KINABUKASAN ay napansin ulit ni Brenna ang itim na sasakyan na 'yon sa tapat ng bahay nila. Pero hindi kagaya kahapon na bigla itong nawala. Ngayon ay napansin niyang halos kalahating araw na 'yon na nakatigil do'n. Wala siyang nakitang bumababa o sumasakay kaya nahinuha niyang nasa loob pa rin ang tao. Hindi niya inaalis ang tingin doon habang hawak niya ang telepono. She's been itching to call him. Pero baka mapahiya lang siya kapag nalaman niyang hindi pala ito ang nasa sasakyan. Kaya sa huli ay itinabi niya ang telepono at lumabas ng silid niya. May iba siyang naisip na paraan. Tumingin-tingin siya sa paligid para tingnan kung may tao at ng masigurong wala ay saka siya bumaba sa unang palapag. Palabas na siya sa maindoor nang matanawan niya si Cris na papasok pa lang ng gate. Base sa

