"Keira? Keira!" Mabilis kong nilayo ang sarili nang marinig ang boses ni Tatay habang nanlalaki ang mga mata. Dali-dali akong naglakad pauwi ng bahay. "'Tay, n-nandito na po ako. Bumili lang ng bagoong," sabi ko nang tuluyang makapasok sa may teresa, hinihingal pa. Nakakunot iyong noo niya nang makita ko. "Bumalik pala si Sir Avery?" He asked instead. "Nagpaalam kanina na may gagawin lang sa school niyo dahil may meeting daw siya sa dean. Iniwan niya iyong sasakyan niya?" Muntik na akong lumubog sa kinatatayuan habang nakatingin siya sa sasakyan ni Sir Avery na puno ng pagtataka. "Ah, nag-text sa akin, 'Tay na pinadala sa driver ni dean iyong kotse niya d-dahil wala na raw maparadahan doon." "Huh? Eh, kay laki ng school ninyo, ah." "Naku, 'Tay, kaarte noong boss ko sa sasakyan. Bak

