FOURTEEN NAPAKURAP SI Brenna nang matanawan ang paparating na ina. Umayos siya sa pagkakaupo sa barstool sa kitchen counter at ininom ang tsaa na nasa mug. Tanghali na siya bumangon at wala siyang ganang kumilos buong araw. Tumawag lang siya sa opisina na hindi siya makakapasok dahil masama ang pakiramdam niya. "May sakit ka daw, sweetie?" Malambing na tanong ng ina at sinalat ang noo niya. "Nothing, 'My. It's just a headache from the champagne that I drink last night. How's dad? Is he awake?" Pinanood niya ito nang magsuot ito ng apron at buksan ang stove. "He is. As usual nasa study room na naman 'yon at nagbabasa. You know 'yon na ang naging past time niya nang umuwi kami dito galing sa States," sabi nito habang naglalabas ng mga lulutuin mula sa fridge. Bahagya lang siyang tumango

