NAGISING si Brenna sa haplos na nararamdaman sa buhok niya. Nang imulat niya ang mata ay nakita niya ang seryosong mukha ni Saga na nakatitig sa kanya. Nakahiga ito paharap sa kanya at nakatuon ang isang kamay nito sa ulo. Mataman niya itong tinitigan at wala siyang mabasang emosyon sa mga mata nito. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya. Tiningnan niya kung maliwanag pa sa labas mula sa sliding door na kumokonekta sa balcony. Maliwanag pa pero mukhang palubog na rin ang araw. "Hindi ka pa kumakain ng tanghalian. Gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?" Malumanay na tanong nito. Hindi siya sumagot at tinalikuran ito saka siya bumangon. Lumabas siya ng silid at dumiretso sa kusina. Pasimple niyang sinulyapan ang living room para tingnan kung naroon pa si Ivana. Pero wala siyang n

