11

559 Words
"ZAC!" hindi makapaniwalang bulalas ni Jean nang makita niya ang binata na nakaupo na sa hospital bed. Tinanggal na rin ang oxygen na nakakabit dito at mukhang maayos na ulit ang pakiramdam nito. “Zac!” sa labis na tuwa ay naipatong na lamang niya basta sa mesa ang binili niyang pagkain at tinawid ang agwat nilang dalawa ng binata. “Zac! okay ka na? may masakit ka pa ba? saan? maayos ba ang tulog mo?” mahigpit na niyakap niya ito. Hindi pa rin siya makapaniwala na maayos na ang kalagayan nito kaya ganoon na lang ang reaksiyon niya. Kanina kasi ay nagpaalam na muna siya sa nurse na nagbabantay sa binata na lalabas saglit para bumili ng almusal niya. Ang mommy nito ay umuwi na muna saglit para kumuha ng ibang gamit ni Zac kaya siya lang ang naiwan sa ospital. Mahinang umungol ito habang sinisipat niya ang bawat bahagi ng mukha nito. Dumako ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito. “May masakit ba?” punong puno ng pag aalalang tanong niya. “Wala..” Nakahinga naman siya ng maluwag dahil sa sagot nito. Tahimik na pinagmasdan niya ang binata. Pinipigilan niya ang pagbuhos ng emosyon niya pero sadyang mahina marahil ang puso niya pagdating dito. Hanggang sa hindi na niya mapigilan at kusang pumatak ang mga luha niya. “Why?” nag aalalang tanong nito sa kaniya. Umiling siya at mahigpit na niyakap si Zac. “S-sa sunod huwag mo na akong tatakutin ng ganoon ha? feeling ko mas mauuna pa ako sa'yong isugod sa ospital.” Humihikbing wika niya. Hindi naman ito nagsalita. Isinandal lamang nito ang ulo sa ibabaw ng tiyan niya at pinakinggan ang mga sinasabi niya. “Next time kapag naulit pa ito malilintikan ka na talaga sa akin,” may kalakip na pagbabanta na turan niya. Nag angat ito ng tingin sa kaniya. Bahagya naman siyang lumayo dito at sinalubong ang mga tingin nito. “Dahil wala pa naman tayong lusot sa gusot na pinasok nating dalawa ay aalagaan na muna kita ha? bawal kang tumanggi. Hindi ko hahayaang maapektuhan ka pa dahil sa planong pagpapakasal nila Kurt at Patty.” Dumaan ang matinding pagkagulat sa mga mata nito at sa huli ay napabuntong hininga. “Alam mo na pala,” “Oo.. at..” inilagay niya sa ibabaw ng kaliwang dibdib nito –sa tapat ng mismong puso nito—ang kanang palad niya. “Balang araw maghihilom din ang sugat diyan. Maniwala ka sa akin band aid lang ang katapat niyan.” “T-talaga?” naaaliw na ngumiti ito kaya lumukso ang puso niya. Kapag hindi pa ito tumigil sa pagngiti ay baka siya naman ang maconfine ng wala sa oras. “Promise?” “Honesto!” turan niya at itinaas ang isang kamay. Tumaba ang puso niya nang makita ang simpatikong mga ngiti nito. Hindi niya alam kung bakit hindi magawang makita ni Patty ang mga katangian ni Zac na hindi makikita ng kahit sino sa ibang tao. Marahil ay maliban sa talagang gwapo ay mahal na mahal ni Patty si Kurt. Siya, nakikita niya ang lahat ng mga magagandang katangian ni Zac. Sa malapit man o malayo. May telescope man o wala. At isa lang ang nasisiguro niya.. hindi mahirap magustuhan ang isang mabait at perpektong—sa paningin niya—lalaki na katulad nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD