Despite how long I'd been away i still feel the warm of this place, the smell of the wind and the rays of the hot sun. I waited for my language before going to the arrival area. Wearing my favorite outfit which is denim pants, rubber shoes and a v neck- shirt, I walk toward Akiko whose waving a big banner.
WELCOME HOME LOUISSA
Mahigpit na yakap ang ibinigay niya sakin, Hinampas hampas niya pa ang pwetan ko tila ng aasar pa.
" Lumalaki ang mga laman laman natin ahh. "
" Akiko stop it! hahahaha "
" Ano hindi ka talaga sinamahan ni Kuya? Baliw talaga yon hinayaan kang bumiyahe mag isa! "
" Marami pa siyang kailangan tapusin Akiko. Wala na nga siyang pahinga eh."
Hatak hatak niya ang isang maleta ko ng mag tungo kami sa parking lot at halos mapanganga ako ng makita ang bago niyang sasakyan.
" Bago na naman sasakyan mo?"
" Nagasgasan kasi yung binili ni Kuya Damien. Kaya bumili na ako ng bago"
Napaling nalang ako at sumakay sa front seat, Nag stop over pa kami sa isang fast food chain dahil sa sobrang kong gutom. Mahaba haba din ang biyahe namin bago kami nakarating sa condominium na nabili ko last month. Sobrang thankful ko na andito si Akiko para mag asikaso ng lahat ng kailangan ko.
" Hindi ba napaka liit ng pinili mong unit? "
" Naliliitan kana dito? Dyusko may guess room naman ako malaki ang sala ko at maganda ang kitchen ko! Ano pa bang gusto mo yung sobrang laki na kasya yung benteng tao .. bakit may pamilya naba ako?"
Ibang iba ang ngiti ko ng ikutin ang nabiling unit sa mga Cobb. Pakiramdam ko ay ganap na talaga akong independent dahil sa naka pundar na ako ng sariling tirahan at panigurado sobrang fulfillment ko siguro pag naka pagpatayo ako ng second branch.
" Wala ka bang pasok o nag cutting ka?"
" Dalawang buwan na lang ako sa Brooklyn university mag cucutting pa ako? Wala na kami gaanong ginagawa kung hindi mag pasa ng requirements dahil next month ay sasagarin na kami sa practice. Ikaw hindi kaba matutulog? Mag pahinga ka muna."
" Busy ba si Tita Alice?"
" Nasa palawan kasama si Tita June"
Humarap sakin si Akiko at tinaas ang kilay, nakapa pamewang naman akong hinarap ito.
" Ano?"
" Wala kabang balak umuwi?"
Gusto kong ibato ang cellphone sa kanya pero tumawa lang ito. Manang mana talaga siya sa kapatid niya.
" Wala naman akong uuwian."
" Si Kuya Huxley .. dyan lang siya sa building B"
Napatakip naman ang bibig ko sa sinabi niya. Nanlalambot ang mga tuhod kong tumingin dito.
" You gotta be kidding me .."
" Ayaw mo ba siyang makita? Pwede ko naman ipapalit itong unit mo kay Miss.Luxxery "
" Of course not Akiko .. I miss my brother .. I miss them "
" You should visit them. Binigyan ako ni Geon ng key card sa flat ni Huxley they invited me .. I think you should come. "
Tumabi naman ako dito at humilig sa kanyang balikat. Napapikit at dinadamdam ang unti unting pag t***k ng puso ko tila ba bumabalik na naman ako sa pagiging Louissa na sobrang soft hearted pag dating sa mga taong mahal ko.
" Do you think .. they wanted to see me?"
" Pamilya mo sila Louis bakit hindi? Wala silang balita sayo dahil hindi ka din nila malapitan at nakatali pa sila sa pamilya mo .. pero pasin ko simula nung nawala ka para na din silang naka wala sa hawla, Si Geon nag tayo ng sarili niyang resturant, Huxley has his own firm, Austin enjoying being a accountancy professor on Brooklyn university, Si Winter ayon sikat na sa pagiging model at baka pag naka graduate ay mag artista na. Si Chase at Gianna na lang ata ang pag asa ng mga Henderson. "
Napaangat ang ulo ko dito at halos hindi makapaniwala sa binalita. Sa tagal kong namalagi sa US ay sinabihan kong si Akiko na huwag mag balita ng kung ano tungkol sa pamilya ko dahil the more na naiisip ko sila ay hindi ako nakaka pag trabaho ng maayos, Hindi ko alam na ganito na sila ngayon.
Paano na ang negosyo ng mga Henderson? Alam kong hindi naman babagsak ito dahil andoon si Daddy, Tito Allaric, Tito Bale and Tito Yousef. Depende na lang kung madaming trabaho at kailangan nila ng tulong pero mukang sa kwento ni Akiko ay nag kanya kanya na ang mga pinsan ko gaya ng ginawa ko.
" Hey are you okay?"
" Ahm .. they all doing good right?"
" Are you blaming your self again Louis? Dyusko hindi mo na kasalanan kung mag kanya kanya sila. Isa pa lahat sila ay magaganda na ang career na kahit hindi na sila mag trabaho sa mga Henderson ay mabubuhay sila .. lalo na ang kuya mo. Crush ko na nga si Huxley eh.. habang tumatagal nagiging papi na."
Tinampal ko naman ang kamay niya dahil sa pag papatansya niya kay Huxley.
" Si Huxley? Hindi na si Geon?" Napirap naman ito at binago agad ang topic.
" Ano pupunta kaba? "
" Hindi ko pa alam. Natatakot ako na baka hindi nila ako tanggapin. Baka pag nakita ako sabihan pa ako nag who you?"
" Don't say that Louis! Hindi mo alam kung ilang timba ang iniyak nila para sayo .. maliban kay Winter hindi ko alam kung may puso yon. The more na lumalaki the more na nagiging bato sa paligid niya. "
" Don't say that Akiko .. Kilala ko yon .. "
" Kilala kaba?"
Ibinato ko ang throw pillow sa pag mumuka niya. Tumayo ako at kinuha ang purse at chineck kung may pera ako na peso pero mukang kailangan kona din mag pa palit at puro dollar ang pera ko.
" Samahan mo na ako mag grocery at mag papalit din ako ng pera. "
" Hindi ka man lang mag papahinga?"
" Hindi yon uso sakin Akiko, Let's go! "
Tamad na tamad siyang tumayo at sinamahan ako mag grocery sa pinaka malapit na mall, Paminsan minsan ay natutulala ako lalo na kapag nakikita ko ang mga poster ni Winter sa ibat ibang shop, paminsan minsan naman ang muka niya ang nasa mga beauty product, iniisip ko na siguro masayang masaya siya dahil ito talaga ang gusto niya ang ma features sa isang product at hangaan ng mga tao.
" Ito wine dalhin mo sa kanila mamaya kung mag bago ang isip mo."
Inilagay niya sa cart ang tatlong mamahaling wine. Tulak tulak niya ito ng dumaan kami sa frozen meats.
" Alam na alam mo ang mga gusto nila ahh? Siguro nakikipag date ka kay Geon habang wala ako no?"
" Date? Ako makikipag date kay Geon hahahaha. Imposible"
Kumunot na naman ang kilay niya, Para bang isang insulto ang pangalan ng pinsan ko sa kanya at ayaw na niya itong marinig dahil nakakasira ito ng araw.
" Alam ko dahil nakikita ko sila. Palagi nila ako iniimbitahan para lang may makalap silang balita pero sinasabi ko na wala kaya kahit presensya ko ay okay na sila dahil ako lang naman daw ang best friend mo dito .. sa madaling salita naging panakip butas mo akong gaga ka."
" Bakit ka naman pumayag?"
" Naawa na ako sa kanila."
Sasagot pa sana ako pero hindi ko inexpect ang balik niya. Nakakaawa? Ganon ba talaga ako ka big deal sa kanila?
Natapos kami sa pamimili, Dinamihan ko na lahat ng pagkain at mga supply dahil alam kong magiging busy na ako sa susunod na araw. Buhat buhat namin lahat ng plastic ay nakarating kami ng maayos sa unit ko. Inayos ko na ang mga ito pati ang mga gamit sa maleta.
Nag babalak pa sana ako mag pa costumize ng office sa kwarto ko pero hindi naman na importante yon, pwede pa naman yon sa susunod na araw at kaya ko naman mag trabaho sa lamesa o sa sala. Uunahin ko na lang muna tapusin ang pag gawa ng pangalawang branch ng gallery saka na siguro ako mag papaganda ng kwarto kapag okay na ako sa kompanya.
First things first.
" Uuwi na muna ako para maka pag palit. Ito ang key card sa condo ni Huxley .. kung gusto mo lang naman pumunta. "
Iniwan niya ito sa lamesa saka nag paalam para maka uwi. Ilang minuto ko din tinitigan ang key card doon saka nag pasya na maligo at mag ayos ng sarili. Merong pumipigil sakin na huwag na muna at baka ma gulat sila pero mas malaki ang part na gusto ko silang makita, gusto ko silang mayakap, gusto ko silang makausap at gusto kong malaman kung okay ba sila.
Nag ayos ako ng sarili at inistraight ang mahahabang buhok. Saka ko lang napansin na hindi man lang ako nag pa trim ng buhok ng napadpad ako sa state puro spa lang ang ginagawa ko dahil sobrang busy.
Inilagay ko sa paper bag ang dalawang red wine, kabado akong hinawakan ang key card na inilapag ni Akiko. Kung pag tatabuyan nila ako ngayong gabi ay maiintindihan ko, handa naman na ako sa ganong pangyayari dahil sa pag kawala ko na parang bula at pag sulpot ng parang kabute. Well whatever happens .. happens.
Makita ko lang sila ngayong gabi MASAYA NA AKO.
I grab my purse and my phone before I get out of my unit. Ang sabi ni Akiko ay building B lang iyon at walking distance lang mula sa building ko which is building A.
Kabado akong nag lakad papunta dito, parang lumulutang ang kaluluwa ko ng makaharap na ang recptionist, mabilis kong inangat ang hawak na key card kaya walang tanong tanong niya ako tinanguan at nginitian. Binasa ko muna ang key card bago sumakay ng elevator.
" 1605"
Tiinap ko ang key card bago pindutin ang sixteen floor. Nang tumunog ang elevator ay ang sabay na pag dabog ng puso ko. Naglakad ako sa hallway at hinanap ang pintuan na may naka engarave na 1605.
" Ito na ata yon."
Abot abot ang kaba ko ng lumapit dito, kahit hindi ko marinig ang nasa loob ay pinilit ko pa ding ilagay ang tenga sa pintuan para marinig kung anong ginagawa nila, Wala na nga akong marinig nag mumuka pa akong tanga.
" Should I ring the bell or go inside?"
Kinakausap ko ang sarili habang naka titig sa pintuan. Nag iisip pa kung ano ang mas mainam na paraan, pero kahit ano naman atang paraan ang gawin ko ay makikita at makikita ko pa din sila.
" What are you dong here Miss ?"
Nilingunan ko ang matangkad na lalaki sa likuran ko at halos parehas kaming napanganga sa isat-isa.
" f**k! Louissa? "
Tumango tango ako dito at mabilis niya akong niyakap.
" Sandali sandali.. para akong nakakita ng multo .. ikaw ba talaga yan?"
Hinawakan niya ang pisnge at noo ko, Tinitigan niya pa ako mula ulo hanggang paa. Sapo sapo niya ang noo at hindi makapaniwal na ako nga ang nasa harap niya.
" Alam na ba nila na andito ka?"
" No. Actually .. hindi ko pa alam kung tutuloy ako .. kasama kaba sa overnight?
"
" Hindi na tuloy yung overnight .. nextweek na lang ata .. kasi may biglaang shoot si Winter sa bacolod kaya kailangan niyang lumipad agad. "
Hawak hawak niya pa din ang noo niya tila para siyang may lagnat kaya nginitian ko na lang ito.
" B-Bukas na lang siguro ako .. babalik"
" Mahigit isang taon silang nangulila sayo ngayon ka pa aatras? Ang dami mong utang na kwento Louis."
Napanganga naman ako ng walang habas niyang pinindot ang door bell. Kaya nag madali akong tumayo sa gilid kung saan hindi ako makikita ng kung sino mang mag bubukas ng pintuan.
Doble ang kaba saking dibdib ng bumukas ito at narinig ang boses ni Austin pati si Jace ay hindi naka pagsalita ng iwan ni Austin na naka bukas ang pintuan.
" Pumasok kana at baka makapasok ang mga viruses magalit pa sakin si Huxley hahaha."
Sinipat ako ni Jace at sinenyasan na sumunod. Cross finger habang dahang dahan akong pumasok. Nasa likuran ako ni Jace at kitang kita pa din ako kahit anong tago ko dahil naka suot pa ako ng heels.
" Nasa veranda sil..."
Nag tama ang mata namin Austin at napanganga siya. Kung oa na ang reaksyon ni Jace ay mas OA ang reaksyon niya.
" Potangina Jace! "
Tawang tawa kami ni Jace ng kusot kusutin pa ni Austin ang malalim niyang mata. Ibinalik niya ang paningin sakin kaya sinamantala ko siyang ngitian.
" Holy s**t! Jace minumulto na ako ni Louissa! "
Mabilis itong tumakbo papunta sa malawak na balcony at nag sisigaw sigaw.
" Tangina sabi ko na nga ba dapat binisita natin si Louissa kahit kapalit pa yung buhay natin eh!!! Minumulto na ako pre"
" She's doing good in New york! beside naka plano na tayong bibisita doon sa katapusan." -Geon
" You don't have to do it guys .. ahm I'm back "
Nahihiya kong singit. Sabay sabay silang napalingon sakin. Nabuga ni Geon ang iniinom na tequilla habang napuno na naman ni Austin nang mura ang buong balcony. Inilipat ko ang paningin kay Huxley na naka sandal sa grills habang may hawak na baso.
Mabilis niyang ibinaba ang baso at nag lakad papunta sakin.
He wrapped his arm around my shoulder, embracing me tighter and stronger. Yakap na ayaw na niya akong pakawalan, yakap na gustong gusto kong matanggap, yakap na gusto kong ulit ulitin. Sa ilang buwan kong pag kawala ito ang gusto kong sasalubong sakin, Isang yakap na mag papatunay na kabilang pa din ako sa kanila kahit ako ang unang humiwalay.
" We missed you so bad Louissa."