KINABUKASAN ay nasa loob uli ng conference room si Brenna. Nakatayo siya sa harapan ng mga shareholder. Kung kahapon ay ni hindi siya makangiti ngayon naman ay ni hindi mapigtas ang ngiti sa labi niya.
"I apologize for calling you all here on such a short notice." Panimula niya.
"Please make sure that it is worth our time. Alam mo naman busy din kami," ani Misis Roy.
Napatango siya at ini-on ang projector. Rumehistro sa screen ang contract proposal na natanggap nila. De Verdad Group of Companies Makati Condominium Project ang nakarehistro sa screen.
"It is surely worth your time and everyone here as well. As you can see this is a project proposal. A NEW PROJECT that our company got," aniya.
"How come you get that when we didn't even hear you join the bidding? And one more thing, how when our credibility is failing?" Tanong ni Mister Gregorio.
"And did you know that DVG is one of the highest grossing company in the Philippines and in Asia?" Segunda naman ni Mister Tiangco.
Kunwari ay hindi siya nagulat pero ang totoo ay ngayon lang niya nalaman ang lahat ng 'yon. She should have did some research before calling this meeting. She almost lost her composure but she tried not to by clearing her throat.
"I-I know that. Isn't it a good news na nakuha natin ang project without joining the bidding? Ibig sabihin lang no'n hindi pa rin nawawala ang tiwala nila sa kompanya natin. Especially sa serbisyo natin." Mukhang napaniwala naman niya ang mga ito at wala na siyang narinig na tanong.
Natapos ang meeting na wala na siyang narinig na kuwestiyon mula sa shareholders. Maliban kay Misis Roy. Mukhang hindi ito kumbinsido sa naging presentation niya dahil nakaismid itong lumabas. Alam niyang isa ang ginang sa may interes na makuha ang posisyon sa kompanya bilang Presidente at CEO.
"Set na appointment mo later with Mister De Verdad. Make sure na you are at your best dahil balita ko single pa ang CEO and President na si Saga De Verdad. And I heard yummy siya ha?" Salubong sa kanya ni Sheryll paglabas niya ng conference room.
"Really?" Kunwa'y interesadong tanong niya at dumiretso sa opisina niya.
"Yes! And I heard he's the most sought-after bachelor in the country dahil bukod sa gwapo na ay inspiring din ang k'wento kung paano niya naabot ang kinaroroonan niya ngayon."
"Then show me his pictures?" Inilahad niya ang palad dito. She can't help but to get curious because of how her secretary described the guy, their savior. 'Their savior?' How could she say that? Is it because of the information she heard? Or just the word gwapo itself?
"I'm sorry to tell you, Bren. Pero ni isang picture wala kang makikita sa internet o kahit sa mga magazine."
Binawi niya ang kamay at kunot-noo itong binalingan. "How come? 'Di ba nga 'most sought-after bachelor' siya?" She asked emphasizing the last four words.
"At paano mo nasabing gwapo siya kung ni hindi mo pa pala nakikita ang mukha niya?" Dagdag pa niya.
"Na-visualize ko lang. Isa pa napakalinaw kaya ng description sa kanya ng mga business magazine." Kagat-labing turan nito.
Muntik na siyang mapa-face palm sa narinig. So sa description lang pala ito bumase? Wala itong pruweba na gwapo at yummy nga ang Saga De Verdad na 'yon. Pero bakit ba iniisip niya kung ano ang itsura nito? Hindi ba't ang mahalaga naman ay ang project na ibinigay nito sa kanila?
Sabagay makikilala niya naman ito ng personal mamaya sa dinner meeting. Siya na lang mismo ang titingin kung talagang kaaya-aya ang itsura nito and maybe she can take a stolen picture of him.
Ipinagkibit na muna niya ng balikat ang pag-iisip kay Saga De Verdad at maaga niyang tinapos ang trabaho para makadaan siya sa mga magulang sa Pampanga. Pagkatapos ay dadaan siya sa parlor para magpaayos. She should look presentable and beautiful. Ayaw naman niyang mag-iwan ng pangit na impression sa bagong katrabaho.
Kasalukuyan siyang nagmamaneho nang tumunog ang telepono niya na nasa dashboard. Landline number ng bahay nila ang nakarehistro sa screen. Isinuot niya muna ang bluetooth headset bago niya sinagot ang tawag.
Hindi pa man siya nakakapagsalita ay narinig na niya ang takot at nag-aalalang boses ng ina. "Brenna, iha, you have to go home now. Your dad wants to talk to you."
"Bakit, mom? Anong problema?" Base sa boses nito mukhang may hindi magandang ginagawa ang daddy niya.
"I-I don't know. I just heard him shouting at someone on the phone. I think it's about the company. A-And I heard him called a certain name. A-Adelaide? Please come here now, iha? I don't know what to do to him and something might happen if he continued being like th---" Hindi na niya narinig pa ang sasabihin ng ina dahil biglang naputol ang linya. She tried calling her again pero hindi na ito sumasagot.
She tried calling Jiro and luckily he pick up the phone. "Where are you?" Agad na tanong niya.
"Hey, I'm fine. How 'bout you?" Pamimilosopo nito.
"I'm serious, Jiro. May emergency sa bahay. Nasaan ka ba?" May halong inis na tanong niya.
"I'm with Kuya Duke and Kuya Garette. Bakit? Anong nangyari?"
Kung tama ang hinala niya nasa bar ito na pag-aari ni Garette na malapit lang din sa bahay nila. Doon ito madalas na tumatambay kasama ang mga pinsan nila.
"Nagwawala si daddy at kailangan siyang awatin. Umuwi ka na at tulungan mo si mommy. I told you to look after him while I'm away. But you are not doing your part. Grow up, Jiro!" Hindi na niya hinintay ang sagot ng kapatid at pinatayan na ito saka niya binilisan ang takbo ng sasakyan.
Hindi naglipat oras ay narating din niya ang bahay nila. Nagmamadali siyang umibis ng sasakyan at dumiretso sa loob ng kabahayan. Wala siyang naabutang tao sa living room kaya naman dumiretso na siya sa ikalawang palapag.
Nakita niya ang ina na nasa labas ng study room kasama si Jiro na nakaakbay dito.
"Nasaan na si daddy?" Kuha niya sa atensyon ng mga ito.
"He's waiting for you inside,"maikling tugon ng ginang. Tumango siya at sandaling sinulyapan ang kapatid bago tuluyang pumasok ng silid.
Tahimik sa loob ng study room nang pumasok siya. Pero may mangilan-ngilan na gamit ang nakakalat sa sahig. Tanda na nagwala ang ama. Nakita niya ito na nakaharap sa bintana. Nag-ipon muna siya ng lakas ng loob bago siya tumikhim para kunin ang atensyon nito.
Ilang segundo ang lumipas bago humarap ang daddy niya. Walang mababanaag na emosyon sa nangungulubot ng mukha ng animnapu't dalawang taong gulang na si Arturo. Pero naroon pa rin ang awtoridad sa aura nito.
Hindi na ganoon katikas ang tindig nito at halata na rin ang pamamayat ng katawan dahil sa iniindang sakit. Pero kahit gano'n ay pinipilit pa rin nitong magmukhang malakas sa harapan nila.
"Tell me what's going on in the company, iha?" Malumanay na tanong nito.
Isang beses pa siyang tumikhim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya saka iniabot dito ang isang folder na naglalaman ng bagong proyekto.
Umupo ang daddy niya sa silya nito at pinasadahan ng tingin ang dokumentong dala niya.
"Kung ano man ang sinabi ni Misis Roy sa inyo ay walang katotohanan. Alam niyong gusto lang niyang makuha ang posisyong ibinigay niyo sa'kin kaya gumagawa siya ng kwento." Paliwanag niya.
Nang marinig niya ang sinabi ng ina na pangalan kanina ay alam na niyang si Adelaide Roy ang tinutukoy nito na kausap ng daddy niya.
"Paano mo nakuha ang project na 'to nang hindi sumasali sa bidding?" Anitong hindi nag-aangat ng tingin.
"Honestly, I don't know that there's a bidding. We just got an email from them saying that they want to hire us." Kibit-balikat niyang turan. Wala siyang planong itago sa ama ang totoo gaya ng ginawa niya kanina sa meeting.
Matagal na katahimikan ang namayani matapos niyang magsalita. Base sa hitsura nito ay may malalim itong iniisip. Kung hindi pa pumasok ang mommy niya ay hindi pa niya maiisipang umupo.
Naglagay ito ng isang basong juice sa harapan niya at slice ng paborito niyang mocha cake na gawa mismo nito. Tipid siyang ngumiti at pabulong na nagpasalamat. Ngiti lang ang isinagot nito sa kanya at lumabas na.
"Iwan mo na muna ako at may kailangan lang akong tawagan," sasd nito. Tumango naman siya at sinunod ang sinabi nito.
Paglabas niya ay naroon pa rin ang ina at kapatid. Mukhang alerto ang mga ito kung sakaling magwala uli ang daddy nila.
"Anong pinag-usapan niyo sa loob?" Anang mommy niya. Ikinuwento niya dito lahat at mataman naman itong nakinig. Gano'n din si Jiro. Nang matapos siyang mag-kuwento ay parang nakahinga ang mga ito ng maluwag.
"Dapat pala tayong mag-celebrate dahil sa magandang balita na natanggap natin. Naku, tamang-tama kumpleto tayo. Magluluto ako ng mga paborito niyong pagkain para mapagsaluhan natin mamayang hapunan." Masayang turan nito.
Bahagyang napangiwi si Brenna na napansin naman ng mommy niya. "Masaya ang ideya niyo mom. Pero may meeting ako mamaya kasama ang President ng DVG. Hindi natin alam baka contract signing na rin 'yon."
"Gano'n ba? O, siya may ibang pagkakataon pa naman." Sasagot pa sana siya nang maramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone na nasa bulsa ng suot niyang blazer. Inilabas niya 'yon at tiningnan.
Nabasa niya ang reminder ni Sheryll tungkol sa dinner meeting. Pati na rin ang oras at lugar kung saan gaganapin ang meeting. Napasulyap siya sa oras na nasa taas ng screen at halos masamid siya sa sarili niyang laway nang makitang alanganin na.
"Oh my god! Male-late na 'ko sa appointment ko. I gotta go, mom! Pakisabi na lang kay dad babalik ako bukas. Bye!" Hindi na siya nakahalik pa sa pisngi ng ina at nagmamadali siyang umalis.
Wala na siyang oras para magpunta pa ng parlor kaya wala siyang choice kundi ayusan ang sarili. Pero sa condo niya na 'yon magagawa. Halos paliparin na niya ang sasakyan dahil sa pagmamadali. Sana lang ay hindi siya ma-late.