Nag-angat ng tingin si Daniel at nakakunot ang noo'ng tumingin sa gawi niya. "Huwag na kalahating milyon. One hundred thousand na lang. Para lang sa inang ko." Ngumisi ito. "Feeling guilty now?" Hindi sumagot si Chas. Ngayon lang din sumagi sa isip niya si Mrs. Rebollado. Ano na lang ang isipin ng matandang babae sa kanya? Kahit hindi nito sabihin, alam niyang natutuwa ito sa kanya kahit noong mga panahong nag-aaral pa siya sa KLM University. Kaya nga isa siya sa mga nabigyan ng full scholarship ng mag-asawang Rebollado. Isa pa, ang ginang ang nagpasok sa kanya bilang yaya ni Ryley. Malaki ang utang-na-loob niya sa matanda. Paano na lang kapag nalaman nito ang ginawa niyang pakikipag-bargain o pamba-blackmail sa panganay nitong anak? Kung pamba-blackmail man iyong matatawag. Pero hindi

