"Denver..." tawag ni Chas sa lalaki na nakaupo sa harap ng nangingintab na desk sa loob ng sarili nitong kuwarto. Hinubad nito ang suot na eyeglasses pagkatapos siyang sulyapan. "What is it?" Dahan-dahan siyang humakbang papasok sa loob. Huminto siya sa tapat ng malaking kama. Nagtagal doon ang mga mata niya. Ilang tili kaya ang gagawin niya sa mismong honeymoon nila? Naku, ang dami pa naman niyang kiliti. Nahinto lang ang kahalayan sa isip ni Chas nang tumikhim si Denver. May ngiting naglalaro sa bahagyang nakatikom nitong mga labi. Nababasa na naman ba nito ang nasa isip niya? "Ahm... B-busy ka ba?" Wait. Nautal ba siya? Nakagat niya ang sariling dila. Heto na naman siya. "Spill it out, Chastity." pormal na utos nito kahit parang nakita niyang kumislap ang mga mata nito sa pagkakati

