PAKIRAMDAM ni Brenna umaayon na ang lahat ng bagay sa kanya dahil matapos ang wedding proposal ni Saga ay nagkaayos na rin ang mommy niya at si Tita Katarina. Kaya matapos ang reunion at kahit isang linggo na ang nakalipas ay para pa ring nakalutang sa alapaap ang pakiramdam niya. Malaya na kasing nakakapunta sa kanila ang binata at maayos na rin itong pinakikitunguhan ng daddy niya. Bukod pa do'n ay nagagawa na nila ang gusto nila gaya ng paglabas ng sila lang dalawa. Nang araw na 'yon ay nasa mall sila para mamili ng baby stuff. Pero hindi lang sila kundi pati na rin ang mga ina nila na hindi pumayag na hindi kasama sa pagdedesisyon ng mga bibilihing gamit. Close na close na nga ang mga ito na parang mag-best friend. Isa pa ay lagi ring dumadalaw sa kanila si Tita Marissa na may dalan

