Mabilis lang ang naging seremonya ng kasal. Nang ideklara ng judge na kasal na sila at puwede na niyang halikan ang bride, sabay silang pumihit paharap sa isat isa. Tumaas ang isang sulok ng bibig ni Denver nang mapansing biglang naging tensiyonado si Chastity. Malikot ang mga mata nito, tumitingin sa lahat ng parte ng apat na sulok ng kuwartong iyon maliban sa kanya. Nawala ang angas at nang-iinis na ngiti na kanina pa nakapaskil sa kulay-pink nitong mga labi. "Kiss! Kiss!'' Narinig nilang sigaw ng mga tao sa paligid. Bumaba ang mukha niya sa mukha ni Chastity na naestatwa na yata. "H-hahalikan mo ba ako?" "I don't have the heart to reject them, wife," sagot niya, pabulong. Maring pumikit si Chas at amused namang napangiti si Denver ng makitang iminulat nito ang kaliwang mata bago

