"Here we go." Pinatay ni Angelo ang makina ng sasakyan matapos iyong iparada sa tabi ng isang Land Cruiser. Kahit madilim sa parking lot na iyon, halatang bagong-bago ang Land Cruiser na gray at parang alam na niya kung kanino. Bumaba siya at kinuha sa trunk ng kanyang Honda Civic ang mga regalo. Three large shopping bags full of gifts for the kiddos and the oldies. Iyong mga nasa in- between ang mga edad, hindi na kailangan regaluhan. Kahit siya mismo, hindi umaasang may matatanggap na regalo mula sa mga kamag-anak. Bitbit sa isang kamay ang mga shopping bag, tumawid siya mula sa grabang parking lot papunta sa gate ng resort ng D' Levion Hotel Resort & Spa. Balot ng Christmas lights ang trunk ng tatlong date trees sa kanan ng gate. May mga nakatusok ding parol sa lupa na green, yellow

