HINDI MAPIGILAN ni Brenna ang mapangiti habang pinapanood ang mga kambal na nagtatampisaw sa tubig. Nakilala na niya ang limang taong gulang na anak nila Kass at Xav na sina Erwann at Ether. Gaya ni Xandra ay bibo at malambing ang kambal na kapatid maliban kay Xander na medyo aloof. Binati lang siya nito kanina at pagkatapos ay nagkulong na ulit sa kwarto nito. Pero ngayon ay napilit ito ng mga magulang na lumabas at ngayon nga ay nakikipaglaro na sa mga kapatid. Identical twins si Erwann at Ether. Samantalang si Xandra at Xander ay hindi. "Tita Breyny, join us!" yaya ni Xandra at patakbong lumapit sa kanya. "Hey, 'wag mong guluhin ang Tita Breyny mo. Wala pa siyang ganang mag-swimming. Later na lang, okay?" ani Kass. Nilingon naman niya ito at nagtaas baba lang ito ng kilay na para ban

