Hindi na inanyayahan ni Amber na umakyat sa unit si Angelo. Obvious naman na mapipilitan lang itong magpaunlak dahil... I'm fully paid for, panggagaya niya sa isip ng tono at dialogue ng lalaki. Obligado lang, hindi kusang-loob. Iyon ang bumabagabag sa kanya. Gustuhin man niyang mas makakwentuhan ng matagal ang lalaki para mas makilala niya ito ay mas nananaig ang disappointment na nararamdaman niya dahil sa nangyari kanina. Amber kicked the door shut, stepped off her shoes, sinimulan nang kalasin ang butones ng polo. Nahubad na niya iyon-by the time na pumasok siya sa kuwarto. Hinubad na rin niya ang pantalon at bra. Naghanap ng sando, isinuot at nahiga. He was bothersome. Si Angelo. His narrow eyes, slim, straight nose, tapered jaw. Ah, perfection. Everything about him was right. He

