Forty-Six

1159 Words

NAGISING SI Brenna sa tapik na naramdaman sa balikat niya. Iminulat niya ang mga mata at kinusot 'yon saka hinintay na luminaw ang paningin niya. "Saga?" Tawag niya sa pangalan ng nobyo sa pag-aakalang ito ang gumigising sa kanya. Pero hindi pala. "Wala pa rin si Saga. Talaga bang susunduin ka niya? Medyo late na rin kasi. Baka marami pa siyang ginagawa." sabi ni Sheryll. "Baka nga. Pero hihintayin ko pa rin siya. Ikaw, hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya at umupo. Nasapo niya ang ulo dahil para 'yong mabibiyak. May liwanag pa kanina nang magising siya at nagbakasakali siyang parating na ang binata. Pero nakatulog na lang siya ulit ay hindi pa rin ito dumadating. Kalat na ang dilim sa labas ngayon at hindi niya alam kung anong oras na. Basta ang malinaw walang kasiguruhan kung darating pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD