"GUSTO MO bang ihatid kita sa Batangas, Brenna?" Tanong ni Hideo habang pinapanood siya sa pag-iimpake. Pupunta siya sa Monte Beach Resort para doon gugulin ang dalawang buwan niyang bakasyon at mamayang gabi na siya aalis. Alam na rin ni Kassandra at Xavier na doon siya mamamalagi kaya hinahanda na ng mga ito ang magiging silid niya. "Salamat sa alok pero kaya ko na mag-isa, Hiddy," sabi niya ng hindi ito tinitingnan. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko noon sa'yo sa ospital?" Tanong nito na nakapagpatigil sa kanya. Pilit niyang inalala kung anong sinabi nito. "Ilabas mo lang lahat 'yan, Bren. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." "Nandito ako, Bren. Kaya kong akuin at ariing akin ang batang 'yan. Basta piliin mo lang ako… Handa akong maging rebound mo para makalimutan mo siya." "A-A

