Sa Party

1391 Words
Chapter 3 Grabe!nakakalaglag panty!"rinig ni Rhea sa tumitiling isang waitress na Pinay habang kinikilig itong pinapanood si Tophe na nasa stage."Ang gwapo,oh my"dagdag pa nito nang may kasamang pakagat sa labi.Hinaluan pa nya iyon ng may pagkalanding boses. Hindi pa man kumakanta ito pero halatang marami ng humahanga sa kanya.Ganun naman kasi talaga ang binata,ang lakas ng kanyang karisma. "Artista?bagong artista ba?ows ang gwapo nya OMG"kinikilig ding sabi ng isa na animo'y niyakap nito ang kanyang sarili at may papikit pa sa kanyang mga mata. "Ang yaman naman ng kliyente natin,naghire pa talaga ng singer ah"ang isa naman ang nagsabi nun. Hawak ni Tophe ang kanyang electric guitar nang magtungo ito sa stage.Luminga muna ito sa mga audience at matamis na ngumiti na lalong ikinatili ng kilig ng mga nanonood. "Good evening everyone"bati nito.ngunit ang mga mata nito'y sadyang may hinahanap doon.Sadyang tinalasan nya ang kanyang mga mata dahil may isang taong gusto niyang makita,masilayan ang kanyang ganda.Hiling ng puso niya sa mga sandaling iyon ay,sana may pagkakataong lumabas si Rhea sa kusina at mapanood siya.Aalayan niya kasi ito ng kanta. Nagsimula nang tumipa ang mga daliri ni Tophe sa kanyang gitara at tumapat na siya sa micropono. Gusto kita, Sa Puso ko'y Ikaw lang ang mahalaga Pilitin mang limutin ka ay di ko magagawa Parang alipin mo ang isip at damdamin ko. Gusto kita Pagkat ang kilos mo'y sadyang ibang iba Mahinhin at malambing pa,katangian di mo sadya Pag ibig kong ito'y di na magbabago pa Kahit sabihin na mali ako Alipin mo o bihag mo ako'y iyong iyo Kung pag ibig ang pag uusap,di ko na ililihim pa Ang damdamin ko saiyo,Sa akin ay gusto kita Hindi talaga mapigilan ng karamihang waitress ang kiligin habang pinapanood nila si Tophe habang ito'y kumakanta. Sinasabayan pa nila ito sa pag awit at iwinawagayway ang kanilang mga kamay sa hangin.Feeling ng mga ito ay nasa concert sila.Ang boses ng binata ay nakapaswabe sa pandinig.Ito yung boses na kahit paulit ulit mong pakinggan ay hindi ka talaga magsasawa.Napakasoft iyon, Nakakainlove!Nakakakilig. "awws,grabe para akong idinuduyan,parang ako yung hinaharana nya"malanding sabi na naman ng Isang waitress. Hindi nakatiis si Avanah sa mga kaladiang naririnig nya kaya nilapitan nito ang mga mga iyon at saka nito sila inirapan. "Hoyy!sorry na lang kayo noh dahil taken na yung tao! Hanggang sa pangarap na lamang kayo."pasubladang sabi ni Avanah sa kanila. Natahimik na lamang ang mga ito nang marinig nila ang sinabi ng kanilang Junior Manager at nagkatinginan silang apat nang umalis na ito sa tabi nila. "Si Ma'am Avanah ba kaya ang girlfriend nya?Ang swerte naman ni Ma'am.Napakayummy ang boyfriend"inggit na sabi ng isa. "Bagay naman sila"sang ayon na lang ng isa at patuloy na pinanood na lamang si Tophe. Palinga linga naman si Tophe sa pintuan na nagkokonekta sa kitchen at dining kung saan alam nyang doon pwede nyang masilayan si Rhea.Doon lang kasi pwedeng pumwesto ang mga ito habang hindi pa nagsisimula ang kainan.Umaasa talaga ang puso niya sa mga sandaling iyon.Kaya nga pinagbigyan na lamang niya ang hiling ng kuya niyang kakanta siya at nagbasakali siyang mapapanood siya ni Rhea. Ngunit patapos na ang kanta nito ay di man maaninag ng mga mata nito kahit man lang likuran lang sana ng dalaga.Bigo pa rin talaga siyang makita ito ngayon.Siguro nga hindi pa nakikiayon ang pagkakataon. Pinili niya talaga ang kantang yun bilang pagtatapat sa damdamin niya sa dalaga.Habang kasi palapit ng palapit yung pagkikita nilang muli sa personal ay hindi na talaga niya maitago pa ang nararamdan niya para dito. Samantala,pawisan at hinihingal naman si Avanah ng marating ang kinaroroonan ni Rhea kung saan ito nakaupo mula pa nung magsimula ang kasiyahan sa labas. "Seryoso ka girl,Hindi ka man lang sisilip diyan?"nguso nito na ang tinutukoy ay sa kabila ng kurtinang tumatabing sa ginawa nilang kitchen pansamantala.Kurtina na lang ang pagitan nila ni Tophe sa pagkakataong iyon ngunit mailap pa rin talaga ang pagkakataon.Hindi pa nagkrus ang mga landas nila. "Nagkakasiyahan na ang lahat oh!.kinikilig na nga ang ilan eh,Ikaw na lang yung andyan sa sulok na di ko maintindihan kung ano bang ipinagmumukmok mo diyan"sermon ng pinsan nya. "Ayusin mo na yung sarili mo.Dali at manood na tayo.halika na kasi"hila ng pinsan nya sa kanya.at wala na