"IVANA…!" Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng tinig at nakita nila si Saga kasama ang ina nito. "Oh, I'm glad you came. But how did you know we are here? May tumawag ba sa'yo sa isa sa mga 'to?" Sumulyap ito sa kanila at pagkaraan ay muling ibinalik kay Saga ang tingin. Hindi nito pinansin ang babae at binalingan ang matanda na kanina pa nanonood at animo'y nalilibang. "Anong ginagawa niyo dito, Ramiro?" "Wala naman. Sinasamahan ko lang ang anak ko na maningil," wika nito. "Gusto mo bang sumama sa kanila?" "No, dad! Si Brenna lang ang gusto kong mawala at hindi si Saga!" Mariing tutol ni Ivana at sa isang iglap ay inagaw nito ang baril sa lalaking kasama at itinutok sa kinaroroonan niya. "Stop this, Ivana… Hindi ganito ang gusto kong mangyari nang magdesisyon akong hayaan ka.

