Kinabukasan, natambakan na naman ako ng mga labada at kagaya nang dati, nagsimula na naman akong magtrabaho. Habang nagkukuskos ng mga damit, sumagi na naman sa isip ko ang mga sinabi ni Vaughn. "Ysa, ikaw lang ang babaeng para sa akin. Walang iba. Hindi nawala iyong pagmamahal mo sa akin. Baka pagod ka lang o marami kang iniisip. Puwede ring tinopak ka dahil sa binabasa mong pocket book." "Paiibigin kita kung hindi mo ako mahal, Ysa. Ang simple lang naman.“ "Liligawan pa kita hanggang sa sagutin mo ako. Hindi ako titigil basta-basta, Ysa. Mahal kita. Sa sobrang pagmamahal ko sa iyo, ayos lang sa akin na mahirapan ako nang husto. Ayos lang sa akin kahit ganito mo ako tratuhin. Kasi mahal na mahal kita, Ysa." "Hindi mo ako mapapatigil nang basta-basta, Ysa nang dahil lang sa hindi mo a

