ISANG BUWAN na ang nakalipas at bumalik na sa dati ang estado ng kompanya. Nakakakuha na uli sila ng mga proyekto at bumalik na rin ang tiwala ng mga board members kay Brenna. Maliban kay Adelaide Roy na matabang pa rin ang pakikitungo sa kanya. Well, hindi niya ito masisisi dahil tinanggal niya ang pag-asa nitong maging Presidente ng kompanya. Kasabay ng pagbalik ng lahat sa negosyo nila ay ang patuloy niyang pakikipag-ugnayan kay Saga kapalit ng proyekto at perang ibinigay nito sa kanila. Hindi niya alam kung anong meron sila. Bukod sa naibibigay niya ang init ng katawan na gusto nito at siyang nakasaad sa confidential na kontratang pinirmahan nilang pareho ay wala na itong ibang sinabi sa kanya. Nahihiya siya sa sarili niya dahil wala siyang mapagsabihan na kapalit ng malaking halaga

