"WHY DID you sign the contract, Saga?" Maang na tanong ni Ivana nang sadyain siya nito sa opisina. "Do you even know that they are close to declaring their bankruptcy? Hindi ba sinabi ko na sa'yo 'yan?" Hindi siya nagsalita sa sinabi nito at patuloy lang sa pagrerebisa ng mga dokumento. "You will lose a big sum of money kung itutuloy mo ang pakikipag-partnership sa kanila. Saka ano ba ang nakalagay sa kontrata? Let me see?" Inilahad nito ang palad sa harapan niya pero nanatili siyang tahimik. Wala siyang balak magpaliwanag sa babae at lalong wala siyang balak na ipakita dito ang laman ng kontrata. Kung ano man ang nakapaloob doon ay confidential at tanging siya at si Brenna lang ang dapat makaalam no'n. "Saga!" Naiirita nang tawag nito sa kanya kaya napilitan siyang mag-angat ng tingin

