Chapter 2
Focus!Focus Rhea!Focus!paulit ulit na sambit ni Rhea sa kanyang sarili sa kalagitnaan ng kanilang busy hour sa trabaho.Ginagambala kasi ng isip niya ang isang Tophe dela Rita dahil sa pag uusap nila kagabi.Sabi nga niyang no big deal di ba dahil kilala naman nyang playboy ang binata.Pahuhulog pa ba siya sa bitag nito?
Okey na sana eh,may kilig na siya sa umpisa,pero di pa nga nagaganap ang nasa isip nyang love story nila ng binata ay bigo na agad siya.May anak na ang binata at kitang kitang ng maliwanag niyang mga mata ang cute na batang babae kagabi na papunta kay Tophe sa kwarto nito.kung di siya nagkakamali,nasa tatlong taong gulang ang batang yun.
Private Family pala siya sa Facebook.Ni wala kasi siyang nakitang picture ng bata o maging ang misis nito sa mga uploaded pictures at videos nito.
"Wala ka sa focus"tapik ng kanyang manager na pinsan din niyang si Avanah."My problema ba sa Pinas?May nangyari ba?"concern ni Avanah sa kanya..
Umiling lamang siya.Kaya naman ang mapanuksong ngiti at tingin ng pinsan nya ay lumihistro sa kanyang mukha at muling binalikan ang walang focus na Rhea.
"Si Tophe yan noh?"may nakakalokong ngiti sa labi ng mapanuksong pinsan niya.
Hindi pa rin siya sumagot kaya mas lalong nangibabaw ang kakulitan ng Isa."Tinamaan ka ba sa pag uusap niyo kagabi ah?hayy kinikilig naman ako"palanding sabi ni Avanah sa kanya.
"Hay naku ate Avanah,kahit kailan talaga Ikaw"suway nya dito."May pamilya na yung tao ganyan ka pa din kung makatukso!"pagalit nyang sagot
"Sinabi nya yun saiyo,ows?"di makapaniwalang sagot naman ni Avanah dahil she knows Tophe na single pa rin hanggang ngayon because of Bryan;her boyfriend.And Bryan is Tophe's best friend.
Infact,Dumating ng Dubai si Tophe 1 week ago,at nag apply itong Electrical Engineer sa FishersApplet kung saan din sila nagtatrabaho.At sa awa ng butihing Diyos ay natanggap naman ito.Hindi pa nga lang nagkakasalubong ang landas nila ni Rhea dahil sa magkaiba sila ng Department.
"Ah alam ko na,gets ko na kung bakit ka nagkakaganyan"sumeryoso ito."magfocus ka na lamang sa trabaho mo mahal kong pinsan baka mapansin ka pa ng ibang manager diyan at mapagdiskitahan ka pa"tinapik nito ang balikat ni Rhea."Mali ang iyong akala"dugtong pa nito saka siya nito iniwan.
Kasalukuyang silang nasa venue na gaganapin sa Miracle Garden.Isang Birthday Party ng Isang batang babae in her 7th Birthday.Little Debút kumbaga.Kapwa kabayan ang mga magulang nang bata at halata namang may kaya ang mga clients nila at sa kanila pa talaga nagpabook ng catering services,kasali na dito ang food and decorations.
Good for 50 persons lang naman ang guest nila,at pinaganda nga talaga nila ang venue na naayon sa theme na gusto ng bata.Mala Cinderella ang tema ng dekorasyon na gusto nito.
Nakahanda na rin ang lahat ng kanyang mga 7 balloons,7 candles,7 chocolates,7 gifts,7 treasure,7 birthdays wishes, and 7 500 dirhams bill.
Di pa man nagsisimula ang kasiyahan ay naupo muna sandali si Rhea sa isang tabi.Pinili nya ang pinakasulok.Minasa masahe nito ang kanyang sintido dahil sumasakit iyon gawa ng kulang siya sa tulog kagabi maliban sa pagod.Mamaya pa naman ang serving ng pagkain kaya makaupo muna sila sandali ng kanyang mga kasamahan Hindi kasi buffet iyon kundi iserve ang pagkain sa bawat lamesa.
Kinuha niya ang kanyang selpon,A55 Samsung model ito upang aliwin na lang ang sarili sa panonood ng mga funny video clips sa reels at facebook.Nabili nya ang kanyang selpon noong kaliwa't kanan ang mga overtime nila at deserve din niyang bigyan ng regalo ang kanyang sarili.
Lingid sa kanyang kaalaman,ay may Isang pares ng mga mata ang nakamasid sa kanya.Si Tophe.Ayaw munang magpakita ang binata at gusto niya ay surprise ang kanilang pagkikita.Mas may thrill iyon naisip nya.
Sinadya talagang mag apply ni Tophe sa Dubai nung nalaman nya kay Bryan na naroon nga si Rhea.Kinulit kulit pa nito ang kapatid nya na ikuhanan siya ng visa para makapunta rin doon.Ayaw pa nga sana ng mga kapatid niya dahil siya na lang ang kasama ng kanilang mga magulang sa Pilipinas ngunit mapilit rin talaga ito.
Pumayag na rin ang mga magulang nya kalaunan dahil nga may sarili din naman itong buhay.Magbakasyon na lang sila sa Dubai para magkasa kasama din sila tuwing Pasko o di kaya sa mga importanteng okasyon.Madali na lang yun naisip nila.
Maganda rin naman ang trabaho ng binata sa Pilipinas,Regular employee na nga siya sa Munisipyo sa Engineering Department. Ngunit handa nyang iwan iyon alang alang sa love life nyang gustong buoin.At yun ang gusto nyang bigyan ng pansin.
Labis nga ang kanyang tuwa ng maaprove na ang visa nito.Makikita na niya ang babaeng minsan ay bumighani sa puso niya.
Naaalala pa nito at tandang tanda nung araw ng foundation nila sa St.Ruiz Academy.Sumali ito sa Singing contest at habang kumakanta ito ay nahagilap ng mga mata nito sa isang sulok ng gymnasium ang isang babaeng nagbabasa ng makapal na libro.Pinakatitigan nya ito ng palihim habang kumakanta ito noon.Sadyang ang babaeng yun lang noon ang wala ang attention sa kanya habang ang mga ibang estudyanteng dalagita ay kinikilig na nanonood habang siya'y umaawit noon sa entablado.
Dahil nga sa ipinanganak itong musikero ay panalo ito palagi sa patimpalak.Nagbigay pa talaga siya ng mensahe noon ng"To someone who caught my attention at this very moment para saiyo yung kanta ko kanina"sabi nito na siyang dahilan ng pagkakilig ng karamihan sa mga estudyanteng babae.And they assume na isa nga sa kanilang nagpapansin sa binata ang inalayan nito ng kanta.
Di pa naman nya kilala noon si Rhea,transferee lang kasi ito noon at sa grade 11 siya.Grade 12 naman itong si Tophe.Binigyan din nito noon ng 3 pulang Rosas ang dalaga at naglakip din ng card doon.
May sumilay na ngiti sa labi nito ng maalala iyon.sabay pakanta sa isip nya
Hay naku!Puso'y nalilito
Minsan ka lang nakita ay
umibig na saiyo
Hay naku!kung naririnig mo
Problemang puso ko'y tulungan mo.
Malaking problema nga siguro kung papaano siya mapalapit kay Rhea.Binansagan kasi siyang babaero noong panahong nag aral pa lamang ito sa High School hanggang sa kolehiyo ito ngunit hindi naman totoo.
Gusto pa din nitong idepend ang sarili nito,kasi nga naman babae ang humahabol dito,mga babae ang nagpapakita ng interes at motibo.Kaya pinapatulan nya,pinagbibigyan niya sila.Yes lahat sila.Kaya para lang siyang magpalit ng damit kung makapagpalit ng girlfriend.Ngunit iba si Rhea kaya lihim nya itong nagustuhan.Si Rhea na gusto nya ngunit di man lang yata nagkainteres sa kanya.
Malungkot ang puso nya ng maisip nya iyon. Di rin naman niya masisisi ang dalaga dahil nga sa ka-playboy'an nito noong panahong yun.Pero nitong mga huling araw nga ay biglang may sumibol na damdamin ng marinig niya ang pangalan ng dalaga sa best friend niya.
"Sinong pinagmamasdan mo dyan?Magready ka na at mag alay ng isang kanta para sa opening program"saad ng nakatatandang kapatid ni Tophe sa kalagitnaan ng kanyang pagbabalik tanaw 7 years ago.
"Kuya,pati ba naman dito"maktol nito.
"Aba ayaw mo?Hoy Tophe maganda ang opportunity na to,Malay mo madiskubre ka sa pamamagitan ng pagkanta mo dito"sagot paliwanag ng kapatid niya.
Napakamot na lng ng ulo si Tophe.Kahit na ipinanganak siyang may ginintuang boses,iba ang Dubai sa Pilipinas.Sabagay,naisip nya.Tama ang kanyang kuya.At karamihan naman sa mga bisita ay mga kabayan din,mga kaibigan at katrabaho ng kuya niya sa hospital at ganun din ang hipag niya.Doctor ang mag asawa sa Sulayman's Hospital.Ang pinakamalaking Hospital ng Dubai.
"Sige na,punta ka na sa back stage at magready ka na.Ipinagmamayabang ko pa naman sa mga katrabaho ko na ang galing mong kumanta at bukod dun ay gwapo pa"dagdag pambobola pa ng kuya niya.
Pumunta na nga ito sa back stage at humugot ng isang malalim na buntong hininga.Sa isip nya,Si Rhea ang alayan niya ng kanta,Hindi ang pamangkin niyang may kaarawan ang kakantahan nito.
"Let's welcome Mr. Tophe dela Rita to sing us a beautiful song as we start the program" saad ng emcee.
Sa kinaroroonan ni Rhea ay hindi nya masayadong dinig at naiintindihan ang mga ganap sa mismong stage.May tabing kasi sa kinaroroonan nila gawa ng mga pagkain na iserve mamaya.Hindi rin nakaharap ang speaker doon kaya wala siyang idea kung ano na ang ganap doon.Di naman siya interesadong sumilip pa dahil pagod na siya,at pagod din yung isip nya.
Bakit nga ba kasi nya ini stress ang sarili at isip niya sa isang taong katulad ni Tophe dela Rita?