HINDI MAPAKALI si Brenna mula sa kinauupuan. Pa'no kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Hideo. Halos maubos na niya ang laman ng isang bote ng champagne. Sinisinok na rin siya dahil nararamdaman na niya ang tama ng ininom niya. Kanina pa nagsimula ang party at nagkakasayahan na ang lahat. May mangilan-ngilan ng magkakapareha sa dance floor na sumasabay sa mabagal na saliw ng musika. Samantalang siya ay naroon pa rin at mag-isa. Sinubukan niyang hanapin ang kaibigan sa mga bisitang naroroon ng hindi umaalis sa kinauupuan. Pero mahirap dahil bukod sa malawak ang crowd ay madilim din. Kaya naman napagdesisyonan niyang tumayo na at hanapin ito. Siguro'y nakakita na ito ng ibang date at nakalimutan na siya. O 'di kaya ay nahihirapan itong kumbinsihin si Saga De Verdad na kausapin

