After days of crying, I tried to live normally. I tried to get him out of my mind pero talagang binibiro ako ng tadhana. Dahil kung kailan tingin ko ay maayos na ako, saka naman lumabas sa tv yung balita tungkol sa kasal nilang dalawa at ang pagme-merge ng kompanya ng dalawang pamilya. Sa sobrang inis ko ay tinapon ko yung remote. Muntik ko na matamaan ang tv. Tumayo ako't tumungo na lang ng kusina para kumain. Sa pagkain ko na lang ilalabas ang nararamdaman ko. Pero papasok pa lang ako sa loob ay biglang nasira ang sikmura ko. Napahawak ako sa tiyan ko. "Okey lang po kayo, ma'am?" tanong ng isa naming katulong ng makita ako. I nodded. "I just--" hindi ko natapos ang sasabihin at agad na tumakbo papasok. Lumapit ako sa lababo at doon ay naduwal. Nilapitan ako ng katulong namin at hinim

