He was being extremely nice. She should be glad, she supposed. Kaso alam ni Amber na kunwari pa rin lang ang lahat. Pakiramdam pa niya, lahat ng nakakakita sa kanila ni Angelo, alam ang totoo. At marami ang nakakapansin sa kanila. Takaw-pansin ang kanyang kasama. Mula nang bumaba sila ng kotse, sa pagpasok sa building, sa elevator at sa restaurant na mismo. Obvious din na ilan sa mga nakakakita sa kanila, namumukhaan si Angelo. Napapa-double take, and Angelo would nod and smile. Pasalamat na lang din siguro si Amber na hindi dinudumog ang kasama. Hindi naman kasi matinee idol. At noong G-in-oogle niya, hindi naman pangmasa ang mga inindorso nito. Like the Nissan Company. Angelo was their man when they launched the new pick-up model. In the ads, he was scruffy and haggard. He had just en

