"NO! SABIHIN niyong hindi totoo 'yang sinasabi niyo! Pumayag si Saga na pakasalan ako 'di ba? 'Di ba?" Galit na tumayo si Ivana at nagpalakad-lakad sa harapan ng daddy niya sa study room. "Calm down, hija---" "How will I calm down?! Don't you know that they're living in the same roof? They are betraying me dad! You should do something about it!" Ibinagsak nito ang dalawang kamay sa mesa. Nakita niya nang ihilamos ng ama ang dalawang kamay sa mukha na animo'y naaaburido ito. "Nagiging sakit na ba ako ng ulo sa inyo?" Bigla ay para siyang batang napagalitan. Umupo siya sa silya at yumuko. Tumayo naman ang daddy niya at nilapitan siya. "Hindi, hindi hija. 'Wag mong iisipin 'yan. Kahit kailan ay hindi ka naging sakit ng ulo sa'kin," anito at niyakap siya. "Really?" Paniniyak niya. "Oo na

