bc

I Am Yours Forever

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
drama
sweet
campus
secrets
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Rhea Valiente;simple at tahimik.Sa kabila ng kanyang maamong mukha ay makikitaan mo rin ito ng pagkaseryoso.

Tophe dela Rita;heartrob,a musician,guitarist, matangkad,maputi at gwapo!

A perfect boyfriend na pinapangarap ng lahat ng kababaihan.

chap-preview
Free preview
Rhea
Chapter 1 "Ang ganda ng ngiti ng mo diyan ah"puna ng kanyang pinsang si Avanah.Si Avanah ay mas matanda sa kanya ng Isang taon."Patingin nga"lumapit pa lalo ito sa kanya dahil gusto talaga nitong makiisyoso.Biglang napatili ito ng malakas pagkakita ng selpon ni Rhea."whoa!Si Tophe dela Rita?ang gwapo pa rin talaga ang loko"di makapaniwalang sambit ni Avanah.Maya't maya pa ay sumilay ang mapanuksong ngiti nito sa labi"Tophe dela Rita,Tophe dela Rita pumapag ibig ka na ba?heyy"pakanta kanta pa nito na wala nman sa ayos kung pakantang tukso ba nito. "Tumigil ka nga ate Avanah,para sa friend request lang eh,Anong big deal dun"pasuplada nyang tugon bago nya ito inirapan. "Aba! baka nakakalimutan mo girl,gusto kong ipaalala saiyo na ang heartrob at ultimate playboy sa campus natin noon ay may crush saiyo noong araw"dugtong pa nito. "Oh siya,alis na ako at may date kami ng boyfriend ko"paalam pa nito."Sagutin mo na yan at nang sumaya naman ang buhay mo,sayang ang beauty mo girl.siya bye!"saad nito at pakendeng kendeng pang naglakad bago tuluyang umalis. Sabado iyon at day off nilang dalawa ng pinsan nya.Supervisor na siya sa catering team nila sa Restaurant ng FisherAppelt Hotel,samantala ang pinsan nya ay Junior manager na ito.Ang pinsan nyang si Avanah din ang kumuha sa kanya sa Dubai at nagpasok sa kanya bilang waitress noon sa restaurant.Yun lang muna kasi ang bakante sa panahong yun.Okey lang naman sa kanya kasi baguhan pa lang siya sa larangang iyon at kailangan naman talaga ng experience sa mga matataas na posisyon. Kagagraduate lang nya noon sa kursong Bachelor of Science in Tourism ng sabihan siya ng pinsan nya thru chat kung gusto daw ba nyang magwork sa ibang bansa,at dun nga sa restaurant ng hotel kung saan din ito nagtatrabaho.Napa oo siya agad dahil excited siyang makapagtrabaho at kumita ng mas higit sa minimum wage ng Pilipinas.Agad siyang nagprocess ng kanyang mga papers para mapadali ang kanyang pag alis.At nakiayon naman ang pagkakataon at napakabilis ang process ng mga documents niya.Salamat sa Diyos! Muli niyang tinitigan ang profile picture ni Tophe dela Rita."Wala pa ring kupas talaga,ang gwapo pa rin.Ilang babae na ba kaya ang umiyak dahil sa mokong na to?"nasambit nya sa kanyang sarili.Inusisa nya ang wall ng binata,maging ang mga uploaded pictures at videos nito na para bang may gusto siyang makita o malaman.Masusing pag iimbestiga sa f*******: wall ng binata ang ginawa niya dahil gusto nyang makita kung pamilyado na ba itong tao. Pagkatapos kasi ng graduation noon ng binata sa Grade 12 ay wala na siyang balita pa dito.Di na rin naman siya interesado noong araw dahil nga sa sobrang napakababaero ito.Pero di rin nya maitanggi sa kanyang sarili na may lihim din siyang paghanga o pagtingin noon sa binata.Sino ba naman ang hindi magkakagusto doon di ba?Perfect boyfriend ito kung sa itsura lang ang pagbabasehan.Matangkad,Maputi at higit sa lahat ay Gwapo!Bonus na lang ang ibang kakayahan nito. She then accept Tophe's Friend Request.Gaya nga ng sabi nya Friend Request lang iyon and no big deal at all.Pero bakit kumokontra ang puso niya sa sinasabi ng isip nya?Parang may something siyang gusto.Gusto niyang mag expect ng higit pa sana.Kung pwede lang sana.Pero kung magkaganon man,ready na ba siyang masaktan?Umiling siya.Ni hindi pa nya naranasang magka boyfriend ni minsan sa edad nyang 24. Marami rin naman siyang manliligaw ngunit sadyang ayaw niya sa mga ito.Napakachoosy niya pagdating sa lalake.Yung iba kasi maporma lang.May hambog may sobrang yabang.Yung panay buhat ang bangko nito.Nakakairitang kausap ang mga ganoong klaseng tao kaya pilit niya silang iniiwasan.Hindi talaga niya type ang mga nanliligaw sa kanya.Walang spark.Walang kilig.Boring! Kaya naman ang ginawa niya ay nagfocus na lamang sa kanyang trabaho.At hindi naman siya nabigo,dahilsa tatlong taon nya bilang waitress sa FisherApplet Restaurant ay napromote nga siya bilang Supervisor. Maya't maya pa ay may message na ngang galing sa binata sa messenger niya. "Thank you for accepting my Friend Request".it's been 7 years,kumusta ka na?" Tumipa naman siya pabalik ng mensahe dito bilang sagot sa tanong niya."Heto at gumaganda este tumatanda"pabiro niyang sagot dito. "Dati ka namang maganda eh,tinatago mo lang"reply ulit ng binata. "Suss!ako,"tinuro pa nya talaga ang sarili nya na parang nakikita naman ito ng kachat."saang parte?"sagot nya. "Di ba ako nakakaistorbo?pwede ba kitang tawagan?" Magtatype pa lamang sana si Rhea ng message niya ay may incoming Video call na agad ang binata sa kanya.Sinipat nya muna ang sarili sa screen ng kanyang selpon at sinuklay suklay ang buhok gamit ang sariling daliri bago sinagot ang tawag ng binata. "Hi"magkasabay nilang bati sa isa't Isa at pagkatapos nun ay bigla silang nagkahiyaan.tumititig lang si Tophe s kanya sa screen at hindi ito nagsasalita. "uyy,bakit di ka na makapagsalita diyan?andyan na siguro asawa mo ano?pabirong tanong ni Rhea. "Ang sarap mo kasing titigan"seryosong sagot nito. Siya naman itong biglang natameme at hindi nakasagot agad.Nabigla siya sa sinabing iyon ni Tophe.Nagblush talaga siya at hindi iyon nakaligtas sa paningin ng binata.Biglang kumabog ang dibdib nya,parang sa kung may anong nagising sa kaibuturan ng puso nya. Yes,7 years ago may lihim na din siyang pagtingin noon sa binata.Ayaw lang nya noong aminin dahil ayaw nyang makahalata ito at baka isama siya sa mga collection nya bilang jowa.yes,jowa is the right term.short time girlfriend.Ayaw nya ng ganun.Ayaw nyang matulad sa mga babaeng nagkakandara at nagpapapansin dito.Papatulan naman ng Isa pagkatapos ng Isang linggo ay makipagbreak na.Pagkatapos ay iiyak at gagawa ng mga eskandalo.Masaya na siya sa mga takaw tingin nya sa binata.Yung masulyapan lang nya ang gwapo nitong mukha ay kontento na siya. "Ikaw naman ngayon ang hindi na sumasagot.pareho ba kaya tayo ng iniisip?"biglang someryoso ang binata sa kabilang linya. "Ano ba kasi ang nasa isip mo?Paano ko yun malalaman kung hindi mo sabihin sa akin,Hindi naman ako manghuhula" "Reminiscing the High School days" at ngumiti ito ng nakakainlove at lumitaw doon ang mapuputi at pantay pantay nitong ngipin na lalong nagpadagdag sa karisma nito. "Lord,eto na naman at pinapakita na naman ng lalakeng ito ang kahinaan ko"sambit nya sa sarili.Ngimiti si Rhea at bumwelo"Oo nga napakaplayboy mo noon,at siguro magpahanggang ngayon"sagot nya. Hindi umimik si Tophe dahil totoo naman ang sinasabi ng dalaga. "Totoo di ba?"untag ni Rhea sa kanya sa kabilang linya."Ilan na ba ang panganay mo?"pabiro pa nyang tanong. "Ayy grabe siya!totoong babaero ako noong araw pero ni Isa wala akong naanakan uyy Miss Valiente." "ayy totoo ba?parang di naman kapani- paniwala Mr.dela Rita"panunukso pa rin nya. "I swear,"itinaas pa nito ang kanyang mga palad bilang panunumpa."cross my heart"inekis nito ang kamay sa tapat ng kanyang dibdib."Wala talaga,promise"seryoso nitong sagot. "Sige na nga,maniniwala na ako baka kasi iiyak ang ultimate playboy na si Mr.dela Rita"dagdag ulit nya bago nag sign na "I zip my mouth." Tumawa lang si Tophe sa kabilang linya."I like that,May sense of humor ka pala.Akala ko dati,libro lang ang nagpapasaya saiyo eh" Pansin pala ng binata na lagi siyang nagbabasa ng libro noong araw.So,ibig sabihin totoo ang sinabi ng pinsang niyang si Avanah na crush siya ng binata noon?Oo nga siguro ano,dahil may natanggap nga siyang tatlong pulang bulaklak na may nakasulat na "I want to get close to you,I like you. Tophe" Teka,saan na nga ba nya nailagay ang bulaklak at card na yun?Naalala nya inipit nya iyon noon sa libro niyang madalas nyang binabasa.Itinago nya talaga yun tulad ng pagtago niya sa lihim nyang paghanga sa binata noon.Sa tuwing naalala niya ang pagkakataong yun noon ay kinikilig siyang parang trese lang ang edad. "uyyy"untag ng binata sa kanya sa kabilang linya na siyang ikinagising ng kanyang diwa.Mukhang napalalim ata siya ng pagmumuni muni. "Ahh,ano yun?"Wala sa isip niyang sambit. "Kita mo 'to,tinitigan lang kita nawawala ka na sa sarili mo.May crush ka sa akin noh?"pabirong saad nito. Muli na naman sayang nagblush. Makakahalata na talaga ang ultimate playboy kung palagi siyang wala sa kanyang sarili pag kausap ito. Mariin siyang tumanggi at umiling."Naku,marupok na lang ang maniniwala sa pagiging bolero mo Mr.dela Rita". "Sige na at nakakaistorbo yata ako sa pag de day dreaming mo.isama mo ako dyan ha.Bye!I miss you." pamamaalam nito. "Bye!"sasagot pa lang sana siya ng Bye ay naputol na ang kabilang linya.Ngunit bago na end call button ni Tophe ang selpon nito ay nasagip sa paningin ni Rhea ang batang babaeng bumungad sa pintuan ng kwarto kung saan naroroon kanina ang binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.7K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.2M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook