Binigyan nila ako ng sobrang higpit na yakap at first time atang mayakap ako ni Huxley ng matagal. Ayaw niya akong bitawan.
" I bought this wine for you .. sabi kasi ni Akiko meron daw kayong overnight kaya sinuggest niya na dalahan ko kayo kung gusto ko ng mag pakita. "
" Alam niyang uuwi ka?" Sigaw ni Geon
" She knows everything Geon!"
" That kid!"
Nag iwan ito ng malulutong na mura bago tumayo at sinapo ang noo tila hindi makapaniwala sa narinig.
" Asan sila Chase? Gianna? "
" Si Chase pasunod na, Si Gianna nasa mansyon .. Hindi kasi natuloy ang overnight dahil may shoot sa bacolod si Winter bukas pa uuwi. " -Geon
" Don't give me that look Austin."
Kanina niya pa ko tinitingnan mula ulo hanggang paa akala mo ay isa akong malaking joke sa kanya.
" Pa yakap nga ulit. Putcha! "
Muli itong lumapit sakin at binigyan ako ng isang mahigpit na yakap. Kinurot kurot pa ang ilong at pisnge ko.
" You hurting me Austin!"
Hinamapas ko ang braso niyang sobrang laki na. Hindi na sila ang mga pinsan at kapatid ko na muscle lang pero MALALAKING MUSCLE na ang meron sila.
" Ay ay ay. Nag New york lang may accent na."
Mas natawa naman sila sa pang buburyo ni Austin ito talagang lalaking to hindi na nag bago, napaka bully.
" Whatever you say! Any ways i need to catch up with you guys kamusta naman ang pagiging engineer, businessman at professor?"
" Wow pati tagalog may tunog na din."
Hindi na ako naka pag timpi at kinuha ang purse kong gucci at binato kay Austin na naka sandal malapit sa lamp shade.
" Stop it Austin! Siguro binubully mo mga studyante mo no?"
" Anong binubully? Nag proffesor yan kasi may pinopormahang studyante."
Nagulat ako ng ibato niya ang purse ko sa pagmumuka ni Jace napasigaw talaga ako ng sobra.
" Damn my purse Austin! "
" Manahimik ka dyan Jace baka mapikon ka pag ako ang ng asar" -Austin
" Give me back my gucci!"
Napanganga naman ako ng ihagis niya pabalik ang purse at ang masaklap ay hindi ko ito nasalo kaya nag madali akong pulutin ito. Boys are boys!
" I hate you! Kapag nasira to ihanda niyo ang mga pera niyo!"
Chineck ko naman ang kabuuan ng purse at nakahinga naman ng maluwag ng wala itong gasgas. Napatingin naman sila sakin ng may mga ngisi sa labi tila natutuwa sa binibigay kong reaksyon.
" Saan ba kasi galing yan? Sa boyfriend mo no?" Pang uusisa ni Austin habang nakaabang ang iba sa magiging sagot ko.
" I dont have one! Unang bili ko ito nung sahod ko kaya iniingatan ko. Katas to ng new york. Well speaking of what again .. nag professor ka dahil may pinopormahan kang studyante? Gusto mong mabatas?"
" Hoy hindi yon totoo! Bawiin mo nga yon Jace!"
" Bakit ko babawiin totoo naman hahahaha."
Mabilis siyang dinampot ni Austin at binigyan siya ng ilang kaltok sa ulo at sabay sabay naman kaming napalingon ng tumunog ang door bell. Sobra sobra ang ngiti ko ng malaman na andyan na si Chase.
" Tayo ka dito Louis dali! " Hinatak ako ni Austin sa tabi ng lamp shade at pinatayo ng diretsyo
" Austin what the .."
" Just stand straight. Huwag kang lumunok at pumikit pikit at mabubuko tayo. "
I looked at Huxley but he sush me, tila ginawa na nga akong props sa pang titrip nila. Binuksan ni Jace ang pintuan at halos gusto ko tumakbo at salubungin ang bunsong kapatid. Bakit masyado na ata siyang nag matured? wtf!
May bitbit itong plastick na may tatak ng isang kilalang resturant. Hinubad nito ang sapatos at inilapag ang plastick sa lamesa. Nag tama ang mata namin at napaatras ito.
" Holy s**t! where did you bought that standee?"
Pinipigilan ko ang sariling matawa pero bago pa siya makalapit ay inakbayan na ito ni Austin at pinahinto sa pag lalakad dahil mukang lalapitan niya talaga ako para hawakan.
" Damn! You dont have to do that .. I know that were f*****g missed her but this standee .. ugh can we book a ticket today? Namiss ko lalo si ate."
Hindi kona napigilang ang sariling lumapit kay Chase at halos nanlaki ang mata nito at gustong tumakbo pero hinatak ko na ito para yakapin.
" Ate miss you too"
Tiningnan ko ang muka niya at expected ko na madrama itong haharap sakin.
" This is not real"
Pilit niyang pinaniniwala ang sarili na hindi ito totoo hanggang sa nanahimik sila dahil naiyak na talaga ang bunso ko.
" Kuya "
Humihingi siya ng tulong kay Huxley pero ngumiti lang ito.
" Damn .. " -Chase
" Come here "
Hinatak ko ito at niyakap. Gaya ng yakap ni Huxley ay ganon din ang ginawa sakin ni Chase .. yakap na hindi ka makakaalis, yakap na nag sasabing matagal niya akong inantay. Hindi ko rin ito pinakawalan, tinitigan ko pa ito ng ilang beses dahil hindi makapaniwala na kasing laki na niya ang mga kuya niya.
" We've been waiting for you to come home ate .. we've been crazy waiting for you!"
Inakap niya ako muli at ninamnam ang bawat sandali. Wala akong nagawa kung hindi mag kwento sa kanila dahil nag tanong si Chase. Imbis na ako ang mag papakwento ako tuloy ang nag kwento.
" You're more beautiful Ate! Paniguradong madami kang manliligaw. "
" Walang time Chase at saka masyado na akong busy sa trabaho. Ang plano ko talaga dito ay matapos ang pangalawa kong branch dito. "
" Do you have your Engineer now? Kung wala ako na hahawak ng project na yan. I'm available Louissa."
Para naman akong kinurot sa puso. Ive never imagine this senaryo, Si Huxley ang gagawa ng second branch ko? Wala iyon sa plano ko dahil ang expected ko ay nag tatampo sila sakin at hindi ako papansinin pero ganon pa din sila pag balik ko. Matured na pero makukulit pa rin
" Is that okay with you? I dont want to bother you Hux."
" I'm not bother Louis! I can cancel all those project just to make yours. Ako ang tatapos niyan para hindi kana bumalik sa ibang bansa. " -Huxley
" Sounds good" -Chase
Hindi ko naman maiwasang ma teary eye dahil sa kanila. Sino ba naman mag aakalang pag dating ko dito ay matatanggap pa din nila ako ng buo, well except Gianna na hindi ko alam ang magiging reaksyon kapag nakita ako and of course Winter wala kaming maayos na pag uusap, simula ng umalis ako ng mansyon, the whole Henderson? I dont know either, hindi rin naman na open nila Huxley kaya ayoko na din mag tanong.
" Saan ka ngayon tumutuloy? You should rest here ate." -Chase
" Meron akong flat sa building A .. bisita kayo doon kapag may time kayo."
Nanlaki naman ang mata nila ng bangitin ko ang tinutulayan. Hindi nila inexpect na handa ako pag uwi ko, sila lang ang hindi.
" Paano ka nakabili?" -Geon
" She's rich bru! " -Austin
" Akiko help me to inquired ."
Napanganga naman si Geon at hindi makapaniwala sa narinig. Tama nga talaga ang sinabi ni Akiko na hindi siya nag kukwento sa mga kapatid at pinsan ko. Kung anong bilin ko sa kanya yun ang sinunod niya.
" She didn't even say a thing." Iling iling ni Geon
" Si Louis ang kaibigan niya at hindi ikaw kaya malang sa malamang si Louis lang pag kakatiwalaan niya. " -Jace
Nag tagal pa kami sa flat ni Huxley.Nag kwento ako kung anong naging buhay ko sa new york, binati naman nila ako sa mga achievement ko pero sinasamahan pa din ni Austin ng pangbubully.
Na pag usapan din namin na sabay sabay kami mag didinner bukas sa resto ni Geon. Gusto sana nila ng lunch pero sabi ko ay bibisitahin ko ang site ng second branch at aasikasuhin ko ang mga supplier ko para sa mga art materials.
Alas dos na ng madaling araw ng nag pasya akong bumalik sa flat. Para akong may bitbit na limang body guard dahil sa lalaki ng katawan nila at mga galing pa silang trabaho at pare parehas pa silang naka suit.
" Magkikita naman tayo bukas hindi niyo na dapat ako ihatid."
" Well we want to do it. " -Austin
Tumunog ang cellphone ni Huxley at inangat niya muna ito bago sagutin kaya napahinto kaming apat, Saglit niya lang itong kinausap at sumenyas kaya dumiretsyo na kami papuntang building A.
" Good morning ma'am" Bati ng receptionist
" Good morning Miss " Inakbayan naman ni Geon si Jace ng humalukipkip pa sa receptionist.
" Ihahatid lang namin sa taas." -Austin
May pinakitang card si Huxley kaya hinayaan niyang kaming mag tungo lahat sa flat ko. Hindi man ganon kalaki katulad ng kay Huxley ang flat ko pero kasya naman kami. Tinap ko ang key card at binuksan ito, walang habas na pinasok ng mga pinsan ko ang mga sapatos nila at hindi man lang nag pagpag.
" Hoy hindi pa ako nakaka bili ng vacuum! Geon! Austin! Jace! sapatos niyo"
" I'll send you five if that's what you want" -Austin
" Ang yabang mo! "
Hinahayaan ko na lang silang mag libot sa nabili kong unit kitang kita naman ang pang jujudge ni Austin sa unit ko.
" Ano? manglalait ka na naman? "
" Wala naman akong sinabi! Ang tagal kasing matapos ng flat ko nakaka inis mauuna pa atang matapos yung kay Geon. "
Sinabi din nilang bumili sila ng flat dito sa Cobb suites. Same building si Geon at Austin, habang si Jace naman ay sa ibang branch ng Cobb suites pero balak mag palipat ng malaman na andito din ako para daw mag kakapit bahay kami.
Siraulo.
Bago sila mag paalam ay binigyan muna nila ako ng mahihigpit na yakap. Sinabi kong huwag muna ipaalam kay Winter at Gianna dahil gusto ko din silang ma surprise. Nag haft bath na ako pag katapos ay nahiga sa malaki at malambot na kama.
Ngayong nakauwi na ako, Hindi ko maiwasang mapaisip kung kamusta na si Daddy lalo na si Mommy. I remember how my Mom protected me that day sobrang iyak ko non dahil never siyang pumapanig sa ano mang gulo at doon ko lang siya nakitang pinag tanggol ako at sa harapan pa mismo ng mga Henderson.
Well I understand my dad anger, Pera nila ang winaldas at ginamit ko para sa sarili kong kagustuhan. Of course hindi mawawala sa isip ko ang mga nangyari.. kung kamusta na ba siya? kung inagrabyado ba siya ng pamilya ko nung nawala ako dahil wala akong balita sa nangyari huling tanong ko kay Akiko kung nasan na siya ang sinabi niya lang
" Umalis siya sa araw ng umalis ka" Kaya hindi ko na rin inungkat pa.
Kinabukasan ay maaga akong nagising sa sunod sunod na tunog ng doorbell. Wala naman akong inalalang deliver sa receptionist or ano. Walang hila hilamos ay tumakbo ako sa pintuan para pag buksan kung sino man ang nag lalaro ng door bell dahil paulit ulit itong nag riring.
" Good morning ateeee "
Pag katapos yakapin ng kapatid at pinsan ay nilagpasan nila ako dala dala ang isang karton ng play station. Hindi naman ako maka pag react sa gulat dahil ngayon lang nag sink in sakin na I'm really home.
" May break fast kana dyan Louis. Binilihan ka namin sa pancake house. Andyan na din yung pangako kong vacuum " -Austin
" Hoy! game game " -Jace
" Two vs two?" " -Geon
Hawak hawak ang noo kong pinanuod silang sumalampak sa malaki kong couch. Inayos nila ang play station habang ang iba ay pinakilaman na ang kitchen ko at inilagay lahat ng binili nilang chips at juice sa tray.
" Oh game game! " Sigaw ni Austin, Para silang mga bata na bumabalik sa pagiging grade school at kailangan ganyan ang mga hitsura nila.
" Eat your breakfast ate." Pahapyaw ni Chase habang ang paningin ay nasa screen ng tv.
" Masasanay ka rin Louis! We will annoyed you for the rest of your life habang wala ka pang boyfriend. Depende kung gusto mong ma fix marriage sakin" -Jace
Binatukan naman siya ni Geon at natawa lang ang dalawa.
" Anong fix marriage! Baka makatikim ka na naman ng suntok sakin. " -Geon
Hinayaan ko na lang sila mag ingay sa sala at mas pinili na lang na ayusin ang sarili dahil may agenda pa ako ngayong araw. Suot suot ang paborito kong faded jeans at simpleng white tshirt at bitbit ang gucci kong purse. Lumabas ako ng kwarto at naabutan na naman silang nag iingay.
" Napaka bobo mo Geon " -Austin
" Tanga! " -Jace
Umiling na lang ako at umupo sa lamesa para kainin ang binili nilang almusal para sakin at halos mapangiti ako ng makita na alam pa rin nila ang favorite kong almusal. Kinain ko ito habang pinapanuod silang nag sisikuhan dahil lang sa isang laro.
" Asan si Huxley?"
" May meeting " maikling sagot ni Geon
" Eh kayo anong ginagawa niyo dito?"
" Nag lalaro" nakakapikon na sagot ni Austin.
" I mean wala ba kayong mga trabaho? ikaw chase wala kabang pasok?"
" W-Wala may team building mga professor."
Tumaas naman ang kilay kong napatingin kay Austin na ngayong tuwang tuwa sa nilalaro.
" Eh anong ginagawa mo dito Austin? May team building daw kayo. "
" Hindi ako sumama! Boring naman yon eh. Mag siswimming ka lang tapos kung ano anong seminar .. baka sila pa iseminar ko eh "
Napanganga naman ako sa kayabangan nito at talagang hindi na siya nag bago ahh? Nakakaawa naman magiging anak nito at nalahian ng pilosopong tatay.
" Kompleto yung staff ko sa resto kaya andito ako " pangunguna ni Geon
" Maaga akong nag pa meeting kaya maaga din akong nakasama sa kanila. " sunod ni Jace
Hindi ko maisip na gagawin nila yon para lang tumambay dito. Oo at gusto ko silang makita pero hindi ko naman gustong baliwalain nila ang mga trabaho nila para lang bisitahin at tambayan ang flat ko.
" Asan si Gianna at Winter?"
" Si Gianna na sa spa " -Jace
" Si Winter natutulog pa at alas sais na ng umaga naka uwi." -Austin
Inubos ko na lang ang pagkain at nag linis muna ng kitchen bago nag paalam.
" Aalis muna ako ahh, ito yung kopya ng key card dito huwag niyo iwawala at ayoko mag bayad. "
Sabay sabay silang napalingon sakin mula ulo hanggang paa.
" May date ka?" -Chase
" Sinabi ko na kagabi na bibisitahin ko yung site dahil kailangan ko ng madaliin malapit ng grumaduate si Akiko. "
Sikreto namang napalingon si Geon pero iniwas din ang mata.
" What's with that kid?" Hindi na nga niya napigilang mag tanong.
" She wants to work with me, Eh sila naman ang kumupkop sakin kaya wala namang masama kung madaliin ko ang pangalawang branch para pag graduate niya ay mag tatrabaho na lang siya. "
"Ilang months ba ang projection mo sa branch mo?" -Austin
" One month?"
" Nakita ko yung sinend mong model ng building baka abutin yon ng dalawang buwan .. paano kung hindi pa nagawa tapos naka graduate na siya.. saan siya mapapadpad?"
" Ihahagis ko siya sa main branch ko sa new york"
Napangisi naman ako ng nakita ang pag igting ng panga ni Geon. Binitawan niya ang controler at tumayo, gulat na gulat naman ang mga katabi niya.
" Hoy saan ka pupunta hindi pa tayo tapos! " -Austin
" Ihahatid ko si Louis. " -Geon
" May sasakyan naman yan si Louis diba?" -Austin
" Hindi pa ako nakakabili .. baka gusto mong bilihan ako." pangaasar ko rito
" Mas mayaman ka pa sakin Louissa! " -Austin
" Oh? Talaga ba? diba nag babalak ka mag pa tayo ng school? "
Kinwento yon ni Huxley sakin at halos manlaki ang mata niya sa sinabi ko. Kinuyog naman siya ni Jace at Chase. Nag paalam na kami at bumaba sa parking lot ng hotel hindi ko naman maiwasang mapangisi ng makita ang bagong sasakyan ni Geon.
" Asan na yung SUV mo?"
" Nasa bahay. "
Bago kami pumunta ng site ay dinaanan muna namin si Huxley sa opisina at hindi mag kamayaw ang puso ko sa saya ng makita ang laki at taas ng building na pag mamay ari ng kapatid.
Ngiti ngiti ang receptionist ng mag dire diretsyo kaming nag lakad ni Geon, Mukang kilalang kilala sila dito dahil hindi man lang kami tinawag for signatory sa visitor. Pinindot ni Geon ang 20th floor at nang makalapag ay nakita namin ang kabuuan ng office na puro salamin, Nang makita kami ng secretary niya ay tumayo kaagad ito para ngitian kami.
" Sir Geon may bisita po si Engineer Huxley."
Gusto kong hilain si Geon ng mag lakad siya papalapit sa pintuan at binuksan ito ng napaka laki. Nahahawa na siya sa pagiging bida bida ni Austin dyusko! Napalingon ito samin at kitang kita ang iritasyon ng mata dahil sa babae sa harap. Lumingon ang babae samin at ngayon lang ako naging iritable at gusto mamato ng kung sino. Bigla niya akong inirapan!
" Let me remind you for the last time Huxley .. stop mendelling with my business. "
Gusto kong hilain si Geon dahil mukang madibdiban ang usapan nila. Sa tindig ng babae ay mukang kayang kaya niyang saktan si Huxley pero hindi niya magawa dahil naka tayo kami sa gilid nila.
" I'm not okay? Can you please calm down .. you scaring my cousin and sister. "
" I'm not bother at all Huxley."
Maldita kong sagot dahil inirapan na naman niya ako. Ano bang problema niya sakin?
" Stop stalking me! Mag hanap ka na lang nang mapag titripan mo"
Tumayo si Huxley at niluwagan ang necktie, inilagay ang dalawang kamay sa lamesa tila inaasar pa ang babae.
" Let me introduce you .. Louissa .."
" I know her and I don't care."
Napatingin ako kay Geon at inilipat kay Huxley ang paningin na sinesenyasan akong kumalma dahil hindi ako mag kakamaling saktan ito. Tumayo ito at binitbit ang channel niyang bag, Tumingin pa ng masama kay Huxley bago nag walk out, saka ko nalabas ang inis ko.
