Mabilis ko siyang naitulak nang maalala kong wala namang kami pero kung makahawak siya sa akin at makahalik ay parang pagmamay-ari niya ako. Tila nagising naman siya sa nangyayari sa amin at kaagad lumayo sa akin habang nagmumura. Nang makita niya ang aking hitsura ay mabilis sumeryoso ang kaniyang mukha at saka kinuha ang aking bra na nasa batuhan lamang. Isinuot niya ito sa akin at mabilis na tumalikod saka lumangoy palayo sa akin. Naiwan naman akong tulala at hindi maproseso ang nangyari sa amin lalo na nang makita ko ang pamumula ng kaniyang labi dahil sa paghahalikan namin kanina. Halik. Hindi ako inosente sa bagay na iyon pero alam kong nakaramdam ako ng init na hindi naman dapat. Napapikit na lang ako at hindi maiwasang kurutin ang aking sarili dahil mabilis lang akong nagpadal

