7

569 Words
NAGISING si Jean dahil sa matinding sinag ng araw na tumatagos sa balat niya. Kahit inaantok pa ay napilitan siyang bumangon at iniunat niya ang mga braso. Napangiwi siya dahil biglang kumirot ang sentido niya. “Aw..” hinilot niya ang sentido para kahit papaano ay kumalma ang pakiramdam niya. Tiyak na naparami ang nainom niyang alak kagabi dahil nararamdaman niya na parang sasabog ang ulo niya dahil sa sobrang sakit. Napalabi siya nang mapansin na maliban sa oversized t-shirt at panloob ay wala na siyang ibang suot. Siguro ay ang kaniyang ina ang nagpalit ng damit niya kagabi pagkauwi niya. Mahinang napaungol siya at tinapik ang magkabilang pisngi. Sa labis na kalasingan ay hindi na niya maalala kung papaano siya nakauwi kagabi. Marahil ay hinatid siya ni Janice at ng iba pa nilang mga kaibigan. Nakarinig siya ng malakas na kalampag mula sa labas ng silid. Kasabay niyon ay ang pagkalam ng sikmura niya. Bumangon na siya at balak sana niyang dumungaw sa labas para humingi ng pagkain sa kasambahay. Pikit ang mga mata na pipihitin sana niya ang seradura ngunit hindi niya inaasahan na kusang bubukas ang pinto. Gulat na nagmulat siya ng mga mata. Nagimbal siya ng bumungad sa kaniya ang isang may edad na babae. Malakas na napasinghap ito at napaantada nang makita ang hitsura niya. “Jesus!” Maging siya ay napatili nang makita ito na nakatayo sa labas ng pinto. “Anong ginagawa mo sa bahay ng anak ko? sino ka?” nanlalaki ang mga matang tanong nito at itinuro siya. “P-po?” nahihintakutang bulalas niya. Inilibot niya ang pansin sa buong paligid. Napamulagat siya nang matuklasan na wala pala siya sa sariling silid. Nasaan ako? Bigla ay bumukas ang pinto ng banyo sa loob ng silid at tumambad sa kaniya ang isang matangkad at maputing lalaki. Halatang bagong ligo ito dahil ikinukuskos pa nito ang hawak nitong towel sa basang buhok. Daig pa nito ang nakakita ng multo nang magtama ang mga mata nilang dalawa. “Mom!” mabilis ang mga hakbang na lumapit ito sa kaniya. Itinago siya nito sa likod niya at hinarap ang babae kanina na ina pala nito. “Who is she? bakit dito siya natulog sa kwarto mo?” Ilan beses siyang napalunok nang tumama ang noo niya sa likod ng lalaki. Pilit na inaalala niya kung saan niya ito unang nakita. Sa bar? Kainis! kung bakit ba naman kasi sa tuwing nalalasing siya ay para siyang nagkakaroon ng amnesia dahil nalilimutan niya ang lahat. Napahawak siya sa laylayan ng damit ng lalaki nang mapaatras ito. Naamoy niya ang pamilyar na amoy ng katawan nito at agad na nanlaki ang mga mata niya. Si kuyang amoy gwapo! Oh-em-gee! naaalala na niya ang lahat. Ito ang gwapong driver na naghatid sa kaniya noong isang araw sa flower shop at nag abot ng panyo sa kaniya. Mahinang pinalo niya ang ulo ng isang palad. Syet! anong ginawa ko kagabi? “Magpaliwanag ka sa akin Zac Andrew! hindi porque nasa tamang edad ka na ay pwede mo ng gawin ang lahat ng gusto mo. Sagutin mo ang tanong ko, sino siya?” dumagundong sa buong silid ang tinig ng ina nito. Lagot na! gusto niyang pumalahaw ng iyak at tumakbo palabas ng silid dahil sa labis na kahihiyan. “Mom.. she’s.. she’s my girlfriend.” ang tanging naisagot ng lalaki na gumising sa naglalakbay na diwa niya. Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD