mag bihis ka muna doon tapos ihahanda kona ito. " Tumango naman ito at sinunod ang sinabi ko. " Aba habang tumatagal gumagaling ka na ahh. Baka pag uwi mo ikaw na ang pinaka masarap mag luto sa pamilya mo. " " Hindi na ako uuwi sorry ka." Palagi niya akong tinutukso na umuwi na ako at baka pinapahanap na ako ng buong pamilya ko. Gustong gusto niya yung pinipikon ako. Hahanapin? Mag iisang taon na akong wala pero wala man lang nag pakita sa kanila ni isa, wala man lang nag tanong kong okay ako, Ayon ba ang hahanapin? " How's your meeting with Mr Ali?" pag babago ko ng usapan " Ow I forgot about that. They saw your art piece on my office .. Mrs Emily want one, kung okay lang naman sayo . They will pay million of dollars" Natawa naman siya ng manlaki ang mata ko, Hindi naman sa muka akong pera pero may mga tao lang akong kailangan bayaran kaya kailangan kong kumayod ng sobra. " I can organize an exibit for you Louis if that's what you want. " " Hindi na no! Masyado mo na akong inispoiled. " " Yon ang bilin ni Akiko isa pa wala naman akong kasama kung hindi ikaw lang. Wala naman akong binubuhay na anak at asawa." " Edi ipunin mo na lang para sa magiging pamilya mo! Madami na akong utang na loob Damien ayokong mabaon sa utang." " Hindi naman utang yon eh. Bigay ko yon" " Baliw kana " " So be it!" Natatawa siyang inasar ako. Kapag umaakto siya ng ganyan si Akiko ang naalala ko. Parehas na parehas sila ng ugali ang pinag kaiba lang mas stubborn si Akiko. " Are you gonna accept it?" " Wala naman akong pasok bukas gagawa ako ng mga design at isend mo na lang sa kanila para makapili sila. " " Yes Ma'am " Inirapan ko ito ng asarin na naman niya ako. Sobrang komportable kong kasama si Damien siguro dahil namimiss ko din ang mga kapatid at mga pinsan kaya pinapakita ko sa kanya na ganito ako kasaya kapag sila ang kasama ko. Minsan iniisip ko din kung kamusta na sila, Tumatambay pa din kaya sila sa rooftop? Nang mag fourth year na si Akiko malimit na lang siya maka balita sa -pamilya ko. Sinasabi niya na hindi na din siya umattend ng business events dahil nung unang beses niya umattend ng nawala ako ay dinumog daw siya ng kapatid at pinsan ko, ayaw naman nyang mag salita kaya mas pinili na lang niyang hindi umattend tuwing may business gathering. " Kailangan mo lang pala lumaya para madiskubre na marami ka pa lang talento." Napangiti naman ako doon. Habang naninirahan ako sa America ay marami akong na dikubre sa sarili. I can paint, I can draw, I can sing and I can dance. Gumaling na din ako sa pag babaked at pag luto ng mga pagkain. Natuto na din ako mag laro ng mga sport, one time sumali kami ni Damien sa isang beach volleyball competition at parehas kaming nag uwi ng ginto. Doon ko nakita na masyado lang akong nabuhay sa bubong ng mga Henderson na kailangan ay palagi mo silang sundin, dahil natatakot akong mag kamali, dahil natatakot akong may malamangan, dahil natatakot akong ma judge. Dito ko na diskubre na marami pala akong kayang gawin at doon ko nakita na lahat ng ginagawa ng kapatid at pinsan ko ay kayang kaya ko din. Hindi na ako si Louissa na tahimik lang at sumusunod sa kung kaninong utos. Ako na si Louissa na hinding hindi na mapapasunod ng kung sino dahil hawak ko na ang desisyon sa magiging buhay ko pero kahit ganon na namumuhay ako malayo sa pamilya dala dala ko pa din ang apelyedo nila. Paminsan ngang niloloko ako ni Damien na papalitan na niya ang apelyedo ko na Scott kaya na bato ko siya ng remote control sa sobrang kalokohan niya. Gaya ng pangako ko ay nag desenyo ako buong araw at pinasa kay Damien para ipadala kay Mr Ali, Kung hindi ako nag kakamali ay isa ito sa mga investor ng mga Brooklyn,  medyo namumukaan ko pa ang mga ito dahil mahilig ito umattend ng mga business events. " Mag oorganized ang team ko ng art exibit sa rochester next week and I wanted you to join us  Louis! Sobrang ganda ng mga art work mo .. Paniguradong sisikat na naman ang mga Henderson dahil sayo." - Mrs Emily Dahil sa sinabing iyon ni Mrs. Emily ay para akong nabuhayan. Walang sabi sabi kong tinanggap ang offer niya, Nag pasa pa ako ng leave kay Damien dahil kailangan ko mag focus sa gaganaping art exibition, Niloko na naman niya akong dapat resignation na ang pinasa ko dahil paniguradong hindi ko na daw kakailangan ng trabaho na iyon kapag nakilala ang mga art work sa new york. Nag dilang anghel nga si Mrs.Emily at Damien, After ng exibit sa New york ay naubos ang mga art work ko at nabili ito sa milyong milyong halaga. Dahil sa dami ng project, interview at guesting ay pagod pagod ako tuwing umuuwi. " Do it Louis! I got your back" Hawak hawak ko ang wine glass habang nasa veranda kami ni Damien, Sinabi ko sa kanya