siyang nagawa kundi ang tumayo at sumunod na lamang dito. "Ayan tapos na!ang tagal mo kasi"himutok pa ng butsi ni Avanah.Ang hindi alam ni Rhea ay gustong ipakita ni Avanah si Tophe habang kumakanta ito sa stage kaya niya ito dali daling pinuntahan ang dalaga doon sa isang sulok kung saan tumambay ito kanina pa. Masigabong palakpakan ang bumalot sa lugar ng mga sandaling iyon.May sumisigaw pa nga ng "one more!".at ang tagpong yun ang naabutan ni Rhea pagkalabas nila sa pintuan ng kitchen.At tanging likuran na lamang ng singer ang nakita nito pero tila tama nga ang bulong bulungang rinig nya kanina na gwapo nga yung sinabi nilang singer. Hindi na kasi siya nagkainteres pa na sumilip sa labas dahil maliban sa maingay ay wala talaga siyang tiyaga o hilig sa panonood ng mga party na katulad nito. Ang hilig lang talaga nya ay magbigay ng serbisyo sa trabaho.Ang libangin ang sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng libro.Ang maglikha o sumulat ng mga tula,nobela o maging kanta. "Thank you for that very wonderful song Mr. dela Rita.Ang daming kinilig ngayong gabi dahil saiyo"masiglang sabi ng emcee. Hindi nakaligtas sa pandinig ni Rhea ang sinabing iyon ng emcee at ganun na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niya. "Mr.dela Rita?"sambit niya sa kanyang sarili."Tophe dela Rita?'mpossible"dugtong pa niya kasabay ng kanyang pag-iling.Nagkausap lang sila ni Tophe kagabi at wala namang nasambit ang binata na naroon din ito sa Dubai."Nagkataon lang siguro.Marami namang dela Rita sa mundo."tanging nasabi na lamang niya sa kanyang sarili. Sa Isang bahagi ng isip niya ay bakit naman ipapaalam ng binata kung nasaan ito?Simpleng kumustahan lang naman ang pag uusap nila kagabi at walang ibig sabihin iyon.Pamilyado na nga yung tao, makikipaglandian pa ba ito?Umiling ulit siya. "Erase!Erase!Erase"Pina ekis ekis pa niya ang kanyang dalawang kamay na animoy ginaya pa ang style ni Maricel Soriano. "You want more?"masiglang tanong pa ng emcee sa mga nanonood. Hiyawang sumagot ang mga naroroon ng "yeesss!we want more and more." "Sorry ladies but it's time to proceed to the main and best part of the program.Naiinip na ang ating Little girl"sabi ng emcee at humarap pa ito sa kinaroroon ni Sophia;ang birthday celebrant. Madaling lumipas ang oras at sa wakas tapos na rin ang party.Unti unti nang nagsisialisan ang mga bisita at unti unti na din silang nagliligpit.May kanya kanyang toka ang bawat isa para mapadali at mapabilis ang pagligpit at pagtanggal ng mga decorations. "Bro,mauna na kami"paalam ng kapatid ni Tophe dito."Inaantok na ang pamangkin mo" . "Sige kuya,mag iingat po kayo.Sabay na lang ako kina Bryan kuya"sagot nito. Tumango lang ang kapatid niya.Alam kasi nito ang trabaho ng kapatid na kailangang magbantay muna doon sa mga nagtatanggal ng mga wirings connections na naikabit nila sa venue ng party kanina. It's almost done.Maging ang kitchen ay nakahanda na ang lahat.Ang sundo na lang ang kulang.Ganun din sa kabila sa mga decorations.Kasalukuyang tinitingnan ni Rhea ang inventory ng mga utensils ng biglang dumilim ang paligid. "Brown out". Ang bawat Isa ay nagsilabas ng selpon at inopen ng mga ito ang kani-kanilang flashlight. "Anong nangyari?"tanong ng kanilang senior manager.at sakto namang lumiwanag ulit. "Pasensiya na po.circuit disconnection lamang po".paumanhin ng lalakeng gumamit pa ng micropono. "Bakit parang pamilyar ang tinig ng lalakeng yun?"sambit ni Rhea sa kanyang sarili.Umiling siya.Sa kakaisip nya kay Tophe,pati boses ng iba ay napagkakamalan na niyang iyon ang lalake. "Tophe dela Rita,lubayan mo ang isip ko"sa isip lang niya yun pero bakit napalakas yata ang pagsabi niya. Isa isang tumingin ang mga waitress na malapit sa kanya habang naghihintay pa ng sundo nila. "Ma'am Rhea"nasa likod niyo po yata".biro ng isa ng mapansing tuliro nga ang isip ng Supervisor nila. Agad namang napalingon si Rhea,at sa kanyang pagkadismaya ay sinimangutan niya ito.Si Richard ang nasa likuran niya.Isa sa mga nagpapapansin at gustong manligaw sa kanya ngunit di niya ito type.May pagkamayabang,Wala namang ibubuga. Sobrang kinaiinisan niya ang mga ganoong uri ng tao.Yung kung umasta ay para kung sino. Di niya pinansin si Richard."Sorry ka na lang boy,may ibang gusto ang puso ko"nasambit niya sa sarili.At sakto namang dumating ang mga sundo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD