8

1304 Words
"Saan ka natulog kagabi?" madilim ang mukha na bungad ng mga magulang ni Jean sa kaniya nang pumasok na silang lahat sa sala ng mansiyon. Kung kanina ay yakap niya ang braso ni Zac ngayon naman ay ito ang tila paslit na natatakot bumitiw sa kamay niya. Naupo silang dalawa sa mahabang sofa habang ang mga magulang niya ay sa katapat naman nilang sofa nakapwesto katabi ang kuya Brandy niya. Pinanlakihan niya ng mga mata ang kapatid niya at humingi ng saklolo dito. Pero hindi naman siya nito pinansin dahil nagkibit balikat lamang ito at nag iwas ng tingin. Huminga siya ng malalim at pinisil ang palad ni Zac. Naguguluhang tumingin naman ito sa kaniya. Tumango siya at ininunguso ang mga magulang niya. "Batiin mo sila," mahinang utos niya. "Ah," tumango ito at bumaling sa mga magulang niya. "Good morning po," Ngumiwi siya ng malakas na tumikhim ang kaniyang ama. "Tinatanong kita, Xenia Jean saan ka natulog kagabi?" mababa ang tinig ngunit may kalakip na pagbabanta na inulit ng daddy niya ang unang tanong nito kanina. Tumingin siya sa kaniyang ina. Wala itong reaksiyon maliban sa masamang tingin na iginawad nito sa kaniya. Lagot na talaga! "Daddy bago po ninyo ako husgahan-" "Sa bahay ka ba niya natulog kagabi?" singit ng kaniyang ina. Nakataas ang isang kilay na tumitig ito sa mga mata niya. Syet! syet! syet! nakagat niya ang mga labi. Batid niya na kilalang kilala siya ng mommy niya at mahuhuli din siya nito kaagad kung magtatangka siyang magsinungaling. "Opo," kagat labing tugon niya. "Oh! Jesus.. ano ba ang ginawa mo anak?" nanlulumong hinilot ng kaniyang ina ang sentido nito. "Mommy relax ka lang, nakahanda naman siguro ang boyfriend niya na pakasalan siya." pilit na pagpapakalma dito ng panganay na kapatid niya. "Oo naman mommy relax ka lang dahil nakahanda naman-kasal?" napamulagat siya habang inuulit niya ang sinabi ng kuya Brandy niya. "Kasal? agad-agad?" "And what do you expect, ha? na maniniwala kami ng mommy mo kapag sinabi mo na walang nangyari sa inyo?" dumagundong ang galit na tinig ng kaniyang ama. "Dad, relax ka lang ang puso mo," saway ng kaniyang ina dito. Mariing naipikit niya ang mga mata. May sakit sa puso ang daddy nya kaya iniiwasan nilang lahat na magalit ito. "D-daddy.. kasi wala naman talagang.." "Ikaw lalaki, nakahanda ka ba na panagutan ang nag iisang anak na babae namin?" maawtoridad ang tinig na tanong ng daddy niya kay Zac. Pakiramdam ni Jean ay binuhusan siya ng malamig na tubig dahil sa tanong ng kaniyang ama. Naiintindihan niya ang reaksiyon ng mga magulang niya. Nag iisang anak na babae siya kaya inalagaan at minahal siya ng mga ito ng mas higit pa sa kayang ibigay ng mga magulang sa isang anak. Kaya nga ayaw niya na nakikitang nalulungkot ang mga ito ng dahil sa kaniya. Napaigtad siya ng biglang bitiwan ni Zac ang kamay niya. Tumayo ito at nagbow ng 360 degree sa harap ng mga magulang niya! "Ano ka ba! bakit ka nagbow sa harapan nila. May lahi ka bang koreano?" natatarantang bulong niya at hinila ang isang kamay nito. Hindi siya nito pinansin at seryosong nagwika ito. "Opo, nakahanda po akong pakasalan ang anak ninyo." magalang na sabi nito. "What?" May sayad ba siya? "Oh-em-gee! madir! kailangan na pala nating iprepare ang kasal nilang dalawa." kinikilig na bulalas ng kapatid niya. Pinanlakihan niya ito ng mga mata ngunit sa huli ay natigilan siya nang mapansin ang pagsilay ng kontentong ngiti sa mga labi ng daddy niya. Ang mommy naman niya ay umiiyak na nilapitan siya at mahigpit na niyakap. "I'm so happy for you anak. Ngayon mo lang kami napasaya ng daddy mo ng ganito. Ikakasal ka na sa wakas.." "Mom," tila wala sa sarili na nahagod niya ang likod ng ina at tulalang tumingin kay Zac. Ngayon na nakita niya ang labis na kaligayahan ng mga magulang niya ay nawalan na siya ng lakas