"Ayoko pa siyang mag-asawa dahil baka hindi pa siya handa. Ayokong makitang umiiyak ang anak ko. Walang inang matutuwa na makitang nasasaktan ang anak nila." "Mrs. Tiu, I love your daughter more than anything and I will never hurt her, I promise. Hindi niya kailangang matutong maglaba dahil maghahanap ako ng tao na maglalaba para sa kanya. Hindi ko siya papahirapan, Aling Rebecca, at ipinapangako ko po na hindi siya iiyak sa piling ko," sincere na sabi ni Denver. Bakit ganoon, kahit alam niyang hindi naman totoo ang lumalabas sa bibig ng lalaki, pakiramdam niya ay masayang-masaya pa rin siya? "Awww.. Ang sweet..." Si Jessa. "Inang, tama na 'yan, Ayaw n'yo n'on, mag-aasawa na ang ate? Magkakaapo na kayo at dadami na ang mag-aalaga at magmamahal sa inyo?" Si Kelvin iyon na kanina pa naki

