"PARA SAAN ba ang meeting na ito, Saga, at bakit pati ako ay inimbitahan mo?" Tanong ni Ramiro. Nagpatawag siya ng board meeting ng hapon ding 'yon at kasama sa ipinatawag niya ay ang mag-amang Ramiro at Ivana dahil ito ang panauhing pandangal niya. "Maybe Saga wants to announce our wedding to make it formal. Kasi 'di ba, tayo lang ang nagsalita noon sa party?" ani Ivana na parang siguradong-sigurado sa sinabi nito. Hindi nagsalita si Saga at hinayaan lang ang mag-ama sa kuro-kuro ng mga ito. Nang masigurong naroon na ang lahat ay saka siya tumayo at inilagay ang dalawang kamay sa likod. "I apologize for calling you all here on such a short notice. I know it's late but my announcement couldn't wait 'til tomorrow so thank you for coming into this meeting." Panimula niya habang nililibot