ng loob na itama ang lahat ng maling akala ng mga ito. Lumipas ang buong araw na walang ginawa ang pamilya niya kundi ang interviewhin ang fake fiancee niya. Parang piyesta tuloy sa buong baranggay ang naging salu-salo sa bahay ng mga Tan. Isa lang naman ang bisita nila pero kung magluto ang mommy niya ay daig pa nito ang mayroong napakaraming bisita. Maging ang kaniyang ama ay tuwang tuwa sa future manugang nito. Naglaro pa ang mga ito ng chess habang nag uusap tungkol sa pulitika at ekonomiya ng bansa. Kahit nosebleed ang inabot niya ay aminado siya na humanga siya sa binata dahil sa bawat topic na bubuksan ng kaniyang ama ay may sariling opinyon ito. Pagsapit ng alas tres ng hapon ay nagpaalam na si Zac na aalis na dahil may meeting pa daw ito at ang bagong kliyente nito. Nabanggit ni Zac ang tungkol sa pagiging freelance computer programmer nito at ang tungkol sa kompanyang pag aari ng mga magulang nito. Nakita niya ang katuwaan sa mga mata ng daddy niya. Sorry daddy.. Mangiyak ngiyak na naisaloob niya. Nakakataba man ng puso na nakikita niya ang malapad na ngiti sa mga labi ng ama ay hindi pa rin niya maiwasan na makonsensiya. "Ayan, ganiyan nga ang piliin mong lalaki. Ubod na nga ng gwapo ay matalino at may siguradong future ka pa. Hindi kagaya ng ex mong si Leo na dinala mo dito noong isang araw na-" "Enough na kuya ha, huwag na tayong manlait ng kapwa-aray!" napahiyaw siya nang batukan siya nito. "Nalasing ka lang ay nakalimutan mo na naman na ate ang dapat mong itawag sa akin." "Kasi naman ang hirap ng gusto mong ipagawa eh, may ate ba naman na mas matangkad pa sa kapre?" "Kuuh!" "Aba, ano pa ang ginagawa ninyong magkapatid? Jean, anak, ihatid mo na sa labas ang fiancee mo." utos ng kaniyang ina. "eeeeeh! Fianceeeeeeee!" tili ng magaling niyang kapatid. Siniko lang niya ito at sumabay na kay Zac sa paglabas. Nagulat pa siya nang mapansin na nakasunod sa likod nila ang mga magulang niya. Ultimo ang kapatid niya ay pakendeng kendeng pa na naglalakad at sumusunod sa kanila ng binata. Eh di sana sila na lang ang naghatid sa labas! Juskoo! "Aalis na ako," sabi sa kaniya ni Zac nang makarating na sila sa labas kung saan nakaparada ang sasakyan nito. Nagtama ang mga mata nilang dalawa at hindi niya mapigilan ang pagsikdo ng dibdib niya. Halos hindi niya magawang bawiin ang tingin sa maamong mukha ng binata. "S-sige.." pilit na ngumiti siya. Napansin niya ang pagsulyap nito sa mga magulang niya at bigla itong natigilan. Nagtatakang tumingin din siya sa direksyon na tinitingnan nito. Nakita niya ang kuya Brandy niya na nakatingin kay Zac at pinatutulis ang mga nguso habang itinuturo siya. Binasa niya ang bawat pagbuka ng mga labi ng kapatid niya ng magsalita ito na walang sound. KISS-HER Kuya! At masunurin ang gwapong fiancee niya. Hinalikan nga siya nito sa ibabaw ng noo bago nakangiting nagpaalam sa kaniya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Nakatulala pa rin siya kahit narinig niya ang papalayong ugong ng sasakyan. Speechless. Pakiramdam niya ay may higanteng mga paruparo ang nagliliparan sa loob ng sikmura niya. "Hija, pumasok ka na rin sa loob at nakaalis na ang nobyo mo," bilin ng kaniyang ina. Napaigtad siya nang mapansin na nakatayo na pala sa harap niya ang kuya Brandy niya. Ipinitik nito ang mga daliri sa harap niya at bumanat pa ng sikat na kantang 'Dreaming of You bago pumasok sa loob ng gate. Gulat na naikurap niya ang mga mata at nag iinit ang mga pisngi na sinundan ito ng tingin. "Kuyaaaaaaaaaaaa!" malakas na tumili siya at hinabol ito. Kailangan niyang makaresbak dahil sa ginawa ng magaling niyang kapatid. Resbak ka diyan! tuwang tuwa ka nga sa kiss ng pekeng fiancee mo eh! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak niya. Hindi kaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD