"Happy New Year," sa halip ay sagot niya sa kapatid. Thirty-seven o thirty-eight si Kathleen, pero mukha nang forty plus. Pinabayaan din ang katawan. Mataba. At stressful ang trabaho. ER nurse ito sa ibang bansa. Dalaga pa si Kathleen. May sinabi pa ito sa kanya, pero sinadyang hindi pansinin ni Angelo. Imbes, nagmano siya sa papa niyang ngayon ay nasa wheelchair. Stroke. Two years ago. His mother was more agile even at sixty-nine. Trim, erect posture so she always appeared taller than she actually was. Makapal pa rin ang buhok at mangilan-ngilan lang ang uban. Obvious kahit kanino kung saan nakuha ni Angelon ang kanyang looks. His mother was in her forties when she had him. Menopause baby raw siya. Suwerte nang wala siyang diperensiya. Patpatin siya at maitim pa nga raw siya noong

