"Sino ang nagsabing basta-basta ka na lang magtatanggal ng damit?" Nahigit ko ang aking hininga nang marinig ko kaniyang boses matapos niya akong hapitin sa aking bewang. Naramdaman ko rin ang kaniyang mainit na hininga na tumatama sa aking katawan na naging sanhi upang ako ay kilabutan. Nanuyo rin ang aking lalamunan lalo na nang maramdaman ko ang kaniyang balat na tumatama sa aking balat. "Bakit kailangan bang may magsabi sa akin?" tanong ko sa kaniya saka bumaling sa kaniya. Napansin kong gumalaw ang kaniyang lalamunan kaya napaangat ako ng aking mga mata. Ngunit maling desisyon yata iyon lalo na nang magtama ang aming mga mata. Nakita kong semeryoso ang kaniyang mga mata at nawala na rin ang pagbibiro sa kaniyang mukha. Ang iilang butil ng tubig sa kaniyang buhok ay nahuhulog at

