"Hindi puwede. Hindi kasya ' yan diyan. Matatakpan mo pa ang dingding." "Oo nga. That's what I'm trying to do." "Hindi puwede. Pangit nasanay na akong ganyan." "Eh, nakaharang kaya 'yang higaan mo diyan!" Binitiwan na ni Angelo ang basahan, lumapit sa aparador. "'Wag mo nang galawin'yan, hayaan mo na. Dito lang talaga 'yan puwede." "'Di nga? Bat ganito'ng condo mo, parang hindi pa tapos." "Ganito talaga. Kami na lang ang bahala sa pintura and anything else. Hindi ko pa naaasikaso na palagyan ng kuwarto. Alis diyan, itutulak ko." Napilitan si Amber na lumayo. Hinayaan na niyang ibalik ni Angelo ang aparador. Mabigat naman kasi talaga, baka dumating na ang bisita hindi pa nila naililipat. "Narra ito, naitulak mo? Napakabigat nito." komento ni Angelo. "Kaya pala," sabi ni Amber. "Sa