" Whose that b***h Huxley? Nag eentertain ka ng ganyan? Dalawang beses niya akong inirapan!"
" Tatlo " Pag tatama ni Geon
" See tatlong beses! Whose that girl!!! "
Nang gagalaiti kong tanong pero hindi man lang nila ako sinagot at mas gusto nilang mag focus na lang ako sa business na plano ko pero hindi ko mapigilang isipin kung saan ko siya nakita dahil pamilyar na pamilyar ang muka niya.
" Focus Louissa" Sita ni Huxley sakin
" I can't! Ayaw niyo sabihin kung kaninong anak yon. Sure talaga ako na nakita ko na siya somewhere .. New york ?"
Biglang nag aya si Huxley na puntahan na lang ang lupa na nabili ko. Gusto ni Huxley na sa kanya ako sumakay pero dahil may inililihim siya sakin ay kay Geon na lang ako sumakay.
" Sino nga kasi yon Geon " pilit ko dito
" Ask you brother Louis. Ayokong nangingielam sa kanila at baka maka gulo pa ako hahahah. " -Geon
" Mukang pinapahirapan siya nung babae!!!! May attitude eh."
" Huxley can handle her. Just let them."
Napirap naman ako ng hindi maka relate. Sino ba naman ako para mag reklamo eh paalis alis ako tapos ako pa ang unang magagalit. Outdated na talaga ako sa buhay nila.
Narating namin ang site at tinulungan akong mag asikaso ni Huxley at Geon sa lahat. Si Huxley na daw bahala sa mga engineer at si Geon na bahala sa ibang kakailanganin. Hindi ko na kailangan mahirapan sa mga supplier dahil galing naman itong New york.
Bumalik kami sa unit at naabutan pa din ang pinsan at kapatid na nag lalaro. Hindi ba sumasakit mga mata nila sa kakalaro niyan?
" Kumain naba kayo ng lunch?"
" Nag pa deliver na lang kami. " -Austin
" Kamusta lakad niyo ate?"
Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng marinig na naman kay Chase ang salitang ate. Noon kasi madalang ko lang sa kanya marinig iyon dahil madalas naman kami mag biruan at tinanggal na lang ang pagiging formal, Ngayon ko na lang ulit iyon narinig at ang sarap pala sa pakiramdam.
" Everything is fine, Sisimulan na bukas. "
Kumunot naman ang noo ni Huxley ng mag ring ng malakas ang cellphone niya. Inantay ko siyang sagutin ito at baka yung babae na naman niya pero halos mag dambol ang puso ko ng iba ang lumabas sa bibig ni Huxley.
" Y-Yes Dad?"
Dinapuan ako ng tingin ni Huxley at inilipat sa mga pinsan.
" Nasa condo ko sila."
Mabilis na inoff ni Austin ang t.v at lahat ng paningin ay na kay Huxley na ngayon ay na sakin ang paningin para bang may ginawa akong mali.
" Alright .. Okay "
Ibinaba niya ang cellphone at huminga muna ng malalim bago tumingin samin.
" We need to go home. " Maikli niyang sagot
" B-Bakit " -Chase
" May sasabihin lang si Daddy. Doon na lang daw tayo mag dinner. " -Huxley
" Paano si Ate?" -Chase
" I can stay here Chase .. madami naman akong pwedeng pag kaabalahan. "
" Isasama natin siya sa bahay!"
May atoridad na sagot ni Huxley, binigyan ko naman ito ng nag papaawang tingin.
" I can't go Hux!"
" I know you're scared Louissa because of what happened in the past, were sorry .. and thankful dahil sayo tinuruan mo kaming lumaban at lumaya. " -Geon
Huxley hold my hand. Kitang kita ang tapang niya sa mata na ngayon ko lang nakita. I've never seen this bold and scary Huxely.
Never in my life.
" There's no way in hell I'll let them to hurt you again! Kung hindi kita na protektahan noon .. babawi ako ngayon .. babawi kami ngayon."