"KUMUSTA NA po si, Inay, Doc?" Tanong ni Saga sa family Doctor nila na tinawagan niya para tingnan ang ina. "She's fine now. She just need some rest and tell her to drink her medicine. I also prescribe some vitamins and lastly, she needs to avoid stress as much as possible so this won't happen again." anito. "Thank you, Doc." Tipid na sagot niya. "You're welcome, hijo. Bueno, aalis na 'ko. Tawagan mo na lang ulit ako kapag may kailangan ka." Paalam nito. Tumango naman siya at kinamayan ito. Pagkatapos 'yon ay ipinahatid na niya ito kay Diday sa labas. Nang mawala ito ay bumalik siya sa silid ng ina para tingnan ito. Naupo siya sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok nito. Nang dumating siya ay tulog na ito at tapos na ring i-check ng Doktor Sabi ng mga kasambahay ay hindi daw ito tumit

