Chapter 14

1522 Words

“ALEYA, anak, may gusto sana akong itanong sa’yo,” sabi ni Mr. Alvarez nang pagbuksan niya ito ng pinto ng silid. Naghahanda na sana siya sa pagtulog nang kumatok ito. Kasunod nitong pumasok sa silid ang kaniyang ina na tila atubili at hindi mapakali. “Yes, Dad?” Bahagya siyang kinabahan sa paraan ng pagkakatitig ng ama. Kabisado niya ‘pag may gumugulo sa isip nito at sa tingin niya ay seryoso ang kung ano mang ibig nitong itanong. Idagdag pang hindi nakaligtas sa kanya ang paghaplos ng mommy niya sa likod ng ama. “May nakapagsabi sa akin na namataan ka daw diyan sa Eezy Point. Totoo ba?” Hindi agad nakakibo si Aleya. Kung tutuusin ay wala namang masama sa lugar na iyon. Isang gusali iyon na ang kalahati ay binubuo ng restaurant, computer centers at comedy bars. Ang kalahati namang pani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD