MATAPOS mailipat sa pribadong silid si Brenna ay agad itong pinuntahan ni Saga. Mas maayos na itong tingnan ngayon kaysa noong huli niya itong makita. Wala na kasi ang kung ano-anong mga aparato na nakakabit dito at para na lang itong natutulog. Katabi lang nito ang inookupang silid ng ina kaya madali lang niyang mababantayan ang dalawa. "Dapat siguro magpahinga ka muna, Saga? Kami na ang bahala sa mommy mo at kay Brenna. Bukas naman ay susunod dito sila Kass, para dumalaw," sabi ni Yuri na nakatayo sa gilid ng kama ng dalaga. Sinulyapan niya ito at naalala niya ang ginawang tulong ng mga ito para lang makakuha ng dugo para kay Brenna. "Maraming salamat nga pala sa tulong niyo. Kung hindi dahil sa inyo hindi agad siya mao-operahan. Salamat din sa pagtatanggol niyo sa kanya habang wala

