Sinubukan kong umiwas kay Vaughn dahil sa mga sinasabi ng kaniyang ina sa akin. Oo, ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan ang bagay na iyon. Paulit-ulit kasing lumilitaw sa utak ko. Halos masiraan na ako ng utak pero kahit na ganoon ay sinusubukan ko pa ring kumalma dahil sa aking kapatid. Palagi ring pumupunta si Vaughn dito ngunit hindi ko siya pinapansin. Wala akong lakas ng loob para harapin siya kaya minsan ay pinipili kong magtulog-tulugan hanggang sa kusa siyang umalis ng bahay. Ngunit palagi ko naman siyang nararamdaman sa aking likuran at pilit akong kinakausap kahit na tulog ako. Hinahaplos niya rin ang aking ulo at minsan at hinahalikan niya rin ang tuktok ng aking ulo. Minsan ay niyayakap niya ako mula sa aking likod at ididikit ako sa k