na gusto kong mag tayo nang sarili kong kompanya, isang artwork company kung saan pwede silang bumili ng ibat ibang klaseng canvass, hand painted at iba't iba pang mga art work. Isang linggo ko na rin itong pinag iisipan at ngayon lang talaga ako naging eager na gawin ito. " Kayang kaya mo na yan! Mas mayaman ka na sakin. Isang painting 5million dollars .. ilan ang nabebenta mo sa isang linggo? twenty? thirty? Yan lang pala ang mag aahon sayo sa hirap." Natawa naman ako sa sinabi niya. Nilapit niya ang wine glass sakin at naki pag cheers. Nagkaroon pa kami ng hindi pag kakaintindihan ni Damien nung mga nakaraang araw dahil sa pag bayad ko sa kanya ng utang, Binuo kong bayaran ang 15 million pero wala pang isang araw ay binalik niya agad sa bank account ko. " Damien! Sinabi kong mag babayad ako! " " I already told you Louis! Bayad na nga." " Paano mababayaran eh hindi pa nga ako nag lalabas ng pera." " Basta bayad na." Tuwing tinatanong ko sa kanya iyon palagi siya nag change topic at paminsan ay umiiwas ito. Kaya sinabi ko na lang na kapag kailangan niya ng pera sakin agad siya lalapit. Dalawang linggo buhat ng mag resign ako sa Scott group dahil busy sa sariling business plan. Okay naman na lahat maliban sa location, Ang payo sakin ni Damien ay itarget ko ang pilipinas dahil doon ang mas maraming nag oorder ng paintings ko iyon at iyon na nga ang aking problema. Once na mag bukas ako ng sarili kong negosyo it's either niyayakap ko ang pagiging Henderson or kinakalaban ko sila. Hindi ako mapakali sa buong isang buwan kaya nag tayo na ako ng maliit na gallery dito sa new york at hindi ko inaasahan ang massive sales ng mga sarili kong artwork, Wala pang tatlong buwan ay nag pa renovate agad ako at pinalaki ang sariling kompanya, nag hire pa ako ng ibat ibang artist at architecture. Ganito pala ang mag karoon ng sariling negosyo, Para akong may isang daang anak na kailangan tutukan, na kailangan padalahan, na kailangang siguraduhing satisfy sa mga gawa namin. Tinulungan ako ni Damien sa pag papatakbo dahil masyado akong nabigla hanggang sa nasanay na ako sa araw araw na trabaho. Approved dito, check dito at kung ano ano pa. After five months saka ako nag pasya na mag tayo ng pangalawang branch sa pilipinas. Akiko wanted to work for me at sana daw bago siya grumaduate ay makapag patayo na ako para may mabagsakan agad siya ng trabaho, Also Akiko told me she heard Gianna whims .. Gianna wanted to have her own coffee shops at puro artwork ang laman nito. Nanlambot ang puso ko ng marinig iyon kaya dali dali akong nag patulong sa architecture and engineer friend ni Damien. Malaking project ang gagawin ko dahil hindi lang ito basta kompanya kung saan kami mag tatrabaho dahil gagawin ko ang kalahati nito na gallery at ang maliit na parte ay gagawin kong coffee shop ni Gianna. I prepared everything, My clothes, my jewelry and my papers. Buong buo na ang desisyon ko na uuwi ako ng Pilipinas. Malakas ang loob kong bumalik dahil alam kong buong buo ang suporta ko galing sa mga kaibigan ko sa New york.  " Are you ready? " Tanong ni Damien ng ihatid niya ako sa airport. Walang nakakaalam na uuwi ako maliban kay Akiko na excited na excited na.  Humakbang ako kay Damien at niyakap siya ng mahigpit, Hinayaan niya lang akong gawin ito at niyakap niya din ako pabalik. "  Thank you for everything Damien! Without your help I wouldn't make it" " Thank you too for bringing happiness on my home! Tahimik na naman ang bahay ko hahaha. Masaya ako na natulungan kita at makita kitang sobrang nakabangon .. masaya na ako doon Louis." I hug him again for the second time and kiss his cheeks. " Hindi ako mag asasawang pasalamatan kayo ni Akiko and of course kay Tita Alice na sobrang tahimik pero bongga ang suporta " "We always got your back Louis at kapag pinalayas ka na naman sa pilipinas andito lang ang new york na tiga salo sayo." Parehas naman kaming natawa sa biro niya. Pinaalahanan niya muna ako bago pumasok sa loob. Susunod siya sa susunod na buwan dahil masyado siyang tambak sa trabaho para sumama pa. Kabado ang puso ko ng sumampa ang paa sa eroplano buhat lahat ng plano na gagawin pag lapag pa lang ng bansa. Malaki ang kamalian ko ng iwan ang bansang iyon, kasama na doon ang pag talikod ko sa pamilya ko at iyon ang pinaka mabigat na desisyon na ginawa ko sa buhay ko. Masakit .. Nakakaiyak .. Parang unti unti akong pinapatay pero Everything is worth it. The pained .. the tears .. bayad na lahat. Ipapakita ko sainyo na kahit nag kamali ako ay pwede ko pa itong itama. Na pwede niyo pa akong mapatawad, na pwede niyo pa akong tanggapin, hindi bilang Louissa pero bilang isang pamilya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD