Oras ng hapunan, puno ang mga restaurant sa Alabang. Waiting ang mga walang reservation. Pero nakahanap ng desente namang makakainan si Angelo, medyo out of the way nga lang ang restaurant. Nanindigan si Amber na hindi kakain. Hindi umorder. Umorder si Angelo ng crispy pata at sinigang na ulo ng salmon. Nang ihain iyon, nilantakan agad niya at hinayaan na lamang si Amber. Nakamasid lang si Amber. Sa crispy pata. Natawa si bigla si Angelo, pumiraso siya ng malutong na balat, isinawsaw sa sawsawan. "Say aah," sabi niya kay Amber. "Ahh." Ngumanga ito. Sinubuan niya ng crispy pata ang babae. Sinenyasan na rin niya ang waiter. "Extra rice," sabi ni Angelo paglapit ng waiter. "At saka green mango shake," hirit ni Amber. "So.. Hindi ka na galit." "Ikaw naman diyan ang galit, eh." "Hin